Ang Tagapamayapa

Ang Tagapamayapa PANULAT aming sandata, KATOTOHANAN aming panata

MULING SULYAP SA MGA KAGANAPAN||Narito ang mga tampok na larawan mula sa  Grade 9 - Red Dragons, na itinanghal na IKAAPA...
06/10/2025

MULING SULYAP SA MGA KAGANAPAN||

Narito ang mga tampok na larawan mula sa Grade 9 - Red Dragons, na itinanghal na IKAAPAT NA PUWESTO sa Cheerdance Competition ng La Paz National High School bilang isa mga inaabangang patimpalak noong PE Recreational Day and Intramurals 2025.

📸 Jenny Ruth Bautista

MULING SULYAP SA MGA KAGANAPAN||Narito ang mga tampok na larawan mula sa  Grade 12 - Violet Vipers, na itinanghal na IKA...
06/10/2025

MULING SULYAP SA MGA KAGANAPAN||

Narito ang mga tampok na larawan mula sa Grade 12 - Violet Vipers, na itinanghal na IKATLONG PUWESTO sa Cheerdance Competition ng La Paz National High School bilang isa mga inaabangang patimpalak noong PE Recreational Day and Intramurals 2025.

📸 Jenny Ruth Bautista

MULING SULYAP SA MGA KAGANAPAN||Narito ang mga tampok na larawan mula sa  Grade 10 - Blue Phoenix, na itinanghal na IKAL...
06/10/2025

MULING SULYAP SA MGA KAGANAPAN||

Narito ang mga tampok na larawan mula sa Grade 10 - Blue Phoenix, na itinanghal na IKALAWANG PUWESTO sa Cheerdance Competition ng La Paz National High School bilang isa mga inaabangang patimpalak noong PE Recreational Day and Intramurals 2025.

📸 Jenny Ruth Bautista

MULING SULYAP SA MGA KAGANAPAN||Narito ang mga tampok na larawan mula sa  Grade 11 - Pink Panthers, na itinanghal na KAM...
06/10/2025

MULING SULYAP SA MGA KAGANAPAN||

Narito ang mga tampok na larawan mula sa Grade 11 - Pink Panthers, na itinanghal na KAMPEON sa Cheerdance Competition ng La Paz National High School bilang isa mga inaabangang patimpalak noong PE Recreational Day and Intramurals 2025.

📸 Jenny Ruth Bautista

SA MGA LARAWAN||Makulay at makasaysayang kultura ng lahing Pilipino; Angat na talento ng batang Pangasinan IIIpinamalas ...
22/09/2025

SA MGA LARAWAN||

Makulay at makasaysayang kultura ng lahing Pilipino; Angat na talento ng batang Pangasinan II

Ipinamalas ng mga mag-aaral ng Senior High School mula sa 25 paaralan ng Sangay ng Pangasinan II ang kanilang husay at talento sa kontemporaryong sayaw, gayundin ang makulay at makasaysayang kultura ng Pilipinas, sa pagdiriwang ng Balik-Kasaysayan Festival 2025 (Division Level) Makabansayaw Pilipinas, na ginanap noong Setyembre 18 sa Tayug National High School.



📷 Mark Renzo Dinglasan, AT Head Photojournalist

22/09/2025

Pasensya na po kung nadelete ang mga nakapost. Aayusin lng po namin para minsanan na lng na post. Paumanhin po 😊✌️

Pagbati AP Department!
22/09/2025

Pagbati AP Department!

LA PAZINIANS' TALENTS ON THE RISE

Congratulations to Maria Luisa Abrena (Grade-8) and Rhijen Espiritu (Grade 10) for winning 5th Place, among the 25 public schools competed on Makabayan Vocal Duo during the Balik-Kasaysayan Festival (Division Level) held yesterday, September 18, at Tayug National High School.

Congratulations also to the coaches Mam Ofelia Javier and Mam Perlita Ylarde, headed by Araling Panlipunan Head Teacher III, Mam Florence V. Soriano.

ISPORTS||Shot Put Thrower ng LPNHS, nakopo ang ginto sa Municipal MeetMatagumpay na naiuwi ni Fitch Trixie Pulido, Grade...
14/09/2025

ISPORTS||
Shot Put Thrower ng LPNHS, nakopo ang ginto sa Municipal Meet

Matagumpay na naiuwi ni Fitch Trixie Pulido, Grade12, ang Unang Puwesto sa Shot Put Throw sa huling araw ng Municipal Sports Meet na ginanap kaninang umaga sa San Quintin Oval, San Quintin, Pangasinan.

Sa layong 8.11 metro, nagapi ni Pulido ang pitong paaralang sekundarya ng Umingan na nagtunggali sa nasabing kategorya sa Track and Field Events.

Masaya si Pulido na sa huling taon niya ng paglalaro sa hayskul ay nakapag-uwi siya ng karangalan para sa paaralan.

📝 Illayjean Claire Tuburan
📷 LPNHS Athletics Team

ISPORTS||Ulep, bumulsa ng ginto at pilak sa AthleticsNag-uwi ng dalawang medalya ang Grade 12 Sprinter na si John Paul U...
14/09/2025

ISPORTS||
Ulep, bumulsa ng ginto at pilak sa Athletics

Nag-uwi ng dalawang medalya ang Grade 12 Sprinter na si John Paul Ulep sa Municipal Sports Meet Athletics na ginanap kahapon at kaninang umaga sa San Quintin Oval, San Quintin, Pangasinan.

