03/11/2025
“Nabuntis ng boyfriend ko ang kapit-bahay ng kaklase ko”
Ako si Caira. Nag aaral sa PNHS, malayo ang bahay ko sa paaralan namin kaya nagbabaon nalang ako para sa lunch at sa school nalang kumain total madami naman sa mga kaklase ko ang hindi umuwi pag lunch dahil malayo din ang mga bahay nila. Isang araw, nag aya ang Isa kong kaklase na duon daw kami mag lunch sa kanila total walking distance lang naman ang bahay Nila sa paaralan namin. Sumama ako dahil medyo close naman kami nitong kaklase ko dahil 4years na kaming magkaklase. Napadalas Ang pagpunta namin duon, kapag may project kaming ginagawa or kapag walang pasok pumupunta kami sa kanila tumatambay minsan nag aambagan Kami at nagfofoodtrip.
Habang tumatagal na pumupunta kami sa kanila may nakilala ako, si Rob. Kaibigan ng kamag anak ng kaklase ko. Mabait, palabiro, matangkad at hindi gaanong pogi. Tuwing pumupunta kami sa bahay ng kaklase ko lagi silang nandun’ dahil barkada niya ang kamag anak ng kaklase ko. Dumating sa point na nakikijaming na cla sa amin at minsan kumukuha cla ng buko at binibigay sa amin. Habang tumatagal, nagiging malapit ako kay Rob dahil sa pagiging caring niya sa akin. Pag uwi ko sa bahay biglang may nag text sa akin…
“Hi”
Cnu to’?
“Si rob”
Pano mo nakuha number ko?
“Hiningi ko sa kaibigan mo”
Napadalas ang pag text at tawag niya sa akin. Unti unti akong nahuhulog sa kanya dahil sobrang saya niyang kausap nawawala Ang mga problema at pagod ko.
Naging kami ni Rob, minsan tumatambay kaming barkada sa gilid ng dagat kasama siya. Masaya kasama si Rob, nafefeel ko na safe ako sa kanya, masaya ako kapag kasama ko siya, marunong siyang makiramdam kong ano ang mga gusto ko.
Magbabakasyon na kasi patapos na ang school year kaya sinabi ko sa kaniya na hindi muna tayo magkikita dahil uuwi ako sa amin dahil wala namang pasok. Pero magtitext at tatawag pa naman ako sayo. Habang tumatagal na hindi kami nagkikita medyo nagtataka ako dahil hindi na siya madalas tumatawag at nagtitext sinabihan pa niya ako na huwag kang tatawag at magtitext sakin antayin mong ako ang tumawag sayo dahil wala na akong cellphone. Kaya sabi ko “ah kaya pala hindi na madalas tumatawag wala na palang cellphone” hindi sumagi sa isip ko ang magduda. Pero habang tumatagal nagtataka na ako dahil gumagawa yan ng paraan para makausap ako kaya dumating sa point na tinext ko yung kaibigan ko nagtanong ako sa kanya…
Nesa?…🥹
“Bakit?”
Nakita mo ba jan si Rob? Hindi na kasi tumatawag or text man lang 🥹
“Madalas ko namang makita dito kasama ng mga pinsan ko madalas nag iinoman cla hanggang madaling araw”
Ah ganun ba cge salamat 🥹
Hindi ko natiis na hindi siya makita kaya pumunta ako sa bahay ng kaklase ko, sinabi ko na papuntahin siya dahil mag uusap kami. Pinuntahan niya ako at nag usap kami, nung kasama ko na siya nakalimutan kong galit ako sa kanya nawala yung galit ko, nakalimutan kong hindi niya ako tinawagan at tinetext manlang. Sobrang saya ko noong nagkita kami parang bumalik ang sigla ng relasyon namin, sinisigurado niyang masaya ako tuwing nagkikita kami happy memories ba kung tawagin.
After a week pagkatapos naming magkita hindi na naman cya nagparamdam, kaya tinext ko yung kaklase ko…
Nes? Nakita mo ba si rob?
“Oo nandito siya sa kapitbahay naman”
Anong ginagawa nila?
