Ang Bukal - Bucal NIS

  • Home
  • Ang Bukal - Bucal NIS

Ang Bukal - Bucal NIS Ang Opisyal na Pahayagan ng mga mag-aaral sa Filipino ng ๐˜ฝ๐™ช๐™˜๐™–๐™ก ๐™‰๐™–๐™ฉ๐™ž๐™ค๐™ฃ๐™–๐™ก ๐™„๐™ฃ๐™ฉ๐™š๐™œ๐™ง๐™–๐™ฉ๐™š๐™™ ๐™Ž๐™˜๐™๐™ค๐™ค๐™ก - ๐˜š๐˜‹๐˜– ๐˜Š๐˜ข๐˜ท๐˜ช๐˜ต๐˜ฆ ๐˜—๐˜ณ๐˜ฐ๐˜ท๐˜ช๐˜ฏ๐˜ค๐˜ฆ - ๐˜™๐˜ฆ๐˜จ๐˜ช๐˜ฐ๐˜ฏ ๐˜๐˜-๐˜ˆ

๐™ƒ๐˜ผ๐™‹๐™‹๐™” ๐™๐˜ผ๐™๐™ƒ๐™€๐™๐™Ž ๐˜ฟ๐˜ผ๐™”!!Happy Father's Day sa lahat ng mga tatay, ama, at padre de pamilyaโ€” sa mga nag paka-ama at sa mga ama...
21/06/2026

๐™ƒ๐˜ผ๐™‹๐™‹๐™” ๐™๐˜ผ๐™๐™ƒ๐™€๐™๐™Ž ๐˜ฟ๐˜ผ๐™”!!

Happy Father's Day sa lahat ng mga tatay, ama, at padre de pamilyaโ€” sa mga nag paka-ama at sa mga ama na nasa kabilang buhay na. Sa mga lalaking hindi sumuko kahit binibigyan ng buhay ng dahilan para sumuko. Sa mga lalaking tumindig sa bawat pagsubokโ€”hindi para sa sarili, kundi para sa pamilya. Ang inyong lakas, sakripisyo, at pagmamahal ang humubog sa buhay ng inyong mga anak sa paraang hindi nila lubos na maipahayag. Kayo ang matatag na haligi, ligtas na kanlungan, at pinakamalaking suporta sa bawat tagumpay at kabiguan. Salamat sa pagpapakita kung ano ang tunay na pag-ibig. Ipinagmamalaki kayo ng inyong mga anak, at habang-buhay silang nagpapasalamat. Kayo ang bayani ng tahanan, ngayon at magpakailanman. Saksi ang langit sa lahat ng inyong sakripisyo at pagmamahal. Mabuhay ang mga ama๐Ÿ’—

โ€”Pagbati mula sa ๐˜ˆ๐˜ฏ๐˜จ๐˜‰๐˜ถ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ญ.

09/06/2026

๐—ง๐—ถ๐—ป๐—ถ๐—ด ๐—ป๐—ด ๐—•๐˜‚๐—ฐ๐—ฎ๐—น๐—ฒ๐—ฎ๐—ป๐˜€: Sa pagsisimula ng panibagong kabanata ng edukasyon para sa Panuruang Taon 2026-2027, kinalap ng Ang Bukal ang saloobin ng mga mag-aaral na saklaw ng ibat-ibang baitang sa pasisimula ng Panuruang 2026-2027 sa Bucal National Integrated School.

Edited by: Marc Jhared Borbon

๐—•๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—ง๐—” | Balik Eskwela 2026: Bucaleans, Nagbahagi ng Bagong KaranasanInilahad ng mga estudyante ang kanilang karanasan a...
09/06/2026

๐—•๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—ง๐—” | Balik Eskwela 2026: Bucaleans, Nagbahagi ng Bagong Karanasan

Inilahad ng mga estudyante ang kanilang karanasan at saloobin ngayong unang araw ng pasukan, Hunyo 8, 2026, Lunes, sa Bucal National Integrated School (BNIS).

