10/05/2025
|Narito ang ilang gabay at paalala para sa mas maayos, matiwasay, at mabilis na pagboto sa darating na eleksyon.
MGA DAPAT AT HINDI DAPAT GAWIN SA ARAW NG HALALAN SA MAYO 12, 2025
DAPAT GAWIN:
-Alamin ng mas maaga ang iyong eksaktong precinct number at iyong voting center.
-Gumawa ng listahan o kodigo ng mga kandidato na iyong iboboto sa araw ng halalan.
-Suriing mabuti ang balotang iyong hawak bago bumoto upang hindi magkamali.
-Gumamit ng secrecy folder para takpan at hindi makita ng ibang tao ang iyong boto.
-Panatilihin ang katahimikan sa loob ng presintong iyong kinaroroonan at iwasang makipag-away dahil sa sariling opinyon.
-Bilugan o i-shade ng maayos ang bilog o hugis itlog na katabi ng pangalan ng kandidatong iyong iboboto.
-Suriin ang voter's receipt na iyong makukuha pagkatapos bumoto para matiyak na tama ang iyong binoto.
-Palagyan ng electoral ink sa Electoral Board ang iyong kuko sa kanang hintuturo.
-Pagkatapos bumoto, mainam na umuwi o umalis agad sa voting center upang bigyang daan ang iba pang botante.
HINDI DAPAT GAWIN:
-Sa araw ng halalan, iwasan o huwag magsuot ng damit o anumang bagay na mayroong mukha o pangalan ng kandidato.
-Bawal kuhanan ng litrato ang iyong balota.
-Bawal mag-selfie habang ikaw ay bumoboto.
-Huwag ipakita ang iyong balota sa iyong katabi o kahit kanino man maliban sa Electoral Board.
-Bawal ilabas ang ballot secrecy folder, marking pen at voter's receipt.
-Iwasang matupi, mabasa, mapunit o madumihan ang iyong balota.
-Iwasang mag-overvote o sumobra ang iyong boto dahil magiging invalid o walang bisa ang iyong boto.
-Huwag susulatan o gumawa ng iba pang mark maliban sa pag-shade sa iyong balota.
PAALALA: Ang sinumang lalabag sa mga itinakda at bawal gawin sa araw ng halalan ay maaaring kasuhan o patawan ng parusa alinsunod sa Republic Act No. 9369 o ang Automated Election System Law at Omnibus Election Code of the Philippines.
CTTO