25/09/2026
MAAYOS LANG SI VP SARA
Siniguro ni Vice President Sara Duterte na maayos ang kaniyang kalagayan sa kabila ng mga legal na hamon na kinakaharap niya at ng kaniyang pamilya, habang ipinaubaya na niya sa kaniyang mga abogado ang paghawak sa kaniyang mga kaso at impeachment.
Binigyang-diin din niya na nananatiling nakatutok ang Office of the Vice President (OVP) sa kaniyang mga pang-araw-araw na tungkulin.
Giit ni VP Sara, “Okay lang naman ako, ma'am. Wala naman akong problema. ’Yung mga legal na problema ko tulad ng impeachment at iba’t ibang kaso, binigay ko na sa mga abogado na para asikasuhin nila. And kami sa Office of the Vice President ay tuloy-tuloy lang sa trabaho namin.”