26/07/2026
Madalas kong marinig noon: “Kapag naging nanay ka, 'yung isusubo mo na lang, ibibigay mo pa sa anak mo.”
Akala ko noon, literal lang na tungkol sa pagkain.
Pero nang maging nanay na rin ako… doon ko naunawaan ang tunay at mas malalim na kahulugan nito.
Na hindi lang pala pagkain ang ibinibigay mo.
Pati pala yung sarili mong kagustuhan, mga sariling plano, oras ng pahinga, pagod ng pangangatawan, at maging ang mga pangarap mo. Buong-puso mong papalitan, babaguhin, o kusang isusuko... para sa kanila.
Walang sumbat. Walang panghihinayang.
Ganito pala ang magmahal nang walang tira.
Ganito pala maging nanay. ❤️