31/08/2026
๐๐๐ฅ๐๐ ๐ฃ๐ ๐๐๐ฃ๐๐ฎ๐จ๐๐ฎ | ๐๐ฎ๐น๐ฎ, ๐จ๐บ๐๐๐น๐ฎ๐ฅ๐ก?
๐๐๐ฎ ๐ข๐๐ ๐๐ง๐๐ฌ ๐ฃ๐ ๐ฌ๐๐ก๐๐ฃ๐ ๐๐ง๐๐ฌ.
Walang gintong sinag na sumisilip sa ulap, walang init na dumadampi sa balat, at walang bughaw na langit na karaniwang nagbibigay ng pakiramdam na magiging maganda ang araw. Sa halip, mabigat ang kalangitan at patak-patak ang ulan. Para sa ilan, sapat na ang ganitong panahon upang isipin na may hindi magandang mangyayari.
Ngunit paano kung mali pala tayo? Paano kung may mga araw na hindi dumidilim ang langit upang magbabala, kundi upang magbigay?
Ngayong Agosto 29 at 30, habang umuulan sa ilang bahagi ng bansa, libo-libong nursing graduates ang humarap sa August 2026 Nurses Licensure Examination. ๐๐ข๐ญ๐ข ๐ฏ๐ช๐ญ๐ข ๐ด๐ข ๐ฎ๐จ๐ข ๐ต๐ฆ๐ด๐ต๐ช๐ฏ๐จ ๐ค๐ฆ๐ฏ๐ต๐ฆ๐ณ ๐ฉ๐ช๐ฏ๐ฅ๐ช ๐ญ๐ข๐ฎ๐ข๐ฏ๐จ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ญ๐ข๐ฑ๐ช๐ด ๐ข๐ต ๐ต๐ฆ๐ด๐ต ๐ฑ๐ฆ๐ณ๐ฎ๐ช๐ต, ๐ฌ๐ถ๐ฏ๐ฅ๐ช ๐ฎ๐จ๐ข ๐ต๐ข๐ฐ๐ฏ ๐ฏ๐จ ๐ฑ๐ข๐จ-๐ข๐ข๐ณ๐ข๐ญ, ๐ฑ๐ถ๐บ๐ข๐ต, ๐ค๐ญ๐ช๐ฏ๐ช๐ค๐ข๐ญ๐ฅ๐ถ๐ต๐บ, ๐ด๐ข๐ฌ๐ณ๐ช๐ฑ๐ช๐ด๐บ๐ฐ, ๐ข๐ต ๐ฑ๐ข๐ฏ๐จ๐ข๐ณ๐ข๐ฑ ๐ฏ๐ข ๐ฃ๐ข๐ญ๐ข๐ฏ๐จ ๐ข๐ณ๐ข๐ธ ๐ข๐บ ๐ฎ๐ข๐ด๐ถ๐ฏ๐ฅ๐ข๐ฏ ๐ฏ๐จ ๐ฅ๐ข๐ญ๐ข๐ธ๐ข๐ฏ๐จ ๐ต๐ช๐ต๐ช๐ฌ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฌ๐ข๐ฏ๐ช๐ญ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฑ๐ข๐ฏ๐จ๐ข๐ญ๐ข๐ฏ: ๐.๐.
Maaaring hindi perpekto ang panahon, ngunit hindi rin naman perpekto ang daan patungo sa pangarap. May mga gabing ipinagpalit sa pagbabasa, umagang bumangon nang kulang sa tulog, at mga pagkakataong mas madaling sumuko kaysa magsimula muli. Ngunit sa araw na iyon, pinatunayan nilang maaaring maging basa ang daan nang hindi nalulunod ang pangarap.
Sa loob ng examination room, naiwan ang mga reviewer at kaklaseng maaaring hingan ng tulong. Ang natira ay isang test paper, isang lapis, isang orasan, at ang kaalamang ilang taon nilang pinaghirapan. Bawat tanong ay tila nagbabalik sa unang lecture, unang clinical duty, unang pagkakamali, at bawat gabing piniling magpatuloy kahit pagod na.