Sa kanyang huling taon bilang atleta ng LPNHS, nakuha ni Ulep ang Unang Puwesto sa 100 Meter Sprint.

Nabigo naman siyang masungkit ang ginto sa 200 Meter Sprint, subalit nakuha pa rin niya ang Ikalawang Puwesto sa nasabing kategorya.

Dahil sa pagkapanalo ni Ulep ng Unang Puwesto, muli siyang tatakbo sa Congressional Sports Meet sa huling linggo ng Setyembre.

📝 Andrea Regua
📷 LPNHS Athletics Team

ISPORTS||Rebugio, natalon ang ginto sa Long JumpItinanghal na kampeon ang Grade 8 Long Jumper na si Quielle Rebugio, sa ...
14/09/2025

ISPORTS||
Rebugio, natalon ang ginto sa Long Jump

Itinanghal na kampeon ang Grade 8 Long Jumper na si Quielle Rebugio, sa Municipal Sports Meet Long Jump Boys Category, na ginanap kaninang umaga, Setyembre 14, sa San Quintin Oval, San Quintin, Pangasinan.

Sa murang edad, hindi nagpasindak si Rebugio sa kanyang masmatandang mga katunggali na kung saan siya ay nakapagtala ng habang 5.05 metro sa pagtalon dahilan upang makuha niya ang unang puwesto sa nasabing kategorya.

Sa kanyang ikalawang taon sa patimpalak, baon ni Rebugio ang mga karanasan noong nakaraang taon na kung saan ay nabigo siyang makapag-uwi ng anumang karangalan at sa tulong ng kanyang tagapagsanay na si Gng. Alphelia Jornadal, lalo siyang nagpursigi upang makuha ang inaasam na tagumpay.

Sasabak din si Rebugio, kasama ng tatlo pang atleta sa Track and Field events, sa Congressional Sports Meet sa huling linggo ng Setyembre.

📝 Denmark Mateo
📷 LPNHS Athletics Team

ISPORTS||G8 Sprinter ng LPNHS, bumulsa ng 2 ginto sa AthleticsNasungkit ng Grade 8 sprinter na si Aliah Blanco ang dalaw...
14/09/2025

ISPORTS||
G8 Sprinter ng LPNHS, bumulsa ng 2 ginto sa Athletics

Nasungkit ng Grade 8 sprinter na si Aliah Blanco ang dalawang Unang Puwesto sa Municipal Sports Meet Track and Fields na ginanap kahapon, Setyembre 13, sa San Quintin Oval.

Unang nakuha ni Blanco ang ginto sa 100 Meter Sprint na kung saan siya rin ang nanguna sa unang bugso ng nasabing patimpalak.

Sa kanyang rumaragasang takbo, hindi rin siya nahirapang maibulsa ang ginto sa 200 Meter Sprint na kanya ring dinomina sa first hit ng naturang kategorya.

Muling maglalaro si Blanco sa Congressional Sports Meet, na siyang magiging kinatawan ng bayan ng Umingan, sa huling linggo ng Setyembre.

✍️ Khent Vincent De Aro
📷 LPNHS Athletics Team

ISPORTS||LPNHS Badminton Club, humakot ng pilak sa Municipal MeetNag-uwi ng limang pilak ang La Paz National High School...
13/09/2025

ISPORTS||
LPNHS Badminton Club, humakot ng pilak sa Municipal Meet

Nag-uwi ng limang pilak ang La Paz National High School Badminton Club matapos ang sagupaang LPNHS at UNHS sa mga Championship Match sa limang kategorya, sa Municipal Sports Meet na ginanap kaninang hapon, Setyembre 13, sa Umingan Auditorium.

Nakuha ni Gian Carlo Hernandez ang Ikalawang Puwesto sa Singles A matapos ang dikit na laban kontra UNHS.

Ikalawang Puwesto rin ang naiuwi ni Joehanz Mingaracal matapos niyang makasagupa sa Finals Match sa Singles B ang beteranong manlalaro ng Umingan NHS.

Bagamat siya ang pinakabata sa lahat ng manlalaro ng LPBC, hindi rin nagpasindak ang Grade 7 na si Rhynia Gwync Vauhani Gacayan, na itinanghal ding Ikalawang Puwesto sa Singles A, sa masmatanda niyang nakatunggali sa isang dikit na laban.

Ikalawang Puwesto rin ang naiuwi ni Jamie Ann Antolin na hindi umubra sa lakas ng beteranang manlalaro ng UNHS sa Singles B.

Sa Doubles B Girls naman, bagamat nagpakita ng lakas sa Elimination Round mga manlalarong sina Jasmine Dela Cruz at Keisha Gwen Tabaldo matapos nilang pabagsakin ang mga naunang nakatunggali, hindi pa rin ito sumapat dahilan upang hindi rin maagaw ang titulo sa mga dating kampeon na UNHS.

Masaya naman ang gurong tagapagsanay na si Gng. Khristine De Leon sa ipinakitang husay ng kanilang mga manlalaro dahil umabot ang lahat sa Finals Match.

📝 Illayjean Claire Tuburan

Address

La Paz
Umingan
2443

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ang Tagapamayapa posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category