29/06/2025
π§ππππ ππ π‘π π‘πππππππ‘π§ππ¬ π¦π πππ§π‘π π‘π π¨πππ‘- ππππ ππ‘π ππππππ π‘π π£ππ-ππ¦π
"Sa wakas, umulan naman," ani ng isang Pato.
Habang akoβy nagtitimpla ng aking kape sa aming kusina, tahimik ang paligid dahil sa buhos ng lakas ng ulan. Tila na ang tunog ng patak ng ulan sa aming munting bubong ay nagsisilbing musika ng hapong ito.
Sa gitna ng katahimikan, lamig ng hangin, at dala ng ulan, bigla kong nasulyapan ang isang pato na nakatali sa likod ng aming kusina, at wari'y sa gitna ng ulan β ito'y tahimik, basang-basa, at tila rin maraming iniisip.
Makikita na ito'y nakatayo lamang sa likod ng aming bahay, hindi kumikilos, hindi naghahanap ng silong. Tila ba'y hindi alintana ang lamig o ang lakas ng ulan.
At sa puntong ito, nakita ko ang sarili ko β o marahil, naisip ang buhay ng aking itay bilang isang magsasaka.
Ang buhay na hindi laging maaraw.
Mayroong tag-init na kay-init ng araw, sinusubok ang kaniyang katawan at pasensya.
Mayroong tag-ulan na bumabaha ng pangamba, takot, at hamon.
Ang bawat araw, hindi sigurado kung mayroong siyang aanihin, kung may kikitain, at kung may susunod pang ani.
Ngunit tulad ng pato, ang magsasakaβy nananatili. Tahimik man sa labas, pero sa puso niyaβy may dalang panalangin. Sa bawat pagharap sa unos, sa bawat araw na tila walang kasiguruhan, may pananatiling hindi nakikita ng iba β isang paninindigan na hindi kailangang isigaw.
Hindi dahil mahina ang tahimik.
Hindi dahil walang ginagawa ang nananatili.
Minsan, ang pinakamatatag ay ang mga hindi umaalis kahit pa ang mundo ay unti-unting lumulubog sa putik.
Sa buhay ng isang magsasaka β at sa ating lahat β dumarating ang ulan, ang init, ang bagyo. Ngunit ang tunay na lakas ay makikita sa kakayahang maghintay, maniwala, at muling bumangon.
"Tahimik siyang naghintay sa ulan β dala ang alaala ng pag-asa."
At sa bawat patak ng ulan, may itinatanim ang Diyos sa ating puso β
pananampalataya, pagtitiyaga, at pangarap na unti-unting mamumunga