Hustle n Grind

Hustle n Grind Good things happen to those who hustle.

I had no choice but to grow up, life showed me the worst at a young age.
10/09/2024

I had no choice but to grow up, life showed me the worst at a young age.

Palagi kong sinasabi sa sarili na hindi ako magaling.Madalas akong pumuri sa ibang tao sa tuwing may kaya silang gawin. ...
08/09/2024

Palagi kong sinasabi sa sarili na hindi ako magaling.

Madalas akong pumuri sa ibang tao sa tuwing may kaya silang gawin. Pero ako, puno ng pagdududa at pag-aakala na hindi ko kaya.

Ginawa kong pamantayan ang tagumpay ng iba. Palagi kong binubulaslas na, "Buti pa sila"—puro ako pagkukumpara. Ang dami kong napupuna, pero 'yong maaga kong natapos 'yong trabaho, 'yong umuwi akong masaya, 'yong nalibre ko ang sarili, 'yong nakapag-ehersisyo ako ng higit sa tatlong beses sa isang linggo, nakalimutan ko pa lang ipagpasalamat.

Hindi ko man lang nabati ang sarili sa mga maliliit na tagumpay nito. Nakalimutan ko nang maging ako dahil sa pagnanais mapadpad sa posisyon ng ibang tao.

Palagi kong sinasabi sa sarili na hindi ako magaling; puro mali ang nakikita ko. Kulang kasi ako sa sariling pagpapahalaga. Subalit ang totoo niyan, may kaya rin pala akong gawin, may husay din.

Ang dami ko na palang hindi na nakakausap.Habang tumatanda pala tayo, pabawas nang pabawas ang mga malalapit sa ating ta...
08/09/2024

Ang dami ko na palang hindi na nakakausap.

Habang tumatanda pala tayo, pabawas nang pabawas ang mga malalapit sa ating tao. 'Yong kasabay kong umuwi noong elementarya, hindi na nangungumusta. 'Yong paborito kong kaibigan noong hayskul, wala na kaming balita sa isa’t isa. 'Yong kasangga ko sa kolehiyo, mas prayoridad na ang trabaho.

Sa sobrang abala natin sa mundo, may mga koneksyon na hindi na natin napanindigan, may mga relasyon na nalimitahan. At nauunawaan ko ito dahil may mga bayarin na kaakibat ng pagtanda natin.

At kahit ang dami ko nang hindi nakakausap sa inyo, palihim ko pa ring pinapanalangin na sana, pare-pareho tayong manalo sa buhay. Mas umangat nawa tayo sa kasalukuyan nating estado.

Behind my "tara, dagat tayo" there's always "gusto ko mawala ang stress at magrelax sa nakakapagod na buhay." Sabi nila ...
04/09/2024

Behind my "tara, dagat tayo" there's always "gusto ko mawala ang stress at magrelax sa nakakapagod na buhay." Sabi nila healing view raw ang dagat but it is actually more than that.

Then i realized, i never heard this from someone. it's always me who's keeping memories.
03/09/2024

Then i realized, i never heard this from someone. it's always me who's keeping memories.

NGAYON KO LANG NAPAGTANTO.Ngayon ko lang napagtanto na walang nakakaalam ng paborito kong pagkain, ng paborito kong kula...
06/04/2024

NGAYON KO LANG NAPAGTANTO.

Ngayon ko lang napagtanto na walang nakakaalam ng paborito kong pagkain, ng paborito kong kulay, o ng paborito kong kanta.
Walang nakapagsasabing ito ang pangarap kong puntahan, o ito ang tipo ng librong gusto kong basahin.
Wala, walang nakakaalala na ito ang paborito kong pelikula.
Ngayon ko lang napagtantong niisa, walang ginustong kilalalin ako.
Walang nagtangkang kabisaduhin kahit ang pinakasimpleng bagay tungkol sa akin.

Sa rami mong obligasyon, nakalimutan mo nang may sarili ka rin palang pangarap. Inuuna mo ang responsibilidad. Kumakayod...
04/04/2024

Sa rami mong obligasyon, nakalimutan mo nang may sarili ka rin palang pangarap.
Inuuna mo ang responsibilidad. Kumakayod ka nang higit pa sa dapat. Kinaligtaan mo nang magpahinga. Nawawalan ka ng karapatan sa tuwing naaalala mo 'yong mga umaasa.

Kaya pala walang timbangan ng pagod, dahil hindi ito nasusukat. Ang totoo niyan, dito ka masaya—'yong napapangiti mo sila.

Hindi ka madamot, pero nasanay ka na lang sarilihin 'yong lungkot. Pinapasan mo 'yong hirap nang mag-isa, dinarama mo 'yong presyur na inatang nila.

Balang araw, hindi ka na maghihintay ng ilan pang araw, darating din ang tsansang kukumpunihin mo naman ang sariling mong pangarap.

Ikaw naman 'yong giginhawa. Ikaw naman 'yong magiging masaya.

Salamat sa paglayo. Hindi na 'ko nababato kahihintay. Hindi na 'ko nababagabag sa magdamag. Katulad ng madaling araw, pa...
03/04/2024

Salamat sa paglayo.

Hindi na 'ko nababato kahihintay. Hindi na 'ko nababagabag sa magdamag. Katulad ng madaling araw, payapa na rin ako; walang bumubulong, walang mga tanong, walang impit na luha sa maghapon.

Salamat sa paglayo noong pinipilit kitang manatili. Buti na lang, hindi ka nagpadala sa makailang beses kong pagmamakaawa. Nakikita ko na ang kainaman ng ako lang—mas magaan.

Hindi pala ikaw ang sagot sa mga puwang, espasyo pala ito para sa paglago at ako lang ang tanging makabubuno.

Address

Cabanatuan City

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Hustle n Grind posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share