Pinoy Horror Story

Pinoy Horror Story Pinoy horror story page

Mukha ng nangutang sayo kapag sinisingil mo na
20/08/2023

Mukha ng nangutang sayo kapag sinisingil mo na

09/08/2023

One dot (.) Hulaan ko kung nakakakita ka ng multo o maligno

Station 10566Maraming nagsasabi na may nagpapakita raw na multo dito sa call center na pinapasukan ko. Isang babae na na...
09/06/2023

Station 10566
Maraming nagsasabi na may nagpapakita raw na multo dito sa call center na pinapasukan ko. Isang babae na nakikitang nakaupo sa station 10566, na nasa pinakadulo ng call center floor. Tatlong station lang ang nasa dulong iyon at ang station 10566 ang nasa gitna.

Halos walang agent na nagca-calls sa station na iyon. Bagama't hindi lahat ay naniniwala na may nagpapakitang multo doon, malimit namang nagdadahilan ang mga gumagamit ng station na iyon na palagi raw itong nasisira o kaya naman ay sobrang lamig doon.

Kahit ang mga janitors ay natatakot sa station 10566. Kapag maglilinis sila doon ay palagi silang magkakasama. Walang naglilinis sa lugar na iyon ng nag-iisa.

Apat na taon na akong natatrabaho sa kompanya namin pero isang beses ko pa lang nasusubukang magcalls sa dulong bahaging iyon ng call center. At para sa akin, sapat na ang isang beses.

Ilang buwan pa lang ako noon ng marinig ko ang kuwento tungkol sa station 10566. Ikinuwento sa akin ito ni James, kasamahan ko sa trabaho, habang nagyoyosi kami pagkatapos mag-lunch.

"Pare naman, sa modernong panahon ba nating ito ay naniniwala ka pa sa multo?" natatawang sabi ko.

"Hindi naman sa ganoon. Pero marami na ang nakakita dun sa babae. Minsan daw nakaupo. Minsan nakatayo. Minsan umiiyak. Minsan…"

"Ikaw, nakita mo na ba yung babae?" putol ko sa kanya.

"Hindi," mabilis naman niyang sagot.

Natawa lang ako sa sinabi niya.

"Saka, bakit naman may magmumulto doon? May namatay ba doon?" may paghalong pagbibiro kong tanong.

Tiningnan lang niya ako ng seryoso. Hindi ko alam kung paano babasahin ang mukha niya.

"O, bakit natahimik ka yata?" tanong ko. "Huwag mong sabihing…"

Huminga siya ng malalim.

"Noong bago pa lang ako dito, may narinig akong kuwento. Yung babae daw na nagmumulto ay namatay sa station na iyon habang nagca-calls. Ayon sa kuwento, nagpaalam daw yung babae sa Team Leader niya kung pwede siyang umuwi dahil sumasakit ang ulo niya. Hindi pumayag yung TL kaya napilitan siyang bumalik sa pagca-calls. Maya-maya, bigla na lang daw bumagsak yung babae. Tirik ang mata at nangingisay. Patay na siya ng dumating sa ospital. May pumutok daw na ugat sa ulo niya at dumugo ang utak kaya sumasakit ang ulo niya."

Wala akong masabi sa kuwento niya. Hindi maalis sa isipan ko ang mukha ng isang babaeng, bagamat namimilipit sa sakit, ay pinipilit pa ring mag-calls. Isang babaeng walang k**alay-malay na dumudugo na pala ang kanyang utak.

Kinilabutan ako sa naisip. Tiningnan ko si James. Tulad ko, natahimik din siya. Sigurado, parehas kami ng iniisip.

"Naku," sabi ko, "imbento mo lang yata yan eh. Tinatakot mo lang yata ako eh."

Hindi niya ako pinansin. Humithit siya sa kanyang sigarilyo at dahan-dahang ibinuga ang usok.

"Sabi ko nga kuwento lang yun. Sinubukan ko ngang maghanap ng balita tungkol dun pero wala akong makita. Kahit sa internet walang napabalitang ganoon. Sabi naman nila, binayaran daw ng malaki ang pamilya ng babae para hindi na magsalita. Masisira kasi ang reputasyon ng kompanya kapag lumabas pa ang pangyayaring iyon."

