18/09/2023
‘NAKAKATAMPO.JPG’ 😭
Kumalap ng libu-libong laughing reactions ang litratong ibinahagi ng netizen na si Prince kung saan makikita ang declined na status sa kanyang credit card application.
“Bali I applied for a credit card. That dates back pa yata to April 2023. Months after, I never heard back so baka kako subject for evaluation pa rin or maybe declined. I don’t usually call for follow ups lalo na sa application ng credit cards since I have other cards naman. Actually, halos nakalimutan ko na rin talaga na I even applied for one,” kwento ni Prince sa PSND.
“Natawa ako kasi sabi ko nga, no need nang buksan ’yung e-mail kasi na-spoil na kaagad ’yung surprise! ’Di ba kapag mga ganyang application, or kahit saan tayo naga-apply, may dasal or parang ritwal munang ibinubulong bago natin i-open ’yung result? Like ‘Lord, sana approve!’, 'Sana accepted!' 'Ibalato mo na sa akin ’to, Lord!', etc. Nakakatawa lang kasi parang tinamad na ’yung gumawa ng workflow at literal na ‘Declined’ ’yung ginawang file name nung photo na inilakip nila sa e-mail. And for me, nawala rin ’yung feeling na disappointed ka sa evaluation kasi napalitan siya nang literal na halakhak talaga,” pagbabahagi pa niya.
Kanya-kanyang hirit naman ang mga netizens sa naturang litrato.
“Nakakatampo.jpg,” hirit ng isa.
“Long press ang atake,” komento pa ng isa. (Facebook/Prince Manuel, KasKasan Buddies)