19/11/2025
1970's pa dumating ang grupo nina; Manuel Cojuangco at Jacques Brancellec sa lugar ng mga Molbog at iba pang mga tribo sa Bugsuk at Pandanan sa Palawan, tinatag ng dalawa ito bilang Jewelmer noong 1979. Kaakibat ng pagkakatatag nito ay ang pagbabawal sa mga mangingisda ng mga tribo sa lugar na nakauglian nilang hanap-buhay, naging taniman kasi ito ng clam ng pinagmumulan ng mala-gintong kulay na perlas, na isa sa pinakamahal sa merkado.
Dahil binabantayan ang lugar at pinagbawalan ang mga ito, walang magawa ang mga mangingisda ng tribo kundi bumili ng tatlong galong gasolina para makapangisda sa kabilang ibayo ng dagat upang umiwas sa inilarawan nila bilang pangingikil.
Makalipas pa ang ilang dekada, higit sa 10,821 ektarya ng lupa ang sinasabing kinamkam ng mga Cojuangco. Pinagtibay pa ang pagpapaalis sa mga ito dahil inalis ang lugar bilang bahagi ng agrarian reform program ng Department of Agrarian Reform (DAR) noong June 27, 2024, pwersahan silang pinaalis upang madaliin diumano ang isang luxury tourism project o ang Bugsuk Island Resort.
Ang Environmental Impact Summary (EIS) ng Department of Environment and Natural Resources o DENR ay proud pang binida sa kanilang Facebook ang resort na magbubukas daw sa 2038, ahensyang magbibigay sana ng proteksyon sa maliliit na kumunidad at sektor na namalagi dito daang taon. Ang proyekto ay may Clearance umano sa Environmental Compliance Certificate (ECC).
Agad na kumilos ang Pambansang Kilusan ng mga Samahang Magsasaka (PAKISAMA) sa lugar upang magsumite ng sworn testimonies sa the Commission on Human Rights (CHR) noong September 10 upang imbestigahan ang mabilis na pag-apruba sa proyeto na lumalabas ngayon na may suporta at may pirma ng Municipality of Balabac’s Office of Sangguniang Bayan na kinabigla ng lahat.
Nilinaw nilang walang kinalaman ang nanalong si Miss Denmark sa kanilang laban, kundi laban sa mga may-ari ng Jewelmer na inilarawan nilang naghari sa isla ng mahabang panahon, 'Lumière de l'Infin' kung tawagin ang korona ng Miss Universe ngayon, na ang ibig sabihin ay 'liwanag ng kawalang-hanggan', walang hanggan din daw nilang ipaglalaban ang kanilang karapatan sa isla at karagatan hanggat maabot nila ang tunay liwanag, anila.
As per writing, wala pang kumento ang Jewelmer at Miss Universe Organization patungkol dito.