19/05/2026
Dapit hapon at Dalampasigan
Sa dalampasigan, tahimik ang mundo,
Buhangin ay kumakapit sa bawat hakbang.
Sa pagitan ng langit at ng bughaw na tubig,
Ako’y naliligaw ngunit payapang umiibig.
Dumadampi ang hangin na may dalang alaala,
Mga pangakong iniwan, di na muling mababalikan pa.
Bawat alon na marahang sumasayaw sa pampang,
Parang bulong ng kahapon na hindi ko matakasan.
Dito tayo minsang nagtagpo ng mata,
Sa gitna ng araw at ng gintong umaga.
Ngunit tulad ng alon na umaatras din,
Ikaw ay lumayo't di na muling babalik sa akin.
Ngunit sa dalampasigan, ako’y nananatili,
Hinahayaan ang pusong unti-unting maghilom muli.
Sapagkat sa bawat pag-agos ng dagat sa baybayin,
Humahawak sa kakarampot na pag-asang ako'y iibigin mo rin.
139/365
-----
051926
-----