
26/09/2025
πππππ§ ππ¬π¬ π₯ππ¦ππππ‘π§π π‘π πππ‘ππ§π’ π¦π’πππ©ππ‘, π‘ππππ‘ππππ‘π π¦π π£π₯π’ππππ§ ππ¦ππ’π₯π§ π‘π ππ¦π§ ππ¦πππππ π£π ππ
SANTIAGO CITY β Nabenipsyuhan ang nasa isang daan at walong (108) katao sa paglarga ng Project ISCORT (Service Caravan Outreach and Reaching ouT) ng 1st Isabela Provincial Mobile Force Company (IPMFC).
Matagumpay na isinagawa ang isang Medical at Dental Mission sa Barangay Lucban, Benito Soliven, Isabela.
Maliban dito ay naghatid din ng iba pang libreng serbisyo ang mga kapulisan ng 1st IPMFC sa mga residente sa lugar tulad ng feeding program, libreng gupit, at pamamahagi ng mga gamot at bitamina.
Katuwang ng pulisya ang GreenFuture Innovations, Inc. (GFII), Barangay officials, Religious groups, Advocacy Support Groups, at Force Multipliers.
Sa ganitong inisyatiba, patuloy na adhikain ng kapulisan na palakasin ang ugnayan ng pulisya at komunidad katuwang ang lokal na pamahalaan at mga pribadong indibidwal.
Ang ganitong aktibidad ay nakapaloob sa 7βPoint Agenda ng Hepe ng Pambansang Pulisya na si LtGen Jose Melencio C. Nartatez Jr., partikular ang pagpapalakas ng community engagement, pakikipagtulungan sa stakeholders, at makuha ang buong tiwala at kumpiyansa ng publiko sa hanay ng kapulisan.
Ang balitang ito ay hatid sa inyo ng Yes2Health Products: