17/09/2026
SHOUTOUT SA BABAENG NAKASAKAYAN KO SA TRICYCLE KANINA, NASIRA ARAW KO DAHIL SA’YO!!!!!
Pano, may dala siyang balde, ang baho ng amoy. Tinanong ko pa siya kung ano laman, sagot ba naman sa’kin, “Bakit, bibili ka ba?” Edi hindi ko na lang siya pinansin kasi nai-inis ako. Pasalamat pa siya, mabait ako.
Maya-maya, nagtanong din si Kuya Driver, sabi niya, “Ate, ano po ba laman ng balde?” Sagot lang ulit ng babae, “Bakit, bibili ka ba?”
Kaya ayun, nagalit yung driver sa sobrang inis siguro niya, kaya pinatakbo niya nang mabilis yung tricycle. Jusko po, kinabahan ako nang sobra dun! Tapos biglang preno! Ayun na, tumba yung balde at napapikit na lang ako nung nakita ko yung laman. 🤮