30/08/2026
MURANG PABAHAY. PERO BAKIT ANG TAGAL MAGKABAHAY?
Mga Gaw, sa tatlong ECMP communities sa Barangay Pinagbuhatan, Pasig, 434 pamilya ang naghuhulog ng ₱400–₱600 lang kada buwan para sa lupang kanilang tinitirhan, hanggang 25 taon.
Posible pala ang murang pabahay. Kaya bakit hirap pa ring magkabahay ang ordinaryong Pilipino?
Iyan ang dinala nating tanong sa budget hearings, mula mismo sa inyong mga kuwento:
APRUBADO NA. PERO HINDI PA NARARAMDAMAN.
Sa unang taon ng ECMP: 47 projects aprubado para sa 8,100+ pamilya. Pero 25 pa lamang ang nakatanggap ng tseke, 22 ang naghihintay pa rin. Dagdag pa ang mahabang permits kaya umaatras ang developers. Tanong natin kay DHSUD Secretary Jose Ramon Aliling: paano mapapabilis? Sagot nila: sini-streamline at dini-digitize na ang sistema.
MAY BAHAY NGA. PERO LIGTAS BA ANG LUPA?
Matapos ang Magnitude 7.8 na lindol noong June 8, 38% ng mga barangay sa GenSan ang may banta ng liquefaction. Tanong natin kay DENR Acting Secretary Juan Miguel Cuna: ma-isasama ba ang hazard data sa planning ng LGUs at DPWH, hindi lang sa GenSan, kundi sa buong Pilipinas, bago magtayo? Nangako ang DENR na pwede nilang gagawin, at tutulong sila.
TAPOS NA ANG BAHAY. PERO ANIM NA BUWAN ANG BAYAD?
Reklamo ng mga developer sa GenSan: dati, sa Pag-IBIG GenSan ang bayad. Ngayon, sa Davao na, at umaabot umano ng 6 na buwan o higit. Ang apektado: karpintero, construction worker, hardware, supplier. Lahat naghihintay. Kapag late ang developer, may penalty. Kapag gobyerno ang mabagal magbayad, wala. Sagot ng DHSUD: online at digital processing na ang tugon.
At ang pinakamalaking numero: humiling ang DHSUD at attached agencies ng ₱60 BILYON para sa 2027. Ang nakalagay sa proposed budget? ₱5.5 BILYON. Kaya sinuportahan natin ang panawagang dagdagan ito kasi kailangang magtugma ang budget, sistema, at implementation.
Pero malinaw tayo, mga Gaw, babantayan natin ang kanilang pangako.
Salamat kay Secretary Aliling at Acting Secretary Cuna sa pagharap sa mga tanong ng taumbayan.
Ito ang H sa ating HELP framework — Home and Housing, Education, Livelihood, Protection. Dahil ang tahanan ay hindi lang bahay.
Mula sa inyong mga kuwento, tungo sa batas.