
24/07/2025
๐ฃ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐
๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐!
๐๐ฅ๐๐ฌ๐ ๐ฌ๐ ๐๐๐ก๐๐ญ ๐ง๐ ๐๐ง๐ญ๐๐ฌ, ๐๐ฎ๐ฌ๐ฉ๐๐ง๐๐ข๐๐จ๐ง๐ ๐๐ฎ๐ฅ๐ข
Ayon sa Department of the Interior and Local Government (DILG) Philippines, kanselado muli ang klase sa lahat ng antas ng paaralan mula elementarya hanggang kolehiyo sa probinsya ng Oriental Mindoro bukas, Hulyo 25, dahil sa patuloy na nararanasang sama ng panahon.
Ayon naman sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), itinaas na sa Orange Rainfall Warning ang lalawigan kung saan inaasahan ang matinding pag-ulan na may sukat na 150 hanggang 250 mm na maaaring magdulot ng pagbaha at pagguho ng lupa lalo na sa mga mabababang lugar. Inaasahan na ang lahat ng mamamayan ay nasa maayos at ligtas na kalagayan.
Ang lahat ng residente ay pinapayuhan na maging mapagmatyag at maging alerto sa lahat ng nagaganap sa ating lalawigan upang maihanda ang sarili sa anumang sakunang posibleng dumating sapagkat sa panahon ng sakuna, ang pagiging maagap at maingat ay susi sa kaligtasan ng pamilya at ng buong komunidad.
Mula sa opisyal na page ng DILG Philippines: https://www.facebook.com/share/p/19kLS4oQoa/
Mula sa opisyal na page ng NDRRMC: https://www.facebook.com/share/p/16zq6bph2r/
๐: Jessica Cacho
๐ป: Janryll Fabunan