
20/09/2025
๐๐๐๐ง๐ข๐ฅ๐ฌ๐๐ | Kakulangang Di Mapunan-punan
Kasabay ng paglago ng populasyon ng bansa ang dumarami ring bilang ng mga kakulangan partikular na sa sektor ng edukasyon. Nakakadismaya mang isipin ngunit ito ang katotohan, MARAMING KULANG, lalo na sa mga silid-aralang dapat sana'y lugar na kanilang magiging pangalawang tahanan.
Ang mga kakulangang ito sa silid-aralan ay matagal na rin namang maingay na usapin, ngunit bakit kaya hanggang ngayon ay di pa rin ito masolusyonan? Kaakibat ng mataas na bilang ng kakulangan sa mga silid-aralan ang ilan pang lumalalang krisis sa edukasyon ng bansa.
Sa pagdami ng mga mag-aaral, dumarami rin ang pangangailangan sa mga silid-aralan kaya't dumarami rin ang bilang ng kakulangan. Ayon nga Department of Education (DepEd), mayroong bilang na 165, 443 na kakulangan sa silid-aralan sa mga pampublikong paaralan. Patunay lamang ang bilang na ito kung gaano na kalala ang krisis na di matapos-tapos.
Maliban sa kakulangan sa mga silid-aralan, ang bilang din ng mga batang hindi marunong bumasa ang isa pang problemang patuloy na lumalala. Sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) ay umabot na sa kabuuang 18.96 milyong mag-aaral na natapos sa Junior at Senior High School noong 2024 ang hindi marunong bumasa.
Karapatan ng mga kabataan ang makapag-aral kung kaya't dapat lamang na matugunan na ang matagal nang mga kakulangang di mapunan-punan sa bansa. Kailangang paglaanan ng pondo ang mga suliraning ito at ituring na prayoridad dahil hindi lamang ang NGAYON ang maaapektuhan ng krisis na ito kundi maging ang SUSUNOD ding mga henerasyon. Prayoritahin ang EDUKASYON para sa maayos at maunlad na NASYON.
๐๐๐ถ๐ป๐๐น๐ฎ๐ ๐ป๐ถ Blesy Maturan | ๐ผ๐ฃ ๐ผ๐ฃ๐๐ฃ๐๐๐ก
โ