"O kaya naman ay talagang walang nangyaring ganoon," mabilis kong idinugtong.

Napangiti lang siya sa sinabi ko. "O sige na nga, panalo ka na. Mabuti pa umakyat na tayo baka ma-late pa tayo," sabi niya sabay tapon ng sigarilyo sa basurahan.

Makalipas ang ilang linggo, habang papa*ok ako sa trabaho ay nagkaroon ng isang banggaan ang isang jeep at isang van. Dahil dito ay muntik na akong ma-late. Buti na lang at nakahanap ng shortcut ang taxi na sinasakyan ko. Madali ako sa pag-akyat ng building at pagkapunch-in ay agad akong naglog-in sa unang station na nakita ko. Humihingal pa ako ng puma*ok ang una kong tawag. Buti na lang at walang tao sa katabi kong station at walang nakakita sa pawisan kong mukha.

Maya-maya ay nakaramdam ako ng ginaw. Naisip ko na malakas siguro ang aircon. Dali-dali kong sinuot ang aking jacket ngunit dama ko pa rin ang lamig. Nakaramdam tuloy ako ng antok. Dahil madalang naman ang pa*ok ng calls, pumikit muna ako. Hindi ko namalayang nakatulog pala ako. Nagulat ako ng bigla akong maalimpungatan. Hindi ko alam kung gaano katagal ako nakatulog pero sa palagay ko ay medyo matagal dahil namamanhid na ang mga binti ko. Meron na ding taong nagca-calls sa katabing station ko. Isang babae.

"Thank you for calling! Good bye," narinig kong sabi ng babae. Masaya ang tono ng boses niya. Sinilip ko ang mukha niya pero hindi ko ito makita dahil nakatungo siya at nakaharang ang kanyang mahabang buhok.

May sinusulat ata. O baka naman nagte-text, nakangiti kong naisip.

Ipipikit ko sanang muli ang aking mga mata ng napansin kong may kung anong kulay p**ang pumatak sa keyboard ng babaeng katabi ko. Pinagmasdan ko itong mabuti, hindi masiguro kung ano at saan galing iyon.

Parang dugo.

Tatayo sana ako ng may isa na namang patak ang tumulo sa keyboard niya, at sa pagkakataong ito ay nasisiguro kong galing ito sa kanyang mukha.

Plak. Plak. Plak. Tuloy-tuloy ang pagpatak ng p**ang likido mula sa mukha ng babae hanggang halos kulay p**a na ang kanyang keyboard. Dito ay mabilis akong napatayo, hindi maalis ang aking mga mata sa nakikita.

"Miss…" sabi ko ngunit hindi ko naituloy dahil biglang tumawa ang babae. Mahina lang, halatang pinipigilan. Nagulat ako at napahakbang ng paatras.

"Miss…" sinubukan ko ulit magsalita ngunit tawa lang ulit ang sagot ng babae. Pero sa pagkakataong ito ay parang hindi na niya napigilan ang kanyang sarili at tuluyan ng humalakhak ng humalakhak ng ubod lakas. Umaalog ang buo niyang katawan dahil sa sobrang katatawa.

Matinding takot ang naramdaman ko. Gusto kong tumakbo pero hindi ako makakilos. Naninigas ang buong katawan ko. Tinangka kong sumigaw ngunit mahihinang ungol lamang ang lumabas sa aking bibig. Pinikit ko ang aking mga mata, umaasang guni-guni lang ang lahat ng iyon. Ngunit pagdilat ko ay naroroon pa rin ang babae, na ngayon ay dahan-dahang tumatayo sa kanyang kinauupuan. Hindi ko alam kung bakit pero alam ko ang susunod niyang gagawin. Haharap siya sa akin. Ipapakita niya ang kanyang nagdudugong mukha.

Sa takot ay nakahanap ako ng lakas. Naigalaw ko ang aking katawan at tumakbo ako ng tumakbo. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Ang tanging alam ko lang ay dapat makalayo ako sa babaeng iyon.

Hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari. Ang tanging naaalala ko na lamang ay inaalog ni James ang balikat ko. Tinatanong niya kung ano ang nangyayari sa akin. Nagmasid ako sa paligid, kinikilala kung nasaan ako. Nagulat ako ng makitang nasa kalsada na pala ako. Nakalabas ako ng building ng hindi ko namalayan! Tiningnan ko si James, bakas sa mukha niya ang pag-aalala.

"…ka lang ba? Ba't ang putla-putla ng mukha mo? Saan ka ba papunta?" sunod-sunod na tanong niya sa akin, ngunit tanging titig lang ang naisagot ko.

Muli kong iginala ang aking mga mata sa paligid. Dis-oras na ng gabi pero maliwanag pa dahil sa mga ilaw na nagmumula sa mga nagtataasang building, sa mga nagkalat na taxi, at sa nagdaramihang mga street lights.

"May babae…" sinimulan ko ngunit ngayong napapalibutan ako ng ingay at liwanag, parang isang malaking kalokohan kung ikukuwento ko sa kanya ang aking nakita. Baka isipin niya ay nababaliw na ako. Nakatingin lang sa akin si James, naghihintay.

"W-Wala," ang tanging nasabi ko.

"Anong wala! Kani-kanina lang eh para kang hinahabol ng 'sanlibong aswang. Saka, di ba may shift ka ngayon? Baka ma-job abandonment ka niyan!

Naalala ko bigla na may trabaho nga pala ako. Pati headset ko ay hindi ko na napansin na naiwanan ko pala ng tumakbo ako.

"Ayos lang ako," mahinang sagot ko.

"Sigurado ka ba diyan sa sinasabi mo? Baka may sakit ka?" may halong inis na tanong sa akin ni James.

"Wala. Mabuti pa umakyat na tayo," yaya ko sa kanya.

Pagkaakyat ay nagpasama ako kay James sa station kung saan ako nag-calls. Kung saan ko naiwan ang aking headset. Pagdating doon ay wala na ang babae. Malinis din ang station, wala ni isa mang patak ng dugo sa keyboard. Wala na din ang headset ko. Nang ituro ko kay James kung saan ako nag-calls kanina ay natahimik siya. Tinitigan niya akong mabuti.

"Sigurado ka bang dito ka nag-calls kanina?" tanong niya sa akin. Napansin ko na nagbago ang tono ng kanyang pagsasalita.

"Oo naman," sagot ko. "Bakit…?"

Bago ko pa man maituloy ang tanong ko ay napansin ko ang station number na nakapaskil kung saan nakaupo ang babae kanina.

10566.

Nagkatinginan kami ni James. Bakas sa namumutla niyang mukha ang takot.

"M-Mabuti pa lumipat ka na lang sa ibang station," mabilis niyang sinabi.

Dali-dali kaming umalis sa lugar na iyon, naghanap ng lugar kung saan maraming tao. Nakahinga lang kami ng maluwag ng nasa pantry na kami. Umupo kami sa tapat ng TV, kung saan ipinapalabas ang isang lumang pelikula.

"I-report mo na lang na nawawala yung headset mo. Baka may nakapulot nun," sabi niya sa akin bagamat hindi iyon ang sinasabi ng kanyang mukha. Alam kong pareho kami ng iniisip. Alam namin kung sino ang kumuha ng headset ko.

Mabilis namang napalitan ang nawawala kong headset, na hindi na nakita pa. Hindi na ako nag-calls sa station na iyon. Hindi ko na din nakita pa ang babae.

Ngunit sa pagtulog ko ay palagi ko siyang nakikita. Sa mga panaginip ko ay laging nandoon siya, nakaupo sa station 10566. Tawa siya ng tawa, at pagkatapos ay dahan-dahang tatayo, haharap sa akin para ipakita ang kanyang mukha. Ngunit sa panaginip ko ay hindi ako makatakbo. Hindi ako makatakas. Wala akong magawa kundi pagmasdan ang duguang mukha ng babae. Titig na titig sa akin ang kanyang mapup**ang mata. Kahit ang kanyang mga ngipin ay kulay p**a na sa dugo. Pagkatapos ay itataas niya ang kanyang kanang k**ay at makikita kong hawak-hawak niya ang aking headset. Inaabot niya ito sa akin. Hinahamon akong kunin ito sa kanya. Pinapangakong ibibigay niya ito sa akin basta't lumapit lang ako.

