31/10/2025
PIOLO PACQUIAO? 😍
Umani ng paghanga ang looks ng anak ni People’s Champ Manny Pacquiao na si Emannuel Joseph Bacosa Pacquiao sa ginanap na Thrilla Manila event sa Smart Araneta Coliseum.
Bukod sa gwapo, napansin kasi ng ilang netizens na tila pinaghalong mukha ni Manny at aktor na si Piolo Pascual ang mukha ni Eman sa ilang mga larawan.
May ilan namang nagsasabi na nakikita rin nila ang mukha ni Dingdong Dantes kay Eman.
Sa naturang event ay dumalo rin si Manny kasama ang misis na si Jinkee upang magpakita ng suporta.
Hindi naman binigo ni Eman ang ama at mga fans matapos ipanalo ang laban nito.