Sapagkat bago pa man nila harapin ang PNLE, marami na silang pagsusulit na dinaanan. Sinubok sila ng pagod, takot, kabiguan, at pagdududa. ๐๐จ๐ถ๐ฏ๐ช๐ต ๐ด๐ข ๐ฃ๐ข๐ธ๐ข๐ต ๐ฑ๐ข๐จ๐ฌ๐ข๐ฌ๐ข๐ต๐ข๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ต๐ช๐ญ๐ข ๐ธ๐ข๐ญ๐ข ๐ฏ๐ข๐ฏ๐จ ๐ญ๐ข๐ฌ๐ข๐ด, ๐ฑ๐ช๐ฏ๐ช๐ญ๐ช ๐ฏ๐ช๐ญ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฃ๐ถ๐ฎ๐ข๐ฏ๐จ๐ฐ๐ฏ. ๐๐ข ๐ฃ๐ข๐ธ๐ข๐ต ๐ฑ๐ข๐จ๐ฌ๐ข๐ฌ๐ข๐ต๐ข๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ฉ๐ช๐ฏ๐ฅ๐ช ๐ฏ๐ช๐ญ๐ข ๐ข๐ญ๐ข๐ฎ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ด๐ข๐จ๐ฐ๐ต, ๐ฑ๐ช๐ฏ๐ช๐ญ๐ช ๐ฏ๐ช๐ญ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฎ๐ข๐ต๐ถ๐ต๐ฐ. ๐๐ต ๐ด๐ข ๐ฃ๐ข๐ธ๐ข๐ต ๐ฑ๐ข๐จ๐ฌ๐ข๐ฌ๐ข๐ต๐ข๐ฐ๐ฏ๐จ ๐จ๐ถ๐ด๐ต๐ฐ ๐ฏ๐ช๐ญ๐ข๐ฏ๐จ ๐ด๐ถ๐ฎ๐ถ๐ฌ๐ฐ, ๐ฑ๐ช๐ฏ๐ช๐ญ๐ช ๐ฏ๐ช๐ญ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฎ๐ข๐ฏ๐จ๐ข๐ณ๐ข๐ฑ ๐ฎ๐ถ๐ญ๐ช.
Hindi rin sila nag-iisa. Sa labas ng mga testing center, may mga magulang na naghihintay, mga kaibigang nagdarasal, at mga pamilyang tahimik na umaasang balang araw ay maririnig nila ang pangalang may kasunod na R.N. Sa likod ng bawat examinee ay may mga taong nagsakripisyo, naniwala, at patuloy na nagsabing, โKaya mo iyan.โ
Kaya marahil, hindi kailangang katakutan ang ulan.
Ang ulan ay maaaring maging hadlang, ngunit maaari rin itong maging biyaya. ๐๐ถ๐ฏ๐จ ๐ฑ๐ข๐ข๐ฏ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ฌ๐ข๐ช๐ญ๐ข๐ฏ๐จ๐ข๐ฏ ๐ฏ๐จ ๐ฃ๐ช๐ฏ๐ฉ๐ช ๐ข๐ฏ๐จ ๐ถ๐ญ๐ข๐ฏ ๐ถ๐ฑ๐ข๐ฏ๐จ ๐ต๐ถ๐ฎ๐ถ๐ฃ๐ฐ, ๐ฌ๐ข๐ช๐ญ๐ข๐ฏ๐จ๐ข๐ฏ ๐ฅ๐ช๐ฏ ๐ฏ๐จ ๐ฑ๐ข๐ฏ๐จ๐ข๐ณ๐ข๐ฑ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฎ๐จ๐ข ๐ฑ๐ข๐จ๐ด๐ถ๐ฃ๐ฐ๐ฌ ๐ถ๐ฑ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฎ๐ข๐จ๐ช๐ฏ๐จ ๐ฎ๐ข๐ต๐ข๐ต๐ข๐จ. Hindi lahat ng unos ay senyales upang umatras. Minsan, ito ang nagtuturo sa atin kung gaano talaga kalalim ang ating paninindigan.
