Life Update

Life Update EverydayLife

09/07/2025

“Turuan Silang Lumipad, Hindi Lang Kumapit.”

Sa bawat hakbang ng ating mga anak, likas sa atin bilang magulang o tagapangalaga ang pangambang baka sila’y madapa, masaktan, mabigo. Natural lang sapagkat mula sa simula, tayo ang unang humawak sa kanilang kamay, tayo ang unang sumalo sa kanilang iyak, at tayo rin ang unang nagsabing, “Huwag kang matakot, andito si Mama/Papa.”

Ngunit habang lumalaki sila, kailangan din nating matutong kumalas hindi sa pagmamahal, kundi sa labis na paghawak. Dahil kung palagi nating inuuna ang bawat hakbang para sa kanila, kailan nila matututunang lumakad mag-isa?

Sa sobrang takot nating masaktan sila, minsan tayo na rin ang pumipigil sa kanilang paglago. Hindi natin namamalayang unti-unti, ang mga yakap nating punô ng pag-aalala ay nagiging hawlang hindi sila makawala. Sa bawat problemang sinasalo natin, sa bawat desisyong tayo ang gumagawa, unti-unting nawawala ang boses nila. Natatakot silang pumili, dahil baka tayo’y mabigo. Natatakot silang magkamali, dahil baka tayo’y masaktan.

• Sabi nga ni Judy Ann Santos, isang inang totoong nakikibaka sa bawat yugto ng pagpapalaki:

“Hayaan mong madapa sila minsan. Hindi mo sila kailangang saluhin palagi. Kung hindi nila mararanasan 'yung hirap, paano nila ma-aappreciate 'yung ginhawa?”

At totoo ito, paano natin matuturuan ang isang bata kung paano bumangon kung hindi natin sila hinayaang maranasan ang pagkadapa? Sa totoo lang, ang tunay na tagumpay ay hindi lang nasusukat sa galing kundi sa tibay ng loob. At ang tibay, hindi ‘yan naituturo sa kwento naihuhubog ‘yan sa karanasan.

• Dimples Romana naman ay nagpaalala:

“Ang pagiging magulang ay hindi tungkol sa pagperpekto ng mundo ng anak mo, kundi sa paghahanda sa kanila sa mundong hindi perfecto.”

Napakatama. Hindi natin hawak ang takbo ng mundo. Kahit anong gawin natin, may mga reyalidad silang haharapin na hindi natin kayang pigilan: pagkabigo, pagkatalo, sakit, pagkawala, at minsan pagkalito sa sarili. Ang tanong: handa ba silang harapin ang mga ito kung palagi tayong nasa unahan?

Parenting is not ownership. Hindi natin sila pag-aari. Hindi sila extension ng ating pagkatao. Sila ay mga kaluluwang may sariling layunin, sariling landas, at sariling kwento. Tayo ay mga tagapagturo, hindi tagakontrol.

• Ang tunay na pagmamahal ay hindi nakabase sa pagsalo sa bawat pagkadapa kundi sa pagtuturo kung paano bumangon. Hindi ito pagbibigay ng lahat ng sagot, kundi paggabay kung paano magtanong. Hindi ito pagkumpleto sa buhay nila, kundi paghahanda upang mabuo nila ang sarili nila sa paraang sila mismo ang pipili.

Mga Paalala sa mga Magulang:

• Yakapin sila hindi para ikulong, kundi para suportahan.
Sa panahon ng pangamba, ipaalala sa kanila na may tahanan silang babalikan pero huwag hadlangan ang kanilang lakbayin.

• Disiplina, pag-unawa at tiwala dapat sabay-sabay.
Hindi pwedeng puro disiplina lang, at hindi rin pwedeng puro kalayaan. Turuan silang balansihin ang puso, isip, at desisyon.

• Hindi natin maiiwasan lahat ng sakit pero pwede nating ituro kung paano maghilom.
Sa bawat sugat na makukuha nila, ang presensya natin ang magsisilbing lunas, hindi sa pamamagitan ng solusyon, kundi sa pakikinig, pagyakap, at pag-alalay.

Bilang unang paaralan ng ating mga anak, tayo ang magiging pundasyon ng kanilang pananaw sa sarili, sa mundo, at sa buhay. Pero hindi tayo ang magiging tadhana nila. Darating ang araw na sila na ang mamimili ng tatahakin. Ang tanong: Naituro ba natin kung paano magdesisyon, hindi lang kung paano sumunod?

Ang pinakamagandang regalo na maibibigay natin ay hindi ang perpektong buhay, kundi ang kakayahang mabuhay sa mundong hindi perpekto.

Kaya’t habang nandito pa tayo, turuan natin silang hindi lang humawak sa atin kundi magtiwala sa sarili nilang mga pakpak. Dahil ang layunin ng magulang ay hindi manatiling gabay habambuhay, kundi makitang ang anak ay lumilipad, matatag, malaya… at masaya. 🕊️

-GalawangFrancisco

08/07/2025
08/07/2025
💕
07/07/2025

💕

☮️

🥰
06/07/2025

🥰

🥰✨
06/07/2025

🥰✨

04/07/2025
04/07/2025

Huwag kang malungkot kung feeling mo napag iiwanan ang anak mo sa school bawat bata ay iba't iba ang progress ng development

hindi grades ang mag define sa future nila

Ang importante ay ang effort nila, discipline at makita mo na nagpupursige sila.

Dahil minsan ang bata nahihirapan sa umpisa ay ang madalas na nagtatagumpay sa huli

Kaya naman kung ano ang kayang gawin ng anak natin ay ipagmalaki natin. Let them enjoy school ng walang pressure

Hindi madali maging estudyante kaya iparamdam natin sa anak natin na proud tayo sa mga kaya at kakayanin pa nilang gawin.

04/07/2025
02/07/2025

💕

Address


Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Life Update posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Life Update:

  • Want your business to be the top-listed Media Company?

Share