Ang Imbakan Online Publishing Filipino - VNHS

Ang Imbakan Online Publishing Filipino - VNHS Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Ang Imbakan Online Publishing Filipino - VNHS, Media/News Company, Valencia.

03/01/2025

๐—Ÿ๐—˜๐—š๐—”๐—ฆ๐—œ๐—ฌ๐—”๐—ก๐—š ๐—œ๐—œ๐—ช๐—”๐—ก, ๐—จ๐—ž๐—œ๐—ง ๐—ฆ๐—” ๐—”๐— ๐—œ๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—จ๐—ฆ๐—ข ๐— ๐—”๐—š๐—ฃ๐—”๐—ž๐—”๐—œ๐—Ÿ๐—”๐—ก๐— ๐—”๐—ก

Ang lahat ng kumakatawan at bumubuo sa Ang Imbakan, kasama ang buong pamayanan ng Valencia National High School, ay lubos na nagpapasalamat at nagbibigay-pugay sa ating mahal na punong-g**o, si Dr. Ramilito Paloma. Sa loob ng kanyang panahon ng paglilingkod, nakita natin ang kanyang dedikasyon at pagpupunyagi sa pagsulong ng kaunlaran sa ating paaralan. Sa kanyang pamamalakad, naisakatuparan ang mga proyektong nagpatibay sa ating pundasyon bilang isang institusyong nagpapahalaga sa kahusayan, kaalaman, at kabutihan sa kapwa at lipunan

Pinatunayan at binigyang buhay din niya ang tunay na adhika at mga katagang kumakatawan sa misyon ng ating paaralan na naka ukit na sa ating puso't isipan; Ang mga katagang "๐–๐„ ๐…๐ˆ๐†๐‡๐“ ๐…๐Ž๐‘ ๐๐‹๐”๐„ ๐€๐๐ƒ ๐–๐‡๐ˆ๐“๐„"na naging paalala na din sa atin na ang tunay na tagumpay ay nasasalamin at makakamtan natin sa pamamagitan ng pagtahak sa landas ng buhay na magkakasama at pinagbuklod ng pag-asa at pagmamahal sa isa't isa.

Bunga rin ng kanyang masigasig na pangunguna ang masaksihan natin ang patuloy na pag-usbong ng mga mag-aaral at g**o ng ating paaralan, hindi lamang sa aspetong pang-akademiko kundi pati na rin sa ating personal na pag-unlad bilang isang mamamayan ng ating bayan at lipunan. Ang kanyang mga inisyatibo ay naging inspirasyon upang higit pang pagbutihin ang sistema ng edukasyon at itaguyod ang sama-samang tagumpay. Sa bawat proyektong kanyang naipatupad, tumatak ang kanyang pangalan bilang isang lider na laging inuuna ang kapakanan ng bawat isa sa ating paaralan at komunidad

Bagamat siya ay lilisan na, ang kanyang pamanang iniwan ay mananatili sa ating mga puso bilang patunay ng kanyang walang hanggang pagmamahal sa ating paaralan. Sa ngalan ng Ang Imbakan at buong Valencia National High School, kami ay taus-pusong nagpapasalamat sa inyong serbisyo at malasakit. Nawaโ€™y magpatuloy ang inyong misyon sa bagong kabanata ng inyong karera

Mabuhay at maraming salamat Dr. Ramilito Paloma!

๐™๐™–๐™œ๐™–๐™จ๐™ช๐™ก๐™–๐™ฉ: Peter Alisaca
๐™๐™–๐™œ๐™–๐™™๐™ž๐™จ๐™š๐™ฃ๐™ฎ๐™ค: James Orag

03/01/2025

๐—ฃ๐—”๐—ฆ๐—”๐—ฆ๐—”๐—Ÿ๐—”๐— ๐—”๐—ง ๐—ฃ๐—”๐—ฅ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐——๐—˜๐——๐—œ๐—ž๐—”๐—ฆ๐—ฌ๐—ข๐—ก ๐—”๐—ง ๐— ๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ฆ๐—”๐—ž๐—œ๐—ง ๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—จ๐—ก๐—ข๐—ก๐—š-๐—š๐—จ๐—ฅ๐—ข

Punong-g**o ng Valencia National High School (VNHS), si Dr. Ramilito Paloma ay isang huwarang lider na nagbigay ng makabuluhang kontribusyon sa paaralan at komunidad. Sa ilalim ng kanyang pamumuno, naging simbolo ng dedikasyon at malasakit ang paaralan para sa mga mag-aaral, g**o, at buong komunidad. Hindi lamang nagpatibay ng kalidad ng edukasyon ang kanyang mga sikap kundi nagbigay din ng inspirasyon sa lahat ng kaugnay.

