21/07/2025
Finals na sa Friday
Naalala ko nung una kong ginawa ang 500 pesos noche buena challange ang tanging aim ko is ang magbigay idea sa mga kababayan natin budgeted ang kanilang kapaskuhan. Sa kaunting halaga ay makapag celebrate sila ng merong maayos, masustansya at mura na handa sa hapag kainan. Little did I know na ito pala ang magiging daan upang mapansin ako ng DSWD. At dahil dito nagkaroon ako ng oportunidad na maikot ang ilan sa mga lugar ng ating bansa. Isang oportunidad na hinding hindi ko makakalimutan.
Dahil dito nagkaroon ako ng new found love sa mga kapwa natin nangangailangan. Nagkaroon din ako ng urge na gamitin ang aking kaunting kaalaman upang magbigay ng kaunti tulong in my own way sa pang araw araw na kabuhayan ng ating mga kababayan.
Natutuwa ako na meron proyekto ang ating pamahalaan na kagaya nitong Walang Gutom Kusinero Cook-Off Challenge, dahil dito nagkaroon ng pagkakataon na maipakita ang passion at interest ng mga kapwa natin sa pagluluto. Also with this competition naipakita ang iba’t ibang klase ng dishes na meron ang bawa’t lugar sa ating bansa.
Masaya ako na naging parte ako nitong programa, napaka rami kong magagandang alaala at maraming natutunan na I’ll definitely cherish for the rest of my life. Maaring papalapit na tayo sa ending, pero ang ating kagustuhan na magbahagi ng kaalaman natin sa ating mga kapwa Pilipino ay naguumpisa pa lamang.
To end, a wise man said. Ika nga ni Chef José Andrés “Feeding starving people is not, and should never be, political” sama sama tayo lahat dito, magkaisa! WGP 2027.