
17/07/2025
PUBLIC ADVISORY
WALANG PASOK ADVISORY
JULY 18, 2025 | Friday
Sa bisa ng Executive Order No. 15, Series of 2025, na inilabas ni Governor Aurelio Oyie Matias Umali, suspendido ang klase sa lahat ng antas — mula Pre-Elementary hanggang Senior High School, sa lahat ng pampubliko at pribadong paaralan sa buong lalawigan ng Nueva Ecija sa Biyernes, July 18, 2025.
Ang hakbanging ito ay bilang pag-iingat sa epekto ng Tropical Depression Crising, batay sa patuloy na heavy rainfall warning mula sa PAGASA, na maaaring magdulot ng malawakang pagbaha, landslide, at iba pang panganib sa kaligtasan ng mamamayan.
📌 Paalala sa lahat: Maging mapagmatyag, manatiling ligtas, at ugaliing sumubaybay lamang sa opisyal na mga anunsyo mula sa Pamahalaang Panlalawigan.
💙 Ingat lagi, mga Novo Ecijano. Unahin ang kaligtasan!
📄 Copy of Executive Order No. 15: https://tinyurl.com/Executive-Order-No-15