Hindi pa sila Registered Nurses. Hindi pa maaaring idagdag ang R.N. sa kanilang mga pangalan habang hinihintay ang opisyal na resulta. Ngunit isang bagay ang hindi na maaalis sa kanila: ๐ฅ๐ถ๐ฎ๐ข๐ต๐ช๐ฏ๐จ ๐ด๐ช๐ญ๐ข ๐ด๐ข ๐ข๐ณ๐ข๐ธ ๐ฏ๐ข ๐ฎ๐ข๐ต๐ข๐จ๐ข๐ญ ๐ฏ๐ช๐ญ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฑ๐ช๐ฏ๐ข๐จ๐ฉ๐ช๐ฏ๐ต๐ข๐บ-๐ฉ๐ช๐ฏ๐ต๐ข๐บ, ๐ฉ๐ช๐ฏ๐ข๐ณ๐ข๐ฑ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฌ๐ข๐ฏ๐ช๐ญ๐ข๐ฏ๐จ ๐ต๐ข๐ฌ๐ฐ๐ต, ๐ข๐ต ๐จ๐ช๐ฏ๐ข๐ธ๐ข ๐ข๐ฏ๐จ ๐ญ๐ข๐ฉ๐ข๐ต ๐ฏ๐จ ๐ฌ๐ข๐ฏ๐ช๐ญ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฎ๐ข๐ฌ๐ข๐ฌ๐ข๐บ๐ข.
At para sa sinumang may sariling pangarap, marahil iyon ang pinakamahalagang aral.
May mga araw na walang araw. May mga panahong madilim ang langit at tila hindi pabor sa atin ang mundo. Ngunit ang kawalan ng liwanag sa paligid ay hindi nangangahulugang wala nang liwanag sa atin. Minsan, kailangan lamang nating maging sarili nating araw.
Kaya sa susunod na umulan habang hinahabol mo ang iyong pangarap, huwag agad isipin na may masamang mangyayari. Baka hindi ito babala upang tumigil. Baka paalala itong magpatuloy. Baka ang ulan ay hindi dumating upang basain ang iyong mga plano, kundi upang diligin ang binhing matagal mo nang itinatanim.
Sapagkat ang bawat pangarap ay may panahon ng pamumunga. At bago dumating ang ani, kailangang dumaan muna ang ulan.
Kaya marahil, noong araw na iyon, hindi talaga walang araw.
Ang araw ay nasa mga examineeng hindi sumuko. Nasa mga magulang na patuloy na nagdasal. Nasa mga pusong patuloy na naniwala kahit hindi pa tiyak ang resulta.
At kung sakaling muling dumilim ang langit, tumingala ka. Dahil marahil, ang ulan ay hindi dumating upang pigilan sila. Dumating ito upang ipaalala na ang bawat pangarap ay may sariling panahon ng pamumunga. At kung minsan, bago dumating ang ani, kailangang dumaan muna ang ulan.
Kaya kung muli tayong makakita ng madilim na langit at marinig ang patak ng ulan, baka hindi na natin kailangang matakot. Baka hindi ito babala. Baka ito ay basbas. At sa araw na libo-libong nursing graduates ang humarap sa kanilang kinabukasan, baka may isang bagay na nais sabihin ang langit:
๐๐ถ๐ป๐ฑ๐ถ ๐ถ๐๐ผ ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ ๐ป๐ฎ ๐๐ฎ๐น๐ฎ๐ป๐ด ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐.
๐๐๐ผ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ ๐ป๐ฎ ๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ฝ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ป๐ฎ๐ด๐๐ถ๐น๐ฏ๐ถ๐ป๐ด ๐น๐ถ๐๐ฎ๐ป๐ฎ๐ด.
๐๐ ๐๐ฎ ๐ถ๐น๐ฎ๐น๐ถ๐บ ๐ป๐ด ๐น๐ฎ๐ป๐ด๐ถ๐ ๐ป๐ฎ ๐๐ถ๐น๐ฎ ๐๐ฎ๐น๐ฎ๐ป๐ด ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐, ๐ถ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐ฏ๐ฎ๐ด๐ฎ๐ ๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐ฎ๐น๐ถ๐ป๐ฎ๐:
๐จ๐บ๐๐๐น๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ด-๐ฎ๐๐ฎ.
๐จ๐บ๐๐๐น๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐ฏ๐ถ๐๐ฎ๐๐ฎ.
๐จ๐บ๐๐๐น๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐ฅ๐ฒ๐ด๐ถ๐๐๐ฒ๐ฟ๐ฒ๐ฑ ๐ก๐๐ฟ๐๐ฒ.
๐๏ธ: Javier, C.D.
๐จ: Goronio, A.