
21/09/2025
Nasa bulsa niyo ang dugo at pawis ng manggagawa, nasa hapag niyo ang gutom ng mga batang walang makain.
Nasa palasyo niyo ang iyak ng maralita, nasa yaman niyo ang kinabukasan ng sambayanang ninanakawan.
At sa bawat pisong inuubos ninyo sa kaban ng bayan, mas tumitindi ang sigaw ng taumbayan: MANAGOT KAYO, mga salot ng lipunan!
Salamat sa lahat ng patuloy na bumabangon at nagsasalita para sa katotohanan. Ang pakikiisa mo ay lakas ng lahat — lakas na magpapatuloy hanggang sa hustisya at tunay na pagbabago.
Hindi tayo titigil. Hindi tayo mananahimik. PANAGUTIN ANG MGA TIWALI! ✊🇵🇭
📸 CTTO