Beck Martinez

Beck Martinez Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Beck Martinez, Digital creator, Valenzuela.

Paalala sa lahat: Papalapit na ang Typhoon Uwan.I-secure ang bahay, alamin ang evacuation centers, at manatiling nakaant...
07/11/2025

Paalala sa lahat: Papalapit na ang Typhoon Uwan.
I-secure ang bahay, alamin ang evacuation centers, at manatiling nakaantabay sa opisyal na anunsyo. Mag charge ng mga cellphone, battery at radio.
Maraming Salamat po

We remember and pray for all the souls of our loved ones who have gone ahead of us. May their memory strengthen our hear...
01/11/2025

We remember and pray for all the souls of our loved ones who have gone ahead of us. May their memory strengthen our hearts and remind us to live with purpose, gratitude, and love.

We honor the saints whose lives inspire compassion, service, and faith. May their example guide us to choose kindness an...
31/10/2025

We honor the saints whose lives inspire compassion, service, and faith. May their example guide us to choose kindness and genuine care for one another. πŸ•―οΈ

18/10/2025
Ano nga ba ang mga dokumentong dapat ihanda para makakuha ng tulong mula sa Assistance to Individuals in Crisis Situatio...
06/10/2025

Ano nga ba ang mga dokumentong dapat ihanda para makakuha ng tulong mula sa Assistance to Individuals in Crisis Situation o AICS program ng DSWD?

Kung taga-Valenzuela ka, puwede kang mag-apply para sa AICS sa City Social Welfare & Development Office (CSWDO), Valenzuela β€” doon din nila pinoproseso ang mga medical, transportation, burial, at iba pang tulong na sakop ng AICS. οΏΌ

O kaya naman, gamitin ang CAMANAVA Satellite Office ng DSWD, na siyang tumatanggap rin ng aplikasyon para sa Valenzuela at kalapit na lugar.

Ano ang AICS?Ang AICS o Assistance to Individuals in Crisis Situation ay programa ng DSWD na nagbibigay ng tulong pinans...
05/10/2025

Ano ang AICS?

Ang AICS o Assistance to Individuals in Crisis Situation ay programa ng DSWD na nagbibigay ng tulong pinansyal o medikal sa mga taong dumadaan sa matinding pangangailanganβ€”gaya ng pagkakasakit, pagkamatay ng mahal sa buhay, aksidente, o iba pang krisis.

Layunin nitong makatulong agad sa mga nangangailangan habang inaayos pa ang kanilang kalagayan.

πŸ’‘ Sa madaling sabi, tulong ito mula sa gobyerno para sa mga Pilipinong may biglaang problema o krisis sa buhay.

Alam niyo ba? Ang mga buntis na miyembro ng SSS ay may karapatan sa maternity benefits.πŸ”΄ 105 days leave para sa normal o...
25/09/2025

Alam niyo ba? Ang mga buntis na miyembro ng SSS ay may karapatan sa maternity benefits.

πŸ”΄ 105 days leave para sa normal o caesarean delivery

πŸ”΄ May dagdag 15 days kung solo parent ka

πŸ”΄ Kailangan lamang nakapagbayad ng minimum contributions bago manganak

πŸ‘‰ Siguraduhin na updated ang inyong kontribusyon para ma-avail ang benepisyo.

LIBRENG ANTI-RABIES VACCINATION AT CONSULTATION PARA SA MGA ASO AT PUSA πŸΆπŸ±πŸ—“οΈ Setyembre 14, 2025 (Linggo)πŸ•˜ 9:00 AM – 12:0...
12/09/2025

LIBRENG ANTI-RABIES VACCINATION AT CONSULTATION PARA SA MGA ASO AT PUSA 🐢🐱

πŸ—“οΈ Setyembre 14, 2025 (Linggo)
πŸ•˜ 9:00 AM – 12:00 NN
πŸ“ San Miguel Heights Elementary School

πŸ‘‰ Paalala para sa mga alagang hayop:
πŸ”Ή Bawal ang buntis na aso o pusa
πŸ”Ή Bawal ang aso o pusa na wala pang 3 buwang gulang
πŸ”Ή Siguraduhing malinis at naliguan ang inyong alaga
πŸ”Ή Magdala ng sariling tali, kulungan, o leash
πŸ”Ή Dalhin ang updated Certificate of Vaccination kung mayroon

🀝 Sama-sama nating pangalagaan ang kalusugan ng ating mga alaga at pamilya!

Maligayang Kaarawan, Mahal na Birheng Maria! πŸŒΉπŸ’™Sa iyong kapanganakan, natutunan namin ang kahulugan ng pananampalataya, ...
08/09/2025

Maligayang Kaarawan, Mahal na Birheng Maria! πŸŒΉπŸ’™
Sa iyong kapanganakan, natutunan namin ang kahulugan ng pananampalataya, kababaang-loob, at walang hanggang pagmamahal.
Patuloy mo kaming ipanalangin at gabayan tungo sa kapayapaan at kabutihan.

Suicide Prevention Week | Setyembre 7–13 Sa gitna ng lahat ng hamon, tandaan: ang buhay ay mahalaga, at ang bawat isa ay...
08/09/2025

Suicide Prevention Week | Setyembre 7–13

Sa gitna ng lahat ng hamon, tandaan: ang buhay ay mahalaga, at ang bawat isa ay may kwento at saysay.
Ang pakikinig, pag-unawa, at simpleng pagkalinga ay maaaring maging daan upang mailigtas ang isang buhay.

Kung may pinagdadaanan ka, normal ang humingi ng tulong. At kung may kakilala kang nahihirapan, maging handa kang makinig at umalalay.

Sama-sama tayong bumuo ng lipunang may malasakit, kung saan walang iwanan at walang nag-iisa.

Congratulations! Mike Gian M. Acedera Cum laude πŸ‘πŸ»πŸ‘πŸ»πŸ‘πŸ»πŸ‘πŸ» proud na proud sayo ang iyong pamilya. Ang buong  Marulas ay sa...
26/05/2025

Congratulations! Mike Gian M. Acedera Cum laude πŸ‘πŸ»πŸ‘πŸ»πŸ‘πŸ»πŸ‘πŸ» proud na proud sayo ang iyong pamilya.
Ang buong Marulas ay saludo sa inyong kasipagan at dedikasyon.
Pagbati mula kay Kagawad Beck Martinez .

Address

Valenzuela

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Beck Martinez posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share