News Flash PH

  • Home
  • News Flash PH

News Flash PH Official page of News Flash PH

5 KATAO NA-TRAP SA TRANSIENT HOUSE DAHIL SA GUMUHONG RIPRAP SA BAGUIO CITY, NAILIGTAS NG MGA OTORIDADNailigtas ng mga ot...
28/07/2025

5 KATAO NA-TRAP SA TRANSIENT HOUSE DAHIL SA GUMUHONG RIPRAP SA BAGUIO CITY, NAILIGTAS NG MGA OTORIDAD

Nailigtas ng mga otoridad ang limang katao na na-trap sa loob ng isang bahay dahil sa gumuhong riprap sa Brgy. Poliwes sa Baguio City.

Ayon sa Baguio City Public Information Office, humarang ang gumuhong riprap sa exit area ng transient na tinutuluyan ng limang katao.

Agad namang rumesponde ang mga tauhan ng Baguio City Fire Station.

Gumamit ng grinder ang mga bumbero para may madaanan palabas ang mga na-trap na indibidwal.

Sa latest na rainfall warning ng PAGASA Northern Luzon, nakataas ang Yellow Warning sa Benguet at La Union dahil sa pag-ulan dulot ng Habagat.

Sinuspinde ni Mayor Benjie Magalong ang pang-hapong klase sa Baguio City mula PRESCHOOL hanggang SENIOR HIGH SCHOOL sa l...
28/07/2025

Sinuspinde ni Mayor Benjie Magalong ang pang-hapong klase sa Baguio City mula PRESCHOOL hanggang SENIOR HIGH SCHOOL sa lahat ng public at private schools dahil sa sama ng panahon.

Makararanas ng katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan sa susunod na dala...
28/07/2025

Makararanas ng katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan sa susunod na dalawang oras.

Sa inilabas na abiso ng PAGASA, mararanasan ang pag-ulan sa NCR, Pampanga, Nueva Ecija, Bulacan, Rizal at Cavite.

Ganiito na rin ang lagay ng panahon na nararanasan sa gmga bayan ng Iba, Botolan, San Marcelino, Castillejos, at Subic sa Zambales; Abucay, Balanga, Pilar, Limay, Morong, at Bagac sa Bataan at sa Camiling, Mayantoc, Santa Ignacia, San Jose, Capas, Tarlac City, Concepcion, Bamban, at La Paz sa Tarlac.

28/07/2025

PNP naka-full alert na, No Fly Zone at No Drone Zone umiiral na sa palibot ng Batasan - Gen. Nicolas Torre III

28/07/2025

TORRE: I STOOD UP TO THE BULLY AND THE BULLY RAN AWAY

Ayon kay PNP chief Gen. Nicolas Torre III hindi na niya mapapayagan ang patuloy na pambubully sa kaniya ni acting Davao City Mayor Baste Duterte.

Sinabi ni Torre na sa pagtawag sa kaniyang "unggoy" ng acting mayor ay hindi lamang siya ang binu-bully nito kundi ang iba pang kahalintulad niya na maitim ang kulay ng balat.

Normal lang din ayon kay Torre sa mga bully na sa simula lang matapang.

VIDEO: PNP

SENATE SPOUSES FOUNDATION NAGHATID NG TULONG SA MGA NASALANTA NG BAGYO SA BULACAN Nagsagawa ng relief operations sa Calu...
27/07/2025

SENATE SPOUSES FOUNDATION NAGHATID NG TULONG SA MGA NASALANTA NG BAGYO SA BULACAN

Nagsagawa ng relief operations sa Calumpit, Bulacan ang Senate Spouses Foundation Inc. (SSFI).

Pinangunahan ni Heart Evangelista-Escudero ang aktibidad na nagkaloob ng relief packs sa 765 na pamilya na naapektuhan ng pagbaha sa Calumpit.

Ang mga pamilyang pansamantalang nanunuluyan sa Calumpit National High School sa Barangay Mojon ay tumanggap ng bigas, gatas, delata, instant food, at essential hygiene.

Kasama sa relief operation si SSFI Vice President Kathryna Yu-Pimentel, Secretary Maricel Tulfo, at Chesi Escudero na anak ni Senate President Francis “Chiz” G. Escudero.

Naghatid din ng relief goods ang SSFI sa mga pamilyang namamalagi sa San Marcos Elementary School.

PHOTO: Senate of the Philippines

SPEED BOAT, RESCUE VEHICLES AT WATER PUMP NG MMDA, KASAMANG INIHANDA PARA SA SONAMaliban sa mga tauhan na magmamando sa ...
27/07/2025

SPEED BOAT, RESCUE VEHICLES AT WATER PUMP NG MMDA, KASAMANG INIHANDA PARA SA SONA

Maliban sa mga tauhan na magmamando sa daloy ng trapiko ay nag-deploy din ng kagamitan ang Metropolitan Manila Development Authority o MMDA sa kahabaan ng Commonwealth Avenue para sa State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Nasa Commonwealth Avenue na ang mobile command center ng MMDA maging ang speed boat, at rescue vehicle sakaling makaranas ng malakas na pag-ulan.

Ayon sa MMDA may nakahanda itong temporary pumps na magagamit para masipsip ang tubig baha patungo sa pinakamalapit na creek.

Natapos na din ang pagpapalawak sa drainage inlet sa Commonwealth para mas mabilis ang daloy ng tubig-baha patungo sa mga imburnal.

