Just4U

Just4U more self love, You only live once, but if you do it right, once is enough." — Mae West.

16/02/2026
16/02/2026
16/02/2026

💡Kapag madalas kang kumain ng refined carbs at matatamis, mabilis tumaas ang blood sugar. Puting kanin, tinapay, matatamis na inumin. Mabilis ang pasok ng glucose sa dugo.

Kapag tumaas ang blood sugar, maglalabas ang pancreas ng insulin. Trabaho ng insulin na ipasok ang glucose sa cells para magamit bilang energy.

Kung minsan lang, kaya ito ng katawan.
Kung araw araw at madalas, napapagod ang sistema.

Paulit ulit na mataas ang insulin.
Unti unting nagiging manhid ang cells sa insulin.
Ito ang insulin resistance.

👉Kapag may insulin resistance.

• Mas hirap pumasok ang glucose sa cells.
• Mas tumataas ang blood sugar.
• Mas lalo pang tumataas ang insulin.

Isang paikot na problema.

🔹Dito nagsisimula ang metabolic diseases.

• Type 2 diabetes. Dahil hindi na makontrol ang sugar.
• Obesity. Dahil mataas ang insulin na nag iipon ng taba.
• Fatty liver. Dahil sobra ang glucose na ginagawang taba sa atay.
• High blood pressure. Dahil sa epekto ng insulin sa kidneys at blood vessels.
• Heart disease. Dahil sa inflammation, abnormal fats, at vessel damage sa paglipas ng panahon.

⚠️Mahalagang linawin ito.

Hindi lahat ng carbs ay masama.
Hindi ito tungkol sa zero carbs para sa lahat.

❌Ang problema ay.

• Sobra.
• Madalas.
• Refined at liquid sugar.
• Walang sapat na protina, fiber, at healthy fats kasabay.

Kaya mahalaga ang pagkain ng tama.

• Protina para sa satiety at muscle health.
• Gulay at fiber para bumagal ang sugar absorption.
• Healthy fats para sa stable energy at hormones.

Ang goal ay hindi lang pababain ang blood sugar.
Ang goal ay pababain ang insulin load ng katawan.

Doon nagsisimula ang tunay na metabolic healing.

Educational only. Not medical advice.

&Wellness

16/02/2026
16/02/2026

Address

5225 Demetillo Street Gen T De Leon Valenzuela City
Valenzuela
1442

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm
Saturday 9am - 5pm
Sunday 9am - 5pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Just4U posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share