“Nag iinoman mula kaninang umaga pa, ang ingay nga ehh kasi mga lasing na”
Ah ganun ba cge cge Nes salamat 🥹
“Cge, pag may bakanting oras ka punta ka dito may sasabihin ako sayo”
Okay cge..(medyo kinabahan)
Kinabukasan pumunta ako kina Nes. Pagdating ko duon kinausap ako ni Nes… “Cai, marami akong naririnig sa mga kapitbahay namin na may namamagitan daw kay Rob at Yna. May nakakita pa nga daw sa kanila na habang tulog na ang mga kainoman nila naglalaplapan daw yung dalawa at nung gabing yun duon daw natulog si Rob kina Yna. Madalas din daw na silang dalawa lang sa bahay nila Yna at naririnig ng mga kapitbahay na naghaharutan. Kayo pa ba? Nanlumo mga mata ko at nanghina ang buong katawan ko matapos marinig lahat nang sinabi ni Nes. “Ganun ba?” sambit ko habang paiyak na. Makalipas ang ilang minuto umuwi na ako gusto kong matulog para malimutan ang sakit na nararamdaman. Pagdating ko sa bahay, nagtungo agad ako sa kwarto at humagolhol ako sa iyak. Sa sobra kong iyak nakatulog ako at hindi ko namalayan na gabi na pala.
Pagkagising ko may text message sa phone ko… “Hi” nitong mga nakaraang araw may mga nagtitext din sakin na mga unknown number pero diko nirereplyan. Total wala naman ako katext ngayon nagreply ako..”Sino to? Kanino mo nakuha number ko? reply ko, “Si Yna to, Kay Rob ko nakuha number mo nagtaka kasi ako na nasa recent call ka ng phone ko, hiniram niya kasi phone ko”… Nagtaka ako sabi ko sa isip ko so tutuo na nag uusap sila ni Rob. Kinabukasan tumawag si Rob, nag usap kami tinanong ko kung tutuo ba yung sabi ni Nes sabi niya huwag daw akong maniwala sinisiraan lang daw siya para hiwalayan ko. Naniwala naman ako sa kanya dahil sincere naman siya sa sinasabi niya at habang kausap ko siya nakaramdam ako ng heal na para bang wala siyang ginagawang masama na sobrang bait ng Tao na to. Makalipas ang ilang weeks pumunta kami kina Nes kasi medyo matagal tagal na rin na hindi kami nagbobond, habang nagkakatuwaan kami dinig na dinig ko rin na nagkakatuwaan sina Rob sa kapitbahay ng kaklase ko. Habang nag uusap kami nila Nes sumingit yung kapatid niya..”Kayo pa ba ni Rob? Narinig ko kasi si aleng minda kaninang umaga habang nagwawalis magkausap sila ni aleng dada sabi nila magdamag daw na hindi umuwi sa kanya kanyang bahay sina Rob at Yna, at sabi ni otep dinala daw ni Rob si Yna sa Cementeryo at duon daw inumaga dalawa lang daw sila walang ibang kasama”… Ito na naman may nalaman na naman akong kahayopang ginawa ni Rob, ngumiti nalang ako “hayaan mo siya buhay niya naman yun” sambit ko habang nakangiti pero deep inside parang kinurot ang puso ko nasaktan ako pero hindi ko lang pinahalata na affected ako. Sa sobrang dami nang nagtitext sakin na ganito may babae daw si rob ganito ganyan diko na alam kung sino paniniwalaan ko gulong gulo na yung isip ko dahil tuwing kausap ko naman cya sa phone at tinatanong ko hindi naman niya inaamin at nagsasabi pa ng mga flowery words (lalake talaga…) Nung gabing yun nagkausap kami tumawag si Rob, tinanong ko na naman cya tulad ng dati hindi na naman umamin. Nagtaka ako na sobrang sweet niya nung gabing yun “mag iingat ka lagi, cai mahal na Mahal kita” yun naman ang kahinaan ko sa kanya dahil hindi nawawala ang pagpaparamdam niya sa akin na mahal na Mahal niya ako at pinafefeel niya sa akin na safe siya sa akin.
Kinabukasan, nagkitakita kami nila Nes, tumambay kami sa gilid ng dagat at naligo kami. “Cai, alam mo na ba?” sabi ni Nes, “ang alin?” reply ko sa sinabi niya. “Umalis kaninang umaga si Yna papuntang maynila kasama si Rob”. Hindi ko napigilang umiyak humagulhol ako sa iyak hindi ko na napigilan. Kaya pala sweet siya sakin kagabe dahil yun na pala ang huling pag uusap namin, hindi manlang ako nainform. Simula nun dinelete ko na lahat ng contact ko sa kanya pati mga convo namin lahat dinelete ko na napagtanto ko sa sarili ko na wala na tali na ako sumama na sa iba ehh tama na hanggang dito nalang tlga kami. Nagsimula akong mag move on kahit mahirap halos araw araw akong umiiyak kapag naaalala ko cya pero sabi ko sa sarili ko mawawala din to.
