
29/07/2025
๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐!
HUMSS, Itinanghal na Pangkalahatang Kampeon sa ASHS Encha-Murals 2025
Binasag ng determinasyon at sipag ng Humanities and Social Sciences Strand (HUMSS) ang matagal na dominasyon ng Science, Technology, Engineering and Mathematics (STEM) strand matapos tanghaling pangkalahatang kampeon sa ASHS Encha-Murals 2025 noong Hulyo 18.
Sa unang pagkakataon sa loob ng anim na taon, nakuha ng HUMSS ang pinakamataas na karangalan sa intramurals matapos makalikom ng 355 puntos, bahagyang lamang sa 350 puntos ng STEM strand na pumangalawa. Samantala, nagtala ang Accountancy, Business, and Management (ABM) strand ng 225 puntos na nagbigay rito ng ikatlong pwesto.
Ang pagtatapos ng Encha-Murals 2025 ay naging patunay ng matagumpay na pagsasagawa ng mga aktibidad sa kabila ng kompetisyon. Ipinakita ng mga mag-aaral ang kahalagahan ng kooperasyon at pagkakaisa, na siyang tunay na layunin ng ganitong mga paligsahan.
artikulo ni George Claus
pag-aanyo ni Zayna Dela Cruz