29/03/2026
ANG HULING PATROL ๐๏ธ๐ต๐ญ
Ang hirap ng pagiging pulis ay hindi lang sa bigat ng vest o sa panganib ng baril, kundi sa katotohanang bawat pag-alis mo sa bahay, dala mo ang isang paa sa hukay nang hindi mo alam kung may bukas pa bang naghihintay pagkatapos ng iyong duty. ๐ก๏ธ๐ฅ
Habang ang karamihan ay payapang natutulog, may mga lulan ng PNP Mobile Number 767 sa Shariff Aguak na pabalik na sana sa himpilan matapos ang isang mahabang patrol... ngunit sa isang iglap, ang **"pauwi na ako"** na text ay naging huling paalam na pala. ๐๐ฑ๐๏ธ
Isang huling saludo para kina:
๐ฏ๏ธ Pat. Kenneth Perocho
๐ฏ๏ธ Pat. Al-Fatah Marohom
๐ฏ๏ธ Pat. Amil Bangsa
๐ฏ๏ธ Pat. Arsenal Sivih
๐ฏ๏ธ Pat. Sayed Ridwan
Mga bayaning hindi na makakauwi sa kanilang mga anak at asawa dahil sa isang malupit na ambush na tumapos sa kanilang serbisyo. ๐จโ๐ฉโ๐งโ๐ฆ๐ค
Sa likod ng bawat uniporme, may isang tao na tulad niyo rin na may takot at pagod, ngunit pinipiling itaya ang lahat para sa katahimikan ng iba. Kaya sana ay baunin natin ang kanilang sakripisyo sa ating mga panalangin ๐ habang hinihiling ang mabilis na paggaling nina PLT Alfred Gregory, PSSG Adam Kansi, at Pat. Abubakar Lauban. ๐ฅ๐ช๐ฉบ
Hindi madali ang maging pulis dahil ang bawat hakbang sa kalsada ay isang sugal ng buhay na hindi mo alam kung kailan matatapos... at ang trahedyang ito ay isang masakit na paalala na ang kaligtasan ng nakararami ay madalas na binabayaran ng dugo ng iilan. ๐๏ธ๐ฉธ๐ฆ
TAPOS NA ANG INYONG DUTY, MGA KASAMA. KAMI NA ANG BAHALA RITO.
๐ซก๐ต๐ญ๐๏ธ
Disclaimer: No Copyright Infringement intended
All Credits belongs to rightful owner
CTTO:
Pat. Sierra