18/10/2025
PAHAYAG UKOL SA PAGKAKALAT NG MALING IMPORMASYON SA SOCIAL MEDIA TUNGKOL SA PAGPATUPAD NG T.R.O. SA PAGMINA SA DUPAX DEL NORTE, NUEVA VIZCAYA
Ang Police Regional Office 2 (PRO2) ay isang organisasyon na may mandatong ipatupad ang batas, labanan ang krimen, at panatilihin ang kaayusan at kapayapaan sa buong Lambak ng Cagayan.
Mariing pinanghahawakan ng PRO2 ang prinsipyo ng pagiging patas at walang kinakampihang panig, lalo na sa mga isyung may kinalaman sa pagmimina o anumang usaping panlipunan sa lalawigan ng Nueva Vizcaya.
Mariing kinokondena ng PRO2 ang pagpapakalat ng maling at nakalilitong impormasyon sa social media na maaaring magdulot ng tensyon at hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng kapulisan at ng mamamayan. Sa halip, nananawagan kami sa publiko na maging mapanuri at alamin muna ang buong katotohanan bago magpahayag ng opinyon o magbahagi ng impormasyon na walang sapat na batayan.
Nananatiling bukas ang PRO2 sa dayalogo at pakikipag-ugnayan sa lahat ng sektor upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa Dupax Del Norte, Nueva Vizcaya, at sa buong rehiyon.
Ang PRO2 ay patuloy na maglilingkod nang tapat, patas, at may malasakit para sa kapakanan ng bawat mamamayan.
# # #