26/05/2025
๐๐ธ๐โ๐พ โ๐ธโ๐โ๐๐ธโ ๐๐โ๐๐๐๐๐ธโ โ๐พ ๐๐ธ๐๐น๐ธ๐-๐ธโ๐ธ๐ โ๐พ โโ๐ฝ๐๐ธโ๐!
โ๏ธMalamaya
๐ธ Louis Lane Agustin, Quinn Francesca Espinoza, Jhon Lorence Panahon, Antoneth Basister and Ma'am Jonie
Layout by: Katherine De Guzman, Jhon Lorence Panahon, and Joanne Nicole Bariuan
๐๐๐ฌ๐ฒ๐ฝ๐ฎ๐ญ.
Unang emosyong naramdaman ng mga CPFians nang makasama sila sa una at ikalawang batch ng early adventure advantage o study tour, programa ng CPF, na ginanap nito lang Mayo 20 at 22, sa Tagaytay at Indang, Cavite.
Sinimulan ng masaya at hindi malilimutang karanasan ang pagbubukas ng bagong taong panuruan ng mga mag-aaral matapos nilang libutin ang ilang lugar sa Tagaygay at Indang Cavite, kasabay ng ilang mga aralin upang mabuo ang nasabing study trip.
Pasado 3:30 ng umaga nang tumulak ang mga mag-aaral patungo sa una nilang destinasyon, inaantok man dahil sa aga ng pag-alis, hindi maikakailang excited at masaya ang mga kasama dahil sab ago na namang karanasan kasama ang bago at dati na nilang mga kaibigan.
Gabay ng Panginoon ang naging sandata ng mga mag-aaral at g**o sa buong byahe nang simulan nila ang study tour sa isang misa na ginanap sa una nilang destinasyon, ang โPink Sistersโ o mas kilala sa tawag na โThe Adoration Covent of Divine Mercyโ para sa unang batch at St. Saturnino Home for the Aged naman sa ikalawang batch. Binaon nila hindi lamang ang kanilang panalangin, dinala rin nila ang mga alala at larawan ng kagandahan ng lugar.
Bitbit ang pagkilala sa Panginoon, mas lalong pinagtibay ang pananalig ng mga kasali sa study trip nang dumaong sila sa susunod nilang pinuntahan, ang Laudato Si Farm na matatagpuan sa Tagaytay. Sa lugar na ito hindi lang napalapit ang mga mag-aaral sa Panginoon, dala na rin ng magagandang tanawin na hango at may konsepto ng ating pananampalataya, gayon din, mas lalo nilang na-appreciate ang ganda ng kalikasan.
Matapos ang mahabang lakarin sa piling ng kalikasan, pumunta sila sa Indang Farmers Park, kung saan sila kumain ng pananghalian, nagkaroon ng spiritual formation session, at walkabout with Kuya Larry patungkol sa vermicomposting at bamboo tree planting. Nagkaroon din sila ng pagkakataong libutin ang nasabing farm.
Nang humapon na, ikaapat ng hapon, tinungo na nila daan pauwi. Ngunit bago sila tuluyang tumungo pabalik ng Nueva Ecija, dumaan muna sila sa Peopleโs Park upang masilayan ang kagandahan ng Bulkang Taal, kasama na rin ang magandang tanawing tanaw ang buong siyudad. Pagod man sap ag-akyat, sulit naman dahil busong ang mga mata sa kagandahang matatanaw hatid ng kagandahan ng paligid.
๐๐๐ฃ๐๐ ๐ข๐๐ฃ ๐ข๐๐๐๐ก๐๐ฃ๐ ๐ข๐๐๐๐ฎ๐๐๐, ๐ฅ๐๐๐ค๐ ๐ข๐๐ฃ ๐๐ฃ๐ ๐ ๐๐ฉ๐๐ฌ๐๐ฃ, ๐๐๐ฃ๐๐ ๐ข๐๐ฉ๐๐ฉ๐๐ฌ๐๐ง๐๐ฃ ๐๐ฃ๐ ๐ ๐๐ง๐๐ฃ๐๐จ๐๐ฃ, ๐ข๐๐ ๐๐ง๐๐ก, ๐๐ฉ ๐ ๐๐จ๐๐ฎ๐๐๐๐ฃ๐ ๐๐๐ฉ๐๐ ๐ฃ๐ ๐จ๐ฉ๐ช๐๐ฎ ๐ฉ๐ง๐๐ฅ ๐ฃ๐ ๐ข๐๐ ๐ข๐๐-๐๐๐ง๐๐ก. ๐๐ช๐ฃ๐๐ฎ ๐ฃ๐๐๐ฃ๐ ๐๐ฃ๐ ๐ฅ๐๐๐ก๐๐ก๐๐ ๐๐๐ฎ ๐๐ฎ ๐ฃ๐๐๐๐ช๐๐ช๐ก๐ค๐ฉ ๐ฃ๐ ๐๐๐ฃ๐๐ ๐ข๐๐ฉ๐ช๐ฉ๐ช๐ข๐๐๐จ๐๐ฃ๐ ๐๐ก๐๐ก๐, ๐๐ฉ ๐ฃ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ฎ ๐ฃ๐ ๐ข๐๐ ๐๐๐๐ค๐ฃ๐ ๐๐ ๐จ๐ฅ๐๐ง๐ฎ๐๐ฃ๐จ๐๐ฎ๐ ๐๐ฉ ๐ข๐๐ ๐๐๐๐ค๐ฃ๐ ๐ ๐๐๐๐๐๐๐ฃ ๐๐ฉ ๐ ๐๐ ๐๐ก๐๐ก๐.