PHOTO: MMDA

F2F CLASESS SA BANI, PANGASINAN SUSPENDIDO PA NG ISANG LINGGOIsang Linggo pang suspendido ang klase sa mga paaralan sa b...
27/07/2025

F2F CLASESS SA BANI, PANGASINAN SUSPENDIDO PA NG ISANG LINGGO

Isang Linggo pang suspendido ang klase sa mga paaralan sa bayan ng Bani, Pangasinan dahil sa nagging epekto ng pananalasa ng Bagyong Emong.

Ayon kay Bani Vice Mayor Gwen Palafox-Yamamoto, mula bukas July 28 hanggang sa Biyernes, August 1 ay mananatiling suspendido ang face-to-face classes sa lahat ng antas sa munisipalidad sa pampubliko at pribadong mga paaralan.

Sinabi ng vice mayor na layon nitong mabigyan ng daan ang pagtitiyak ng kaligtasan at integridad ng mga school building sa Bani, matapos ang pananalasa ng bagyo.

Kabilang ang bayan ng Bani sa naisailalim sa Signal No. 4 sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Emong.

Nakasailalim na din sa state of calamity ang nasabing bayan.

KAMARA ALL SET NA PARA SA SONA NI PANG. MARCOS SA LUNESAll set na ang House of Representatives is para sa pagbubukas ng ...
27/07/2025

KAMARA ALL SET NA PARA SA SONA NI PANG. MARCOS SA LUNES

All set na ang House of Representatives is para sa pagbubukas ng unang Regular Session ng 20th Congress at sa joint session ng Congress para sa ikaapat na State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Lunes.

Sa mga larawan na ibinahagi sa Faceebook page ng Kamara, handa na ang gallery na pagdarausan ng sesyon at SONA.

Gaya ng naging kahilingan ni Leyte 1st district Representative Ferdinand Martin Romualdez wala ng inilatag na red carpet para sa idaraos na SONA.

Kabilang sa hindi masasaksihan sa SONA sa Lunes ang red carpet fanfare at fashion coverage.

Ito ay bilang pakikisimpatya sa mga mamamayan na nasalanta ng magkakasunod na sama ng panahon.

PANGULONG MARCOS NAGPAABOT NG PAGBATI SA ANIBERSARYO NG INC Nagpaabot ng pagbati si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa...
27/07/2025

PANGULONG MARCOS NAGPAABOT NG PAGBATI SA ANIBERSARYO NG INC

Nagpaabot ng pagbati si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Iglesia ni Cristo sa pagdiriwang ng kanilang ika-111 anibersaryo.

Kinilala ng pangulo ang patuloy na paglilingkod, pagkakawanggawa, at pakikiisa sa kapwa ng INC.

Binigyang-diin ng pangulo ang mahalagang papel ng Iglesia ni Cristo bilang katuwang ng pamahalaan sa pagsusulong ng isang Bagong Pilipinas.

Ayon sa pangulo ito ay ang Bagong Pilipinas na makatao, makabansa, at may takot sa Diyos.

AI GENERATED VIDEO TUNGKOL SA CLASS SUSPENSION BUKAS, JULY 28 PEKE AYON SA DEPEDFake news ang ipinakakalat na video ng i...
27/07/2025

AI GENERATED VIDEO TUNGKOL SA CLASS SUSPENSION BUKAS, JULY 28 PEKE AYON SA DEPED

Fake news ang ipinakakalat na video ng isang page tungkol sa umano’y suspensyon ng klase bukas, Hulyo 28.

Ayon sa Department of Education ang nasabing video ay AI Generated.

Ang Quezon City LGU lamang ang nagdeklara ng class suspension bukas, July 28 para sa State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Muling pinaaalalahanan ng DepEd ang publiko na mag-ingat at maging mapanuri laban sa anumang uri ng misinformation.

Para sa opisyal na mga anunsiyo at impormasyon tungkol sa basic education, bisitahin lamang ang official DepEd Philippines social media accounts.

DOH NAGLABAS NG GABAY PARA MAIWASAN ANG AKSIDENTE SA PAGLILINIS SA DUMING DULOT NG PAGBABAKasunod ng naranasang pagbaha ...
27/07/2025

DOH NAGLABAS NG GABAY PARA MAIWASAN ANG AKSIDENTE SA PAGLILINIS SA DUMING DULOT NG PAGBABA

Kasunod ng naranasang pagbaha naglabas ng paalala ang Department of Health sa paglilinis ng mga dumi at putik sa bahay.

Ayon sa DOH dapat hintayin muna hanggang sa tuluyang humupa ang baha at siguruhing ligtas na ang paligid bago simulan ang paglilinis.

Para makaiwas sa aksidente, narito ang ilang paalala ng DOH:

- Magsuot ng bota, gloves, goggles, at mask
- Humingi ng tulong sa pagbubuhat ng mabibigat
- Mag-ingat sa paggamit ng mga kemikal na panglinis, gaya ng bleach

Dapat ding mag-ingat sa aksidente lalo na kung madulas pa ang sahig.

Address


Alerts

Be the first to know and let us send you an email when News Flash PH posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to News Flash PH:

Shortcuts

  • Address
  • Telephone
  • Alerts
  • Contact The Business
  • Claim ownership or report listing
  • Want your business to be the top-listed Media Company?

Share