After 3 or 4months cguro biglang may tumawag sakin na unknown number nagtaka ako na medyo kinabahan, sinagot ko yung tawag pero hindi ako nagsalita agad hinintay ko na cya muna ang magsalita..”Hello” matapos kong marinig ang hello nanghina ako, napatawa na may kasamang luha sa aking mga mata matapos kong patayin ang tawag. Siya yun eh sabi ko sa isip ko, alam kong siya yun kilalang kilala ko ang boses niya. Okay na ako eh bat’ kapa bumalik bat’ kapa nagparamdam ulit, matapos mo akong iwan sa ere na para bang hindi mo ako girlfriend at sumama ka sa babaeng yun. After an hour, nag text siya “Uuwi na ako bukas cai, miss na miss na kita sobra” natawa ako na medyo naiyak dahil sa lahat ng ginawa niya may lakas loob pa siyang magparamdam sa akin. Hindi ko nireplyan message niya dinelete ko kaagad kasi ayukong magkaroon nga contact sa kaniya ulit.
After 2 days nag text na naman siya..”Cai, alam kong galit ka sa akin sa ginawa ko. Pwedi ba tayong magkita miss na miss na kasi kita at gusto kong mag sorry personally sa mga nagawa ko” hindi ako nag-reply agad pero napaisip ako sabi ko sa sarili ko hindi kami nagkaroon ng closure at hindi ko manlang narinig na nagpaliwanag siya kung bakit niya nagawa sakin yun baka ito na ang tamang panahon para maliwanagan ako at makapag paalam kami sa bawat Isa kaya nagdesisyon akong magreply “Cge”… Pumayag ako sa gusto niya.
Pagdating ko sa meeting place namin, nakita ko na nandun na cya ang tutuo unang tingin ko sa kanya namiss ko cya gusto ko cyang yakapin kaso hindi pwedi kailangan kong ipakita sa kanya na galit ako sa ginawa niya. Umupo kami na may pagitan saming dalawa, “Cai sorry sa mga nagawa ko, alam kong hindi tama yun niloko kita pasensya kana cai alam kong hindi sapat ang sorry sa mga kasalanan ko nagsinungaling ako sayo, umalis ako na hindi manlang nagtext tawag or kahit paalam manlang” sambit niya habang hindi ko namamalayan na tumutulo na pala mga luha sa kanyang mga mata. Lumuhod siya sa harapan ko at hinawakan ang mga kamag ko ginawa niya lahat para magsalita ako pansinin ko cya. Hindi ako kumikibo pero ang tutuo durog na durog na yung puso ko gusto kong bugbugin cya at sabihin kung gaano niya ako nasaktan pero hindi ko nagawa hindi ako nakaimik hindi ako nakapagsalita. Matapos niyang magmakaawa at mag sorry sakin, bigla akong umalis iniwan ko cya na nakaluhod at umiiyak hindi ko cya pinansin umalis ako hanggang sa hindi ko na siya matanaw sa pwesto niya. Pag uwi ko sa bahay nakatulog ako at paggising ko may message na naman cya “Cai sorry tlga sa mga nagawa ko patawarin mo na ako, bigyan mo pa ako ng pagkakataon. Gusto kong magsimula uli tayo, bumalik tayo kung ano man ang meron tayo noon please cai mahal na mahal kita” “Promise hinding hindi ko na gagawin ang mga ginawa ko noon cai patawarin mo na ako”….. Araw araw nagtitext si Rob sa akin pero hindi ako nagrereply tumatawag cya pero hindi ako sumasagot. Hindi cya tumigil sa kakasuyo at kakahingi ng tawad sakin hanggang sa binigyan ko cya ng pangalawang pagkakataon dahil sa tutuo lang despite sa mga ginawa niya mahal na mahal ko parin Si rob diko alam kong bakit basta ang alam ko masaya ako kapag kausap ko cya or katext. Naging kami ulit ni Rob bumalik kami sa dati, bumalik ang sigla ng aming relasyon. Hindi ko sinabi kina Nes na nagkabalikan kami ni Rob, sinekreto ko sa kanilang lahat wala akong sinabihan.
