30/06/2025
Panalangin sa mga Banal na Sambayanan ng Diyos sa Roma Banal na Unang mga Martir ng Roma, tiisin ninyo ang maraming pagdurusa at p**t dahil sa inyong pagmamahal kay Kristo. Mangyaring ipanalangin kami, na magkaroon kami ng lakas ng loob na sundan ang inyong halimbawa at mabilang sa inyong bilang sa Langit.
Amen ๐๐๐
June 30,2025
Lunes)
(ALELUYA
Salmo 94, 8ab
Aleluya! Aleluya!
Dinggin ninyong lahat ngayon
ang tinig ng Panginoon sa loob na mahinahon.
Aleluya! Aleluya!
MABUTING BALITA
Mateo 8, 18-22
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo
Noong panahong iyon, nang makita ni Hesus ang makapal na tao sa kanyang paligid, iniutos niya sa mga kasama na maghandang tumawid sa ibayo. Nilapitan siya ng isang eskriba at sinabi sa kanya, โGuro, susunod po ako sa inyo saan man kayo pumaroon?โ Sumagot si Hesus: โMay mga lungga ang mga asong-gubat, at may mga pugad ang mga ibon, ngunit ang Anak ng Taoโy wala man lamang matulugan o mapagpahingahan.โ Isa naman sa mga alagad ang nagsabi sa kanya, โPanginoon, maaari po bang umuwi muna ako upang ipalibing ang aking ama?โ Ngunit sinabi sa kanya ni Hesus, โSumunod ka sa akin, at ipaubaya mo na sa mga patay ang paglilibing ng kanilang mga patay.โ
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.