Sa panaginip kong ito, bago ako magising ng sumisigaw, ay hahakbang ako papalapit sa kanya.

02/08/2018

Hi ako nga po pala si krista,
noon lakwatsera ako, party girl yun nga kung saan yung magandang puntahan pinupuntahan namin kahit malayo;;
di namn ako natatakot kase marami namn kami, at kasama ko namn ang boybestfriend ko si "babe😍"

isang araw nun(biyernes) napag desisyohan naming magtungo
sa isang tagong ancestral house sa isang malayong probinsya;;
although maraming sabi2x tungkol sa lugar nayun, hindi kami natakot kasi akala namin marami kaming pupunta

nasa terminal na kami ng bus ng tumawag yung mga barkada namin mauna na daw kami ng babe ko at susunod sila;;
at yun nga nauna na kami at after 2 hours na byahe nakarating na kami at exactly 5:33 pm ;
nag ikot2x kami sa ancestral place na yun;
at mayamaya pa kumakagat na yung dilim.. nag ring ang phone babe tumawag yung mga friends namin di daw sila makakatuloy for some important rea*ons😣..
kaya naghanap na kami ng matutuluyan.

sa tapat ng ancestral house nayun may hotel dun para sa ginagabi nilang mga tourista,,
unang kita ko palang sa lugar parang creepy na yung feelings ko eh,, unang beses kong natakot, di ko alam parang di talaga ako comfortable eh,
tumuloy kami sa isang room (room13)2nd floor yun ng hotel,
pero habang naglalakad kami paakyat;

babe: bat parang tayo lang dalawa dito sa lugar nato??
ako: ako nga rin kanina ko pa napaapnsin,

pero natulog kami ng maaga para makaiwas sa pag iisip tungkol sa lugar..

but at exactly 1:00 am nagising ako
or should i say may gumising sakin,,

para kasing di ako makahinga at paglingon ko sa katabi ko may nakita akong lalaki, pero hindi sya yung inaasahan kong makita
😱 kase iba yung damit nya
parang yung pang patay at marumi pa pero di sya nakaharap sakin..
grabeeee.. di ako makagalaw
nagdasal ako ng taimtim hanggang sa................

nahhh nahhh nahhh nananahh nahh🎵🎶♩ parang may kumakanta kay lamig ng boses ng babaeng kumakanta .. kaya pinilit kong gumising para sana matukoy kong nasaan sya pag gising ko nakita ko si babe tulog na tulog,,
pinakinggan ko ng mabuti ang tunog ng kumakanta at parang nasa tapat ng bintana yun nanggaling kaya buong tapang kung binuksan yun at .......

oo sa tapat nga ng bintana dahil nasa ancestral house sya......
sa bintana ng ancestral house nakita ko ang isang babaeng kumakanta na may dalng sanggol . ... ngunit hindi pangkaraniwang babae.........

dahil sa takot ko napalakas yung pag dabog ng bintana noong isarado ko kaya lumingon sya . kahit di ko maaninag ang mukha niya alam kong tinitingnan nya ako ..
bumalik ako sa k**a at tumakabo..

ako: babe babe babe gising please..
pero sya nagising..

umupo ako sa k**a ngunit paglingon ko sa likuran
nandon yung babae may hawak na sanggol, kasama nung lalaking nakasuot ng pangpatay...............

sumigaw ako ng sumigaw hanggang sa di kona alam ang nangyari..........

umaga na ng magising ako..

nakaalis na kami sa lugar nayun.. pero wala paring nagsasalita samin ni deysh2x(babeko)

ako:babe kumusta naman yung tulog mo??
sya: wala kabang napansin kagabi?
ako:bakit??
sya: ang pangit kasi ng panaginip ko tungkol don sa ancestrals house...😰
ako: (natatakot) ano ba yung panaginip mo?
sya: isang asawa tapos mayron silang isang anak.. pinggutan sila ng ulo at doon pa talaga mismo nangyare sa isang silid don sa ancestral house....😰😱😱😱

grabeee.. parang mamatay ako sa takoooooot noon kaya sinabe