15/03/2025
REMULLA, IBINUNYAG ANG MGA NAGPLANO SA PAGSUKO AT PAGHATID KAY FPRRD SA DAYUHANG HUKUMAN
Isiniwalat ni Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla na ang pagpapaaresto, pagsuko at paghatid kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC) ay planadong operasyon ng isang core group na kinabibilangan nina Marcos Jr., National Security Adviser Eduardo AΓ±o, Defense Secretary Gilbert Teodoro, at siya mismo.
Sa isang panayam sa Bilyonaryo News Channelβs On Point, tinanong ni Pinky Webb si Remulla kung sino ang mga unang nakaalam ng plano.
βYou cannot plan an operation like this and involve too many people,β ani Remulla.
(βHindi mo maaaring planuhin ang ganitong operasyon at isama ang napakaraming tao.β)
Ibinunyag din ni Remulla na si AΓ±o, dating kasapi ng gabinete ni FPRRD, ay may malaking papel sa operasyon.
βI think he still shares some affection for the former President. They had a very good working relationship, but he is a professional, he is a soldier, and he is a gentleman, so he served his role, and the information that he gathered and shared were very reliable,β pahayag niya.
(βSa tingin ko, may natitira pa siyang pagmamalasakit kay dating Pangulong Duterte. Maganda ang kanilang naging samahan noon, ngunit siya ay isang propesyonal, isang sundalo, at isang ginoo, kaya ginawa niya ang kanyang tungkulin, at ang impormasyong kanyang nakalap at ibinahagi ay talagang maaasahan.β)
Dagdag pa ni Remulla, si AΓ±o ang nagbigay ng impormasyong may mga diskusyong manatili na lang ang dating Pangulo sa Hong Kong o China.
βSuch as, the conversations on whether or not they would go home. I think the lawyers were prevailing for him to stay in Hong Kong or in China, and the children prevailed for him to go home,β aniya.
(βHalimbawa, ang mga usapan kung uuwi pa sila o hindi. Sa tingin ko, ang mga abogado niya ay pumapabor na manatili siya sa Hong Kong o China, ngunit nanaig ang kagustuhan ng kanyang mga anak na umuwi siya.β)
Matapos an