30/12/2025
Mas lumalawak ngayon ang pagtutulungan ng mga local communities, ng mga leaders ng indigenous tribes, ng mga local officials at ng isang pribadong kumpanya sa pagpapaaral ng mga kabataang mula sa mga mahirap na pamilya sa Mindanao.
Ito ay kinumpirma nitong Miyerkules, December 31, ng mga municipal officials at mga barangay leaders sa Tampakan sa South Cotabato, sa Columbio sa Sultan Kudarat, sa Malungon sa Sarangani at sa Kiblawan sa Davao del Sur na tumutulong sa mga community projects ng Sagittarius Mines Incorporated, mas kilala bilang SMI, sa kanilang mga lugar at sa ilan pang mga bayan sa mga magkalapit na mga probinsya ng Sultan Kudarat, South Cotabato, Sarangani at Davao del Sur.
Sa pahayag nitong Miyerkules ng mga local executives at Blaan tribal leaders sa South Cotabato, isa sa apat na probinsya sa Region 12, dumalo sa “PANAGTAPOK 2025” sa Liberty Core Farm ng SMI sa Tampakan nitong December 13, 2025 ang maraming mga nagtapos na ng high school at college sa tulong ng kumpanya at mga estudyanteng mga scholars nito at, doon, ay nagkasundo silang magtulungan sa pagpapalaganap ng peace and economic development sa kani-kanilang mga lugar kaugnay ng community service projects ng naturang mining company.
Sa pinakabagong tala ng mga local executives at mga leaders ng mga indigenous communities sa mga probinsya ng Sultan Kudarat, South Cotabato, Sarangani at Kiblawan, nito lang nakalipas na pitong taon ay abot na ng 981 ang nakatapos ng kolehiyo bilang mga benepisyaryo ng SMI scholarship program na kaugnay ng corporate community service initiatives nito, maliban pa sa ilang libong nagtapos na ng high school at ang kasalukuyang mahigit 30,000 na mga elementary, high school at college scholars nito.
Ang dating vice mayor ng Columbio, si Bai Naila Mamalinta na isang well-acknowledged adopted leader ng mga Blaan, ang barangay chairman ng Datalblao sa naturang Bayan, si Datu Zahir Mamalinta, mga municipal at barangay officials sa Tampakan at ang vice mayor ng Malungon, si Maria Theresa Constantino, ang ilan sa maraming mga leaders sa Central Mindanao na madalas na hantarang nagpapasalamat sa scholarship program ng SMI at iba pang mga humanitarian interventions nito na naglalayong mapabuti ang kalagayan ng mga residente sa mga liblib na lugar.
Isang benepisyaryo ng SMI scholarship program na dumalo sa PANAGTAPOK 2025 sa Liberty Core Farm sa Tampakan, si Pinky Simbag, ang nagpahayag na bilang positibong ganti sa naitulong sa kanila ng kumpanya, tutulong silang ipaunawa sa mga local communities kung ano ang mga benepisyo at ang socio-economic development na maidudulot ng responsible mining sa kanilang mga bayan at probinsya sa pangkalahatan.
Tampok sa PANAGTAPOK 2025 ang nagkakaisang pahayag ng mga kasalukuyang scholars at mga nagtapos na ng pag-aaral bilang mga SMI scholars ang kanilang pagtiyak na sila ay tutulong sa mga magkatuwang na community outreach missions ng SMI at ng mga community leaders at local government officials sa mga bayan na may mga community-empowerment programs ang kumpanya. (December 31, 2025, Koronadal City, South Cotabato)