
08/05/2025
๐๐๐๐ง๐ข๐ฅโ๐ฆ ๐ก๐ข๐ง๐ | ๐ ๐๐น๐ฎ ๐๐ฎ ๐ ๐ฎ๐๐ฎ, ๐ฃ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐๐ฎ ๐ ๐ฎ๐๐ฎ
โ๏ธ ๐๐ญ๐ฐ๐ณ๐ช๐ฆ๐ฏ๐ฆ ๐๐ฆ๐ฏ๐ฆ๐ด๐ฆ๐ด, ๐๐ฅ๐ช๐ต๐ฐ๐ณ-๐๐ฏ-๐๐ฉ๐ช๐ฆ๐ง
Sa bawat danak ng tintang tumulo sa aming mga kamayโhindi naging madali ang paglalakbay ng Ang Pag-asa ngayong taon. Sa gitna ng kakulangan sa pondo, sa anino ng opresyon na hindi kami nilulubayan, at sa bawat pagtapik ng pangambang gustong pumigil sa aminโnanindigan kami.
Nagpatuloy kami.
Dahil sa inyo.
Sa inyong palakpak, sa tahimik ninyong suporta, at sa mga kwento ninyong muling bumuhay sa diwa ng aming panulatโnaging buo kami.
At sa nalalapit na eleksyon, hangad ng patnugutan na nawaโy nakatulong kami sa pagbukas ng inyong kamalayanโna ang mga artikulong isinulat namin ay nagsilbing paalala ng tungkulin natin bilang responsableng mamamayan.
Isang makasaysayang taon.
Isang edisyong puno ng tapang, pag-ibig, at paninindigan.
Muli, kami ang Ang Pag-asa Patnugutan 2024-2025, patuloy na makikibaka mula sa masa, para sa masa, hanggang sa maglaho ang ulap ng kasinungalingan at muling sumikat ang araw ng katotohanan.
Hanggang sa muli nating pakikipaglaban, para sa totoo, patas, at malayang pamamahayag.
๐๐๐ง๐๐๐ค ๐ฃ๐ ๐๐ฃ๐ ๐ฅ๐๐๐๐ฃ๐. ๐๐๐ช๐ฃ๐๐ฉ ๐๐๐ฃ๐๐ ๐ฅ๐ ๐ง๐๐ฉ๐ค ๐ฃ๐๐๐ฉ๐๐ฉ๐๐ฅ๐ค๐จ ๐๐ฃ๐ ๐ ๐ฌ๐๐ฃ๐ฉ๐ค.