24/05/2025
story time (ng ngayon lang nabuhay, literal.)
last 2 weeks i was unable to reach, bakit? kasi i've been to my most hated place, (kung saan yun, ayokong sabihin π
π€£)
simut-sarap ang budget ko ron literal at isang government kineme lang ang nai-apply.
may mga anak na ako at never ko pang naranaras yung tinatawag nilang "gushing of water" o yung "naagasan ng panubigan" isang tableta lang, parang may falls sa loob ng katawan ko na nagpupumilit kumawala.
nagsimula to sa lagnat ilang araw na whole day hanggang sa naging hapon na lang at gabi. every night nag-cchill ako kahit ang init ng panahon then inubo na ako non-stop for 2 weeks (until now inuubo pa ako)
akala nila TB, kasi sabi ko medyo red yung mucus na niluwa ko paggising ko pero yung second hindi naman na, baka kako masyadong gasgas na yung lalamunan ko kaya ganon, so they testid me for TB DOTS kineme ba yun, basta yung para dun na procedure.
i tested negative naman kaya okay na. so, ginawa na akong lab rat (charrr π€£) siyempre hinanap kung ano yung cause ng pagkakasakit ko, yung lagnat every night at yung source ng ubo ko.
then na wiwi na ako, shookt ang lahat kasi red, dugo na pala. 2 lang daw either may tama kidney ko o may hindi pa sila nakikitang something para ma-explain yung lab test ko.
so, ayun, upon x-ray yung lungs ko ang cute, and yes, tama kayo ng iniisip. yung baga ko lumalangoy sa tubig.
shout out sa mga medtech na halos sinuyod buong pagkatao ko mahanap lang kung anong sakit ko. sa totoo lang medtech talaga ang humahanap ng sakit at doktor lang ang magbibigay ng lunas sayo.
so ayun na, dahil nasa loob ako ng most hated place ko eh naka-catheter tayo bes, hype! sakit eh. isang tablet lang ang pinainom non-stop na wiwi, puno agad, kaya every after wiwi ko palit ng catheter. ilang bag para sa isang tableta, na hanggang ngayon di pa rin na drain.
cont. sa comsec