
09/09/2025
MISA KANTADA PARA SA KAPISTAHAN NG PAGSILANG NG MAHAL NA BIRHENG MARIA
Noong ika-8 ng Setyembre, ipinagdiwang sa Aglipay Central Theological Seminary ang Misa Kantada para sa kaarawan ng Mahal na Birhen Maria—tanda ng pagsisimula ng dakilang plano ng kaligtasan ng Diyos. Pinangunahan ito ni Rev. Fr. Alexis Del Rosario, at dinaluhan ng mga seminarista, faculty, at kongregasyon.
Sa homiliya ni Sr. Maria Isabel Mendoza, binigyang-diin ang kahalagahan ng buhay ni Maria bilang lingkod ng Diyos, huwaran ng kababaihan, at daluyan ni Kristo. Ipinaliwanag din ang panalangin na “Aba Ginoong Maria” bilang simbolo ng mataas na paggalang sa kanya.
Bago nagtapos ang Misa, isinagawa ang pagbabasbas sa Imahen ng Birhen at panunumpa ng Cofradia de Balintawak bilang paggunita sa ika-10 taon ng samahan.
Nawa’y magsilbing inspirasyon ang kanyang halimbawa sa ating pang-araw-araw na pamumuhay.
“Ang Mahal na Birheng Maria ay pinili ng Diyos upang maging Ina ni Jesucristo. Yamang si Jesucristo ay tunay na Diyos at si Maria ang Ina ni Jesucristo, siya ang Ina ng Diyos sa Kanyang pagiging tao. Siya na pinarangalan ng Diyos ay dapat ding pinararangalan higit sa lahat.” (IFI Declaration of Faith & Articles of Religion #14)
Viva La Virgen!