06/04/2024
ANG PUTONG NG BUHAY( THE CROWN OF LIFE)
PAHAYAG 2;10 -11
Huwag mong kakatakutan ang lahat ng bagay na malapit mo nang danasin. Narito, ang ilan sa inyo ay malapit nang ipabilanggo ng diyablo upang kayo ay subukin. At magkakaroon ka ng paghihirap sa loob ng sampung araw. Maging tapat kayo kahit hanggang kamatayan at bibigyan ko kayo ng gantimpalang putong ng buhay.
11 Siya na may pandinig ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesiya. Ang magtatagumpay ay hindi kailanman makakaranas ng ikalawang kamatayan.
Sa paglilingkod natin sa Panginoon ay maraming challenges sa buhay.May mga pagsubok tayo nararanasan na hindi natin maunawaan sa buhay kung bakit tayo dumaranas ng ganito, MAPALAD KA kapatid sa gitna ng mga pagsubok ay patuloy kaparin nagpapatuloy sa Panginoon,kahit maraming mga taong naguusig sa iyo kung bakit ka naglilingkod sa Panginoon dahil alam mo iyong kalooban ng PANGINOON. Kaya kapatid di sayang yung ibinigay mong buhay kay Cristo sapagkat dahil sa pagmamahal mo sa Panginoon may reward kang matatangap kundi yung buhay na walanghanggan at korona ng buhay.
kaya kapatid huwag kang sumuko dahil may purpose si LORD kung bakit dumadaan ka sa mga trials ng buhay.
MAGING MATAPANG KA SA PANANAMPALATAYA KAY CRISTO
Tandaan mo ang bilin ko: Magpakatatag ka at lakasan mo ang iyong loob. Huwag kang matatakot o mawawalan ng pag-asa sapagkat akong si Yahweh, na iyong Diyos, ay kasama mo saan ka man magpunta.”
Josue 1:9 RTPV05 - Bible.com