Isang pangunahing hakbang na ginawa ni Dr. Paloma ay ang pagtatag ng Water Stations, Mini-Museum, NDEP-BKD office, HD Hall at iba pa upang mapabuti ang paaralan. Sa pamamagitan ng mga nagawa, nakatulong ito sa mga mag-aaral sa pamamagitan ng pag-unlad at bigyang-pansin ang mga pangangailangan ng mga estudyante. Bilang resulta, naging mas madali ang pagkuha ng tubig sa water station at makilala ang mga tagumpay ng paralan sa pamamagitan ng museo, na nagbigay-daan para sa mas maayos na kalidad na paaralan.

Samantala, ang pakikipagtulungan ni Dr. Paloma sa iba't ibang organisasyon ay naging susi upang makapagbigay ng mga kinakailangang kagamitan para sa blended learning. Sa ilalim ng kanyang pamumuno, ang VNHS ay nakatanggap ng mga laptop at iba pang teknolohiya na nagbigay-daan para sa mas epektibong pagkatuto. Sa ganitong paraan, napatunayan na ang teknolohiya ay mahalaga sa modernong edukasyon.

Bilang karagdagan, ang kanyang pahayag โ€œLinis Muna Bago Alisโ€ ay isa pang inisyatiba na nagtataguyod ng malinis na kapaligiran at disiplina. Sa pamamagitan nito, hinihimok ang mga estudyante na maging responsable hindi lamang sa kanilang sarili kundi pati na rin sa kanilang paligid. Dahil dito, nagbigay-diin ang pahayag na ito sa kahalagahan ng kalinisan bilang bahagi ng magandang asal.

Hindi lamang mga estudyante ang pinagtutuunan ni Dr. Paloma. Mayroong patuloy na pagsasanay at suporta para sa mga g**o upang mapabuti ang kanilang kakayahan at kaalaman. Sa kanyang inisyatiba, maraming g**o ang nabigyan ng pagkakataon na mapabuti ang kanilang propesyonal na pag-unlad. Bilang resulta, nagkaroon ng mas mataas na kalidad ng pagtuturo at mas magandang karanasan para sa mga mag-aaral.

Higit pa rito, ang pag-organisa ni Dr. Paloma ng iba't ibang extracurricular activities ay naglalayong matulungan ang mga estudyante na tuklasin ang kanilang potensyal. Mula sa sports, journalism, hanggang arts at leadership training, layunin nitong matutukan na ang edukasyon ay hindi lamang nakatuon sa akademikong kaalaman kundi pati na rin sa personal na pag-unlad.

Dahil dito, ang dedikasyon ni Dr. Paloma bilang punong-g**o ay nagbibigay inspirasyon hindi lamang sa mga estudyante kundi pati na rin sa kanyang mga kasamahan at buong komunidad. Ang kanyang estilo ng pamumuno ay puno ng malasakit, inobasyon, at pangarap para sa mas magandang kinabukasan. Samakatuwid, nagsisilbing modelo siya para sa iba pang g**o at lider.

Sa huli, ang pagtatatag ni Dr. Paloma ng isang institusyong kilala hindi lamang dahil sa kalidad ng edukasyon kundi dahil din sa pagmamahal at malasakit para sa bawat isa ay isang mahalagang layunin. Ang kanyang walo na taong pamumuno ay nag-iiwan ng positibong pamana para sa susunod na henerasyon, kung saan bawat estudyante ay may pagkakataon upang umunlad.

Sa kabuuan, ang pagpapahalaga ni Dr. Ramilito Paloma sa kalidad ng edukasyon bilang pangunahing layunin ay nagbibigay-diin kung gaano siya kahalaga bilang punong-g**o. Lahat ng inisyatiba at programa ay nakatuon upang mapabuti ang karanasan at tagumpay ng bawat mag-aaral. Sa kanyang pamumuno, tiyak na patuloy na magiging inspirasyon si Dr. Ramilito Paloma para sa Valencia National High School at buong komunidad nito. Ang kanyang dedikasyon at malasakit ay tunay na dapat ipagpasalamat habang ipinagdiriwang natin ang kanyang walo na taong bilang punong-g**o.

๐™๐™–๐™œ๐™–๐™™๐™ž๐™จ๐™š๐™ฃ๐™ฎ๐™ค: James Orag
๐™๐™–๐™œ๐™–๐™จ๐™ช๐™ก๐™–๐™ฉ: Kimberly Cajetas

25/09/2024

Address

Valencia
8709

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ang Imbakan Online Publishing Filipino - VNHS posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share