2nd week of June 1 months after kong bigyan ng 2nd chance si Rob. Malapit na ang pyesta kina Nes, pumunta kami sa kanila tumambay, habang nagkukwentuhan biglang naisingit sa usapan namin ang tungkol kay Yna. “Alam niyo ba nakauwi na ang epokritang Yna galing maynila at sabi ni aleng minda buntis daw ito si Rob ang ama”….Para akong binagsakan ng langit na halos bumagsak buong katawan ko. Napa buntong hininga ako matapos marinig ang sinabi ni Nes..Cguro nakabuo silang dalawa nung pumunta sila pareho sa maynila..dagdag pa ni Nes sabay ngiti sakin. Hindi ko pinahalata na affected ako dahil hindi nila alam na nagkabalikan kami ni Rob. Nagmadali akong umuwi sa bahay sinabi ko na may importanti pala akong pupuntahan agad akong lumabas ng bahay nila Nes, pagdating ko sa may kanto nakasalubong ko si Rob pero hindi ko pinansin na para bang hindi ko cya kilala. Tinatawag pa niya ako sa pangalan ko pero hindi ako lumingon. Hindi ako umuwi ng bahay, tumambay ako sa gilid ng dagat kung saan kami tumatambay nila Nes kasama cya. Duon ko binuhos lahat ng sakit. Umiyak ako nang umiyak at sumigaw upang maibsan ang aking nararamdamang sakit. Matapos kong pakalmahin ang sarili umuwi na ako sa bahay. Pagdating ko sa bahay may message si Rob…
Rob: Cai may problima ba? Bakit hindi mo ako pinansin kanina?
Me: Bibigyan kita ngayon ng huling pagkakataon Rob, tatanungin kita sabihin mo sakin ang totoo dahil gulong gulo na ako Rob please 🥹
Totoo bang buntis si Yna at ikaw ang ama?
Rob: Ano? Huwag kang maniwala dun baliw lang yun. Hindi ako ang ama ng batang dinadala niya
Me: 😭😭😭
(Hindi na ako nagreply)
After a few days may nagtitext na naman sakin na unknown number, hindi ako nagreply hindi ko pinapansin pero nagpakilala siya.
“Hello Cai, ako to si Yna.”
“Cai, hindi mo pa ba alam?”
“Cai, mahal ako ni Rob sana pakawalan mo na cya”
….(tumatawag) Hindi ko sinagot tawag niya.
“Cai, sagutin mo tawag ko gusto kong mag usap Tayo”
“Cai cge na may sasabihin lang akong importanti”
Para sa ikatatahimik ng lahat sinagot ko tawag niya…
Yna: Hello cai salamat dahil sinagot mo tawag ko
Me: Totoo bang buntis ka si Rob ang ama
Yna: Oo cai, buntis ako Si Rob ang ama. Nagsama kami sa iisang bahay nung pumunta kami sa maynila. Sorry cai, sana pakawalan mo na si Rob kawawa naman ang magiging anak namin kung walang kikilalaning ama. Please cai pakawalan mo na si Rob
Bigla kong pinatay ang tawag niya. Humagulhol na naman ako sa iyak sa sobrang iyak ko nakatulog ako at pagising ko may mga narealize ako at parang nagising na ako sa katutuhanan. Maraming message sakin Si Rob. For the last time nag reply ako…..
“Tama na Rob, itigil na natin to. Sobra na hindi na ito tama. Tanggap ko na na hindi talaga Tayo para sa isat’ isa. Palayain na natin ang isat’ isa rob huwag na nating pilitin na piliin ang bawat isa tanggap ko na Rob. THANK YOU SA LAHAT LAHAT Rob, hindi ako nagsisi na minahal kita. Panindigan mo si Yna, Goodluck sa pagiging tatay mo.” 😭
Araw araw nagtitext Si rob pero hindi ko na cya pinapansin, after 2weeks na hindi ko na cya sinasagot at nirereplyan tumigil na siya sa ka katext sakin at hindi narin nagtext o tumawag si Yna. Nabalitaan ko nalang na nagsama na raw silang dalawa at umuwi sa lugar nila Rob kasama si Yna. Tinanggap ko na nang buong puso at isipan na wala na kami ni Rob. Unti unti kong nalimutan at naka move on kay Rob. Dumarating ang araw na medyo namimissko siya pero hanggang duon nalang yun dahil hindi na pwedi.
After 5years….
Pauwi na ako sa bahay galing trabaho, huminto ako sa isang brgy. bago makarating samin dahil naubosan ng gas ang motor ko. Laking gulat ko nung nakita ko si Rob. Nakaupo sa balcony kaharap niya ang anak niyang lalaki at si Yna sa iisang bahay na katabi lang ng binilhan ko ng gas. Hindi ako nakita ni Yna dahil nakatalikod siya. Umiwas ako ng tingin at habang paalis na ako duon niya ako napansin bigla siyang tumayo at umalis kaagad ako. Duon pala sila nakatira sa kapatid ni Yna na malapit lang din sa brgy namin. Masaya ako na settled na si Rob sa iisang babae lang at masaya ako na pinanindigan niya Si Yna.
Hanggang dito nalang.
—bebe mo to’😘
Thank you admin, pa hide nalang po sa identity ko.