
16/09/2025
“’Yung professional career ko, parang almost nine years lang. Nagka-injury kasi ako which is ‘yun dapat matutunan ng mga athletes ngayon especially ‘yung mga batang athletes natin na they feel good na bata sila, pero kailangan nila isipin ‘yung future nila habang bata sila kasi they don’t know what will happen. Ang unang kalaban ng athlete is injury. Once na magka-injury ka at you are not ready, doon ka mape-pressure. Iba ang pressure ng buhay at iba ang pressure ng naglalaro ka.”
“Ito ang future na tinitignan ko. Ang coaching, hindi naman panghabang buhay ‘yan. Iisipin pa rin natin kung paano tayo magreretire, ano ba ang meron tayo after retirement, kaya na ba natin magpa-aral kahit walang trabaho. Being a player and being a coach ay hindi panghabang buhay. Kung okay ang performance natin, okay tayo. Kung hindi, meron ding katapusan ‘yun.”
— Chito Victolero
Source: Reuben Terrado (Spin)