Isinulat ni Shan Amery D. ๐—ฅ๐—ฎ๐—บ๐—ผ๐˜€
Anyo at Disenyo ni Princess O. ๐—ข๐—ฟ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ฒ๐˜‡

๐—ง๐—œ๐—ก๐—š๐—ก๐—”๐—ก | Mainit na labanan ang nangyari ngayong Hunyo 9, 2026 upang makapili ng karapat-dapat na mga opisyales sa mga p...
09/06/2026

๐—ง๐—œ๐—ก๐—š๐—ก๐—”๐—ก | Mainit na labanan ang nangyari ngayong Hunyo 9, 2026 upang makapili ng karapat-dapat na mga opisyales sa mga posisyon ng bawat organisasyong na itinakda ng eskwelahan. Mula sa JHS at SHS kitang-kita ang paglilitis ng mga mag-aaral sa pagpili ng kinakailangan para sa ikabubuti ng paaralan.

๐ƒ๐€๐‹๐Ž๐˜ ๐๐† ๐Š๐€๐“๐Ž๐“๐Ž๐‡๐€๐๐€๐, ๐€๐†๐Ž๐’ ๐๐† ๐๐€๐†๐๐€๐๐€๐†๐Ž ๐Ÿ–‹๏ธ๐ŸŒŠโ€ŽSa pagpasok ng panuruang taon 2026โ€“2027, muling bumubukal ang diwa ng pamama...
09/06/2026

๐ƒ๐€๐‹๐Ž๐˜ ๐๐† ๐Š๐€๐“๐Ž๐“๐Ž๐‡๐€๐๐€๐, ๐€๐†๐Ž๐’ ๐๐† ๐๐€๐†๐๐€๐๐€๐†๐Ž ๐Ÿ–‹๏ธ๐ŸŒŠ

โ€ŽSa pagpasok ng panuruang taon 2026โ€“2027, muling bumubukal ang diwa ng pamamahayag. Ipinapakilala natin ang mga bagong mukha at mga bagong lider ng Ang Bukal Clubโ€”ang grupo ng mga mag-aaral na nagkakaisa sa layuning maging mitsa ng kamalayan at gabay ng bawat kabataang mag-aaral.
โ€Ž
โ€ŽHindi lamang tayo mga tagapagsulat; tayo ang salamin ng ating paaralan.
โ€Ž
โ€ŽMakisama, Makilahok, at Maging Bahagi ng Agos.
โ€Ž
โ€ŽAng inyong mga tinig ay ang ating lakas. Samahan ninyo ang Ang Bukal Club sa pagbuo ng mga kwentong magtatakda ng ating kinabukasan. Dahil hanggaโ€™t may mga kwentong hindi pa naibabahagi, mananatili tayong tapat sa ating tungkulin: ang magsilbing bukal ng katotohanan para sa lahat.
โ€Ž

๐˜ฝ๐˜ผ๐™‚๐™Š๐™‰๐™‚ ๐™”๐™๐™‚๐™๐™Š, ๐˜ฝ๐˜ผ๐™‚๐™Š๐™‰๐™‚ ๐™๐™„๐™‰๐™„๐™‚ โœ๏ธKilalanin ang mga bagong halal na editorial board ng Ang Bukal para sa panuruang taon 2026โ€“...
09/06/2026

๐˜ฝ๐˜ผ๐™‚๐™Š๐™‰๐™‚ ๐™”๐™๐™‚๐™๐™Š, ๐˜ฝ๐˜ผ๐™‚๐™Š๐™‰๐™‚ ๐™๐™„๐™‰๐™„๐™‚ โœ๏ธ

Kilalanin ang mga bagong halal na editorial board ng Ang Bukal para sa panuruang taon 2026โ€“2027.

Magsisilbing gabay sa boses ng bawat mag-aaral. Handang itaguyod ang ating pagkakakilanlan upang ibahagi ang makakabuluhang mga kwento mula sa loob ng ating paaralan.

Bilang mga tagapamahayag, magsisilbing daluyan ang editorial board ng mga nakakubling tinig at magbibigay-liwanag sa mga usaping madalas ay nananatiling hindi napapansin โ€” mula sa koridor hanggang sa komunidad, bawat kwento ay may karapatang mapakinggan.

