14/11/2025
๐๐ผ๐ธ๐ฎ๐น ๐ป๐ฎ ๐ฃ๐ฎ๐บ๐ฎ๐ต๐ฎ๐น๐ฎ๐ฎ๐ป, ๐ฝ๐ถ๐ป๐ฎ๐ถ๐ด๐๐ถ๐ป๐ด ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ด๐ต๐ฎ๐ต๐ฎ๐ป๐ฑ๐ฎ ๐ฎ๐ ๐ฝ๐ฎ๐ด๐๐๐ด๐ผ๐ป ๐๐ฎ ๐บ๐ฎ๐๐ถ๐ป๐ฑ๐ถ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ด๐ฏ๐ฎ๐ต๐ฎ
Ibinahagi ni Dr. Erick Ramirez, pinuno ng CDRRMO, ang naging paghahanda at kasalukuyang sitwasyon ng lungsod matapos ang ilang araw na pag-ulan at pagbaha na nakaapekto sa maraming barangay.
Ayon kay Dr. Ramirez, 44 barangay ang naapektuhan sa peak ng pagbaha. Ilan dito ay nag-request ng flushing operations dahil sa putik at bara sa mga kalsada. Giit niya, bago pa man tumama ang masamang panahon, apat na araw nang naghanda ang lungsod, kasama ang pagpupulong sa mga barangay upang linisin ang mga kanal, alisin ang mga sagabal sa daluyan ng tubig, at ayusin ang mga imprastraktura na maaaring maapektuhan ng pag-ulan.
Dagdag pa niya, naka-deploy na rin ang mga team para sa rescue, medical response, sanitation, at environmental safety. Muli niyang binalaan ang publiko sa panganib ng leptospirosis at iba pang sakit na dulot ng baha, pati na ang posibleng paglitaw ng mga hayop tulad ng ahas.
Tiniyak ni Dr. Ramirez na sapat ang suplay ng relief goods, dahil nag-imbak ang CSWDO at bumili pa ng karagdagang 10% ng kinakailangang supply para matugunan ang pangangailangan ng evacuees.
Binanggit din niya ang kahalagahan ng pre-emptive at forced evacuation upang maprotektahan ang mga residente, lalo na sa mga lugar na lubhang binabaha. Aniya, hindi maaaring isugal ang buhay ng mga tao, maging ng mga rescuers tulad ng bombero, pulis, at volunteer groups.
Sa huli, nanawagan si Dr. Ramirez ng patuloy na kooperasyon ng publiko, lalo na sa pagsunod sa mga paalala at evacuation advisories. Patuloy namang nakikipag-ugnayan ang CDRRMO sa DSWD at iba pang ahensya para sa tuloy-tuloy na suporta habang nananatili pa rin sa state of calamity ang ilang bahagi ng lungsod.