Edward Vlogsss

Edward Vlogsss Creating authentic, original content that inspires real people with real stories. đź’™
(18)

Rerepasuhin ng NBI ang affidavit ni Vice President Sara Duterte, ayon kay NBI Director Melvin Matibag.Sinabi ni Matibag ...
08/10/2026

Rerepasuhin ng NBI ang affidavit ni Vice President Sara Duterte, ayon kay NBI Director Melvin Matibag.

Sinabi ni Matibag na isasailalim din sa authentication at verification ang mga kalakip na larawan at video upang matukoy ang kanilang authenticity at masuri ang mga impormasyong kaugnay ng mga ito.

Patuloy ang pagsusuri ng NBI sa mga isinumiteng dokumento at ebidensya kaugnay ng mga alegasyon ni Rodulfo Gracioso.




08/10/2026

Jeffrey Tupas, inalok umano ng NBI ng pera at tirahan sa Forbes Park kapalit ng pagtestigo laban kay VP Sara Duterte.




“HINDI AKO AATRAS” — PBBMSa kabila ng mga pagsubok at batikos, iginiit ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na h...
08/10/2026

“HINDI AKO AATRAS” — PBBM

Sa kabila ng mga pagsubok at batikos, iginiit ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na hindi siya duwag at hindi siya basta-basta uurong sa anumang hamon.

Aniya, bawat pagsubok na kanyang pinagdaanan ay lalo lamang nagpatibay sa kanyang paninindigan.

“Hamunin ninyo ako sa anumang paraan — haharapin ko ito. Hindi ako aatras,” pahayag ng Pangulo.

Binigyang-diin din niya na mananatili siyang nakatayo at patuloy na haharap sa mga hamon para sa Pilipinas at sa bawat Pilipino.

Ang pahayag ay bahagi ng kanyang panayam sa “Unshaken with Gary V.” noong Oktubre 5, 2026.





08/10/2026

Unexplained wealth ni Attorney Mans Carpio sa Security Bank,nadiskubre ng Attorney ng prosecution.


Nilinaw ni DILG Secretary Jonvic Remulla na hindi ang mga viral na maliit na fire truck o fire trike na kumakalat online...
07/10/2026

Nilinaw ni DILG Secretary Jonvic Remulla na hindi ang mga viral na maliit na fire truck o fire trike na kumakalat online ang binili ng DILG para sa Bureau of Fire Protection.

Ayon kay Remulla, Nueva Ecija LGU ang bumili ng mga naturang fire trike. Samantala, ang fire trucks na plano ng DILG at BFP ay manggagaling sa South Korea sa pamamagitan ng government-to-government agreement.

Sinabi rin ng kalihim na ang planong fire trucks ay may kapasidad na 750 gallons at nagkakahalaga ng ₱10 milyon bawat unit—mas mababa kumpara sa dating presyo na umaabot sa ₱16 milyon.

Sa madaling salita, magkaibang procurement ang viral na fire trikes at ang fire trucks na planong kunin ng DILG mula South Korea.



07/10/2026

Sino ba ang ayaw ng vice mayor na hindi natatakot magsalita at manindigan sa mga isyung may kinalaman sa korapsyon? Si Atty. Horald Respicio, patuloy na nagbibigay-pansin sa mga usaping mahalaga sa kanyang nasasakupan.





07/10/2026

Iginiit ng Taguig LGU na hindi pag-aari o hawak ng lungsod ang lupang ipinakita sa video, at itinuring na misleading ang ilang pahayag.




06/10/2026

Service ng mga pulis pangronda E-trike?

“WALA MAN LANG NAGBUNGA SA INYONG PAG-IIMBESTIGA?”Giit ni Senator-judge Raffy Tulfo sa pagdinig ng impeachment trial, ki...
06/10/2026

“WALA MAN LANG NAGBUNGA SA INYONG PAG-IIMBESTIGA?”

Giit ni Senator-judge Raffy Tulfo sa pagdinig ng impeachment trial, kinuwestiyon niya ang AMLC Executive Director na si Ronel Buenaventura kung may naging konkretong aksyon ba ang AMLC matapos ma-flag ang ilang kahina-hinalang transaksyon na may kaugnayan sa mga account na iniuugnay kay Vice President Sara Duterte at sa kanyang asawang si Manases Carpio.

Tinanong ni Tulfo kung nagbunga ba ng resulta ang mga isinagawang hakbang ng AMLC, o kung nagkaroon ng pag-aatubili dahil mga makapangyarihang personalidad ang sangkot.

Ayon kay Tulfo:

“Wala man lang nagbunga sa inyong pag-iimbestiga o dahil natakot kayo sapagkat nasa puwesto ’yung mga tao?”

Iginiit din ng senador na tila ibang-iba ang naging pagtrato kumpara sa mga ordinaryong depositor na may suspicious transactions.

Samantala, sinabi ni Buenaventura na hindi niya maaaring ibunyag ang mga partikular na aksyong isinagawa ng AMLC dahil saklaw ito ng confidentiality rules.

Dagdag pa niya, hindi rin ipinapaalam sa mga taong sakop ng suspicious transaction reports na na-flag ang kanilang mga transaksyon, dahil ipinagbabawal ng batas ang tinatawag na “tipping off” o pagbibigay-alam sa subject tungkol sa naturang report o sa mga aksyong kaugnay nito.



Uminit ang usapin sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte matapos talakayin ng House prosecutor na si Terry ...
06/10/2026

Uminit ang usapin sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte matapos talakayin ng House prosecutor na si Terry Ridon ang tinatayang ₱4.4 bilyong covered at suspicious transactions na iniugnay sa mga account na sinusuri sa kaso.

Iginiit ni Ridon na mahalagang mabusisi ang mga transaksiyong ito upang malaman kung saan nagmula at saan napunta ang malaking halaga ng pera.

Sa gitna ng pagtatanong sa AMLC witness, sinabi rin ni Ridon: “How can they have that much money?”

Patuloy namang kinukuwestiyon ng kampo ni VP Sara ang interpretasyon sa mga transaksiyon at sinabing ang pagiging covered o suspicious ng isang transaksyon ay hindi awtomatikong nangangahulugang ilegal ang pinagmulan ng pera.




Address

Valenzuela

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Edward Vlogsss posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Edward Vlogsss:

Shortcuts

Share