Sa bagong taong panuruan, kasama ninyo ang isang lupon na hindi lamang magtatala ng kasaysayan ng paaralan kundi maging bahagi ng paghubog nito. Inyong makakasama sa pagtataguyod ng katotohanan, katarungan, at makabuluhang pagbabago.

Tuloy ang paghahatid ng makabuluhang kwento at makatotohanang pangyayari.

๐—ง๐—œ๐—ก๐—š๐—ก๐—”๐—ก | Ngayong Hunyo 8, 2026 sabay-sabay na binuksan ng mga mag-aaral, g**o, at kawani ng Bucal National Integrated S...
08/06/2026

๐—ง๐—œ๐—ก๐—š๐—ก๐—”๐—ก | Ngayong Hunyo 8, 2026 sabay-sabay na binuksan ng mga mag-aaral, g**o, at kawani ng Bucal National Integrated School ang panibagong kabanata ng edukasyon sa pamamagitan ng tradisyonal na Flag Raising Ceremony na ginanap kaninang umaga.

Mainit na sinalubong ng paaralan ang pagbabalik-eskwela ng mga mag-aaral, lalo na't tampok sa seremonya ang makabuluhang mensahe mula sa ating pinakamamahal na Principal, Gng. Belinda C. Loyola. Sa kanyang talumpati, nagbigay siya ng mahahalagang paalala at gabay para sa mag-aaral at sa buong pamayanan ng paaralan para sa nalalabing bahagi ng Taong Panuruan 2026-2027.

Binigyang-diin ni Gng. Loyola ang disiplina, kaligtasan, at kahalagahan ng pagtutulungan ng g**o, magulang, at mga mag-aaral upang maging matagumpay ang bagong taon ng pag-aaral.

๐—ง๐—œ๐—ก๐—š๐—ก๐—”๐—ก | Brigada TUPAD para sa mga Bucaleansโ€Žโ€Ž"Kasi yung iba yan talaga ang gustoโ€”yung makasali ka sa TUPAD. Kasi dito,...
06/06/2026

๐—ง๐—œ๐—ก๐—š๐—ก๐—”๐—ก | Brigada TUPAD para sa mga Bucaleans
โ€Ž
โ€Ž"Kasi yung iba yan talaga ang gustoโ€”yung makasali ka sa TUPAD. Kasi dito, hindi mo na hahanap-buhayin yung perang ibibigay sa'yo; hindi man sapat [ang sahod], atleast hindi mo na hahanap-buhayin 'yon" saad ni Lanie Bergunio, miyembro ng TUPAD.
โ€Ž
โ€ŽSa kabila ng mabagsik na hamon ng panahon, abot-tenga pa rin ang ngiti ng mga miyembro ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) habang naglilinis sa bawat sulok ng paaralan ngayong Hunyo 6, 2026. Sa bawat buhos ng ulan at sa mga putik na kanilang dinadaanan, hindi nagpapatinag ang mga miyembro upang maisakatuparan ang kanilang responsibilidad bilang bahagi ng programang TUPAD.

๐—•๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—ง๐—” | Bayanihan, Binuhay muli ang Silid-AralanMuling binuhay ang diwa ang bayanihan ang mga silid-aralan ng BNIS sa p...
05/06/2026

๐—•๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—ง๐—” | Bayanihan, Binuhay muli ang Silid-Aralan

Muling binuhay ang diwa ang bayanihan ang mga silid-aralan ng BNIS sa pamamagitan ng Brigada Eskwela 2026. Sa pagtutulungan ng mga g**o, magulang, mag-aaral, at mga katuwang sa komunidad, naisagawa ang iba't ibang gawaing paglilinis, pagkukumpuni, at pagsasaayos ng mga pasilidad ng paaralan. Dahil sa sama-samang pagkilos na ito, naging mas handa, ligtas, at kaaya-aya ang kapaligiran ng pag-aaral para sa panibagong taon ng pagkatuto.

Isinulat ni: Atasha Nicole N. ๐—ข๐—ป๐—ด
Anyo at Disenyo ni: Princess O. ๐—ข๐—ฟ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ฒ๐˜‡

Address

Bucal 2

4112

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ang Bukal - Bucal NIS posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

  • Want your business to be the top-listed Media Company?

Share