Last Warning PH

  • Home
  • Last Warning PH

Last Warning PH Babala mula sa Salita ng Diyos. Tunay na panawagan sa pagbabago ng buhay, paniniwala, at kaluluwa.

Marami ang naglalagay ng tiwala sa mga rebultong gawa ng kamay ng tao. pinupunasan, dinarasalang parang may buhay. Pero ...
02/08/2025

Marami ang naglalagay ng tiwala sa mga rebultong gawa ng kamay ng tao. pinupunasan, dinarasalang parang may buhay. Pero sa oras ng sakuna, sila pa mismo ang iniuuna mong buhatin at ilikas.

Tanong: Kung siya'y tunay na Diyos, bakit siya kailangan mong iligtas?

📖 "Sila'y parang espantong panakot... kinakailangang buhatin sapagkat hindi makalakad. Huwag kayong matakot sa kanila..."
— Jeremias 10:5

📖 "Ang kanilang mga diyos-diyosan ay pilak at ginto, gawa ng kamay ng tao... may mata ngunit hindi nakakakita..."
— Awit 115:4-7

Ang tunay na Diyos ay hindi kahoy o bato.
Siya ay buhay, makapangyarihan, at tumutugon.
At ang tanging tagapamagitan ay si Cristo Jesus — hindi ang rebulto.

📖 "Iisa ang Diyos at iisa ang tagapamagitan... ang taong si Cristo Jesus."
— 1 Timoteo 2:5

Hindi mo kailangang buhatin ang Diyos.
Ang tunay na Diyos — Siya ang bumubuhat sa iyo.

Marami ang lumaking pinaniwalaan na kapag nabinyagan na ang isang sanggol, ligtas na siya at bahagi na ng kaharian ng Di...
01/08/2025

Marami ang lumaking pinaniwalaan na kapag nabinyagan na ang isang sanggol, ligtas na siya at bahagi na ng kaharian ng Diyos. Itinuro ng tradisyon na sapat na raw ang pagbuhos ng tubig sa noo at dasal ng pari para ang isang bata ay maligtas — kahit hindi pa niya alam kung sino si Jesus, o kung ano ang kasalanan.

Pero hindi ito ang turo ng Biblia.

Ang tunay na bautismo ay hindi basta ritwal. Ito ay isang tugon ng puso na may pananampalataya at pagsisisi. Paano magsisisi ang isang sanggol? Paano siya maniniwala kung hindi pa niya kilala si Jesus?

Ang sabi sa Marcos 16:16:

"Ang sumasampalataya at mabautismuhan ay maliligtas..."

Hindi sinabi: "Ang mabautismuhan kahit walang pananampalataya ay ligtas na."

Sabi rin sa Gawa 2:38:

"Magsisi kayo at magpabautismo..."
Hindi sinabing "bautismuhan muna bago magsisi."

Ito ang katotohanan na ayaw tanggapin ng ilan, dahil mas pinili nilang sundin ang tradisyon kaysa ang Salita ng Diyos.

Pero si Jesus ay naghahanap ng relasyon, hindi ritwal. Hindi Niya tinitingnan kung kailan ka bininyagan bilang sanggol, kundi kung kailan mo Siya tunay na tinanggap sa puso mo bilang Panginoon at Tagapagligtas.

Ang tunay na kaligtasan ay nagsisimula sa pananampalataya, pagsisisi, at pagsunod kay Cristo — hindi sa tubig na ibinuhos noong hindi mo pa Siya kilala.

Itinuturo ng relihiyon ang pansariling opinyon at pananaw ng tao. Itinuturo nila na gaano man tayo magsikap, hindi raw t...
01/08/2025

Itinuturo ng relihiyon ang pansariling opinyon at pananaw ng tao. Itinuturo nila na gaano man tayo magsikap, hindi raw tayo mapapatawad maliban na lang kung aattend tayo ng simbahan tuwing Linggo. Kapag hindi ka nakadalo ng ilang serbisyo o kung nagkasala ka ng kahit isang beses, hinuhusgahan ka at pinararamdam na wala ka nang pag-asa. Dahil dito, maraming tao ang lumalayo o tuluyang nawawalan ng pananampalataya sa Ebanghelyo ni Jesu-Cristo.

Ngunit ang totoo, ang gusto lang ni Jesus ay isang tunay na relasyon sa iyo at sa akin. Kapag sinimulan mong buuin ang ugnayang ito sa Kanya at sa Amang nasa Langit, unti-unti mong mararamdaman na ayaw mo nang magkasala — hindi dahil sa takot, kundi dahil mahal mo si Jesus at nakikita mo Siya bilang iyong matalik na kaibigan, at ang Diyos Ama bilang iyong tunay na Ama. Ayaw mong saktan ang mahal mo, kaya pinipili mong magbago.

Iyan ang tunay na pagsisisi.
Kapag pinilit ang pagsisisi, hindi ito totoo.
Ngunit kung ito'y nanggagaling sa puso,
iyan ay tunay na pagsisisi.
At ang Diyos (Yahweh) ay tumitingin sa puso ng tao.

📖 1 Samuel 16:7
Ngunit sinabi ng Panginoon kay Samuel, “Huwag mong tingnan ang kanyang anyo o ang taas ng kanyang tangkad, sapagkat siya ay itinakwil Ko. Sapagkat hindi tulad ng pagtingin ng tao ang pagtingin ng Panginoon; ang tao ay tumitingin sa panlabas na anyo, ngunit ang Panginoon ay tumitingin sa puso.

31/07/2025

BAKA AKALA MO LIGTAS KA NA.

Hindi lahat ng nagsasabing “Panginoon” ay makakapasok sa kaharian ng langit.
Siyasatin natin ang ating puso at pagsunod.

📖 Mateo 7:21

"Hindi lahat ng tumatawag sa Akin, ‘Panginoon, Panginoon,’ ay papasok sa kaharian ng langit, kundi ang gumaganap ng kalooban ng Aking Ama na nasa langit."

YUNG MALI, MALI PA RIN KAHIT LAHAT GINAGAWA.Ang katotohanan ay hindi nagbabago kahit popular ang kasinungalingan.Ang Diy...
31/07/2025

YUNG MALI, MALI PA RIN KAHIT LAHAT GINAGAWA.
Ang katotohanan ay hindi nagbabago kahit popular ang kasinungalingan.
Ang Diyos ay banal — at hindi Siya nag-aadjust sa uso.

📖 “At huwag kayong umayon sa takbo ng sanlibutang ito, kundi magbago kayo sa pamamagitan ng pagbabago ng inyong isip.”
— Roma 12:2

30/07/2025

Salamat, Panginoon, sa proteksyon at biyaya. Hindi kami perpekto, pero tapat Ka sa lahat ng oras.

30/07/2025

HUWAG MONG GAWING BIRO ANG IMYERNO.

Ang impyerno ay hindi meme, hindi biro, at lalong hindi lugar na gugustuhin mong mapuntaan.
Ang kaligtasan ay seryosong bagay.

📖 Lukas 12:5

"Datapuwa’t ipapakita Ko sa inyo kung sino ang dapat ninyong katakutan: katakutan ninyo Siya na pagkatapos pumatay ay may kapangyarihang magtapon sa impiyerno."

HINDI KA SINUSUBOK PARA MASAKTAN, KUNDI PARA LUMALIM.Bawat pagsubok ay may layunin.Hindi ka pinaparusahan, hinuhubog ka....
30/07/2025

HINDI KA SINUSUBOK PARA MASAKTAN, KUNDI PARA LUMALIM.
Bawat pagsubok ay may layunin.
Hindi ka pinaparusahan, hinuhubog ka.

📖 “Sapagkat ang Panginoon ay tinutuwid ang Kanyang minamahal, at hinahampas ang bawat tinatanggap Niyang anak.”
— Hebreo 12:6

29/07/2025
29/07/2025

ANG PAG-IBIG MO BA AY KOMPROMISO?

Ang tunay na pagmamahal ay hindi sumasabay sa mali.
Hindi porket mahal mo, palalagpasin mo ang kasalanan.

📖 Kawikaan 27:5

"Ang lantad na pagsaway ay higit na mabuti kaysa sa pag-ibig na hindi ipinakikita."

WAG MO MUNA IPOST, IPANALANGIN MO MUNA.Hindi lahat ng gustong sabihin, kailangang i-share.May mga salitang para kay Lord...
29/07/2025

WAG MO MUNA IPOST, IPANALANGIN MO MUNA.
Hindi lahat ng gustong sabihin, kailangang i-share.
May mga salitang para kay Lord muna — hindi sa newsfeed.

📖 “Maging mabilis sa pakikinig, mabagal sa pagsasalita, mabagal sa pagkagalit.”
— Santiago 1:19

💡 Hindi lahat ng totoo, kailangang i-post.

28/07/2025

Panginoon, balutin Mo kami ng Iyong proteksyon. Ilayo Mo kami sa kapahamakan, at pagpalain Mo ang bawat hakbang. Amen.

Address


Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Last Warning PH posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Last Warning PH:

  • Want your business to be the top-listed Media Company?

Share