15/05/2026
2 Months as a WFH Mom!! 😍💻
I resigned last December 2025 kahit wala pa akong nahahanap na bagong work. Honestly, it was a risk. Iniisip ko noon na baka within my 2-month turnover period, makahanap agad ako ng panibagong opportunity.
As a mom, ipinagdasal ko talaga ang WFH setup 🙏🏼
Gusto kong masubaybayan ang every milestone at achievement ng mga babies ko habang lumalaki sila.
And finally… after 15 years of working onsite, here I am officially working from home. 💛
God truly answers prayers.
Akala natin minsan imposible, pero Siya talaga ang gagawa ng paraan para luminaw ang mga bagay na parang malabo sa paningin natin.
Sa mga mommies out there na naghahanap din ng WFH setup habang may maliliit pang anak—don’t stop applying. Araw-arawin nyo lang 🙏🏼
Kahit makita nyong 100+ applicants na yung position, pasa pa rin. Kung para sa’yo, para sa’yo talaga. 💛
Always remember:
“The more, the merrier & the more chances of winning.” 😁
The more resumes you send, the more chances na may mag-invite sa’yo for interviews.
Inabot din ako ng 2 months bago makahanap ng work. Hindi naging madali, pero tyaga, tiwala, at dasal lang talaga. 💻🤍
To all moms chasing a better setup for their family—you can do it too ✨