04/07/2025
πͺπππ’π‘π πͺππ‘π§ππ π£ππ₯π¦π’π‘ π¦π π£π₯π’πππ‘π¦ππ¬π π‘π πππππ¬ππ‘, π‘ππ¦πππ’π§π π¦π π πππππππππͺππππ¬ π‘π π’π£ππ₯ππ¦π¬π’π‘
TUGUEGARAO CITY - Walong wanted person na nahaharap sa iba't-ibang kaso sa probinsiya ng Cagayan ang matagumpay na nasakote ng mga awtoridad sa isinagawa nilang magkakahiwalay na operasyon nitong Hulyo 03, 2025.
Batay sa ulat, unang naaresto ang dalawang wanted person sa Zone 02, Brgy. Masical, Baggao, Cagayan na nahaharap sa kasong Adultery sina alyas Emar, 33-anyos, OFW, residente ng naturang barangay at alyas MJ, 33-anyos, magsasaka, residente naman ng Brgy. Taguing, Baggao, Cagayan parehong may inirerekomendang piyansa na P36,000.00
Sa kaparehong araw at bayan, sa Zone 4, Brgy. Santor, Baggao, Cagayan ay nadakip ng Joint Tracker Team ng Baggao Police Station si alyas Jojo, 72-anyos, may asawa, magsasaka at residente ng nabanggit na baranggay matapos maharap sa kasong Qualified Theft na may inirekomendang piyansa na P14,800.00
Samantala, sa pagtutulungan naman ng Lasam Police Station, Baggao Police Station, 3rd Mobile Force Platoon, at 2nd Mobile Force Company dakong alas-9:50 ng umaga sa Brgy. San Jose, Baggao, Cagayan si alyas Buboy, 21-anyos, binata, walang trabaho, at residente ng naturang bayan matapos maharap sa kasong Slight Physical Injury na may rekomendadong piyansa na P5,000.00
Matagumpay na natimbog ng Sta. Ana Police Station sa Brgy. Baua, Gonzaga, Cagayan si alyas Gerald, 37 taong gulang, residente ng nabanggit na bayan dahil sa kasong estafa na may piyansang P16,000.00
Dahil sa patuloy na pagsisikap ng mga awtoridad, matagumpay na nasakote si alyas Lolong, 41-anyos, vendor, at residente ng Brgy. Ammubuan, Ballesteros, Cagayan dahil sa paglabag ng RA 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012 na may rekomendadong piyansa na P120,000.
Huling naaresto sa isinagawang operasyon sa bayan ng Buguey partikular na sa Brgy. Mala Weste, Buguey, Cagayan ang dalawang wanted person na sina alyas Alvin, 43-anyos, construction worker, at alyas Atong, 45-anyos, may asawa, walang trabaho dahil sa paglabag ng PD 1602 (Prescribing Stiffer Penalties on Illegal Gambling) na may piyansang nagkakahalaga ng P36,000.00
Ang mga naarestong akusado ay dinala sa kani-kanilang himpilan para sa kaukulang dokumentasyon at wastong disposisyon.
Ang balitang ito ay hatid sa inyo ng:
ππππ ππ‘π ππ’πππ’πͺ: https://www.facebook.com/share/1AZVirj9bK/?mibextid=qi2Omg
π¦π¨ππ¦ππ₯πππ:
https://youtube.com/?si=qxuvz3N06hOKV1Kz
Photo: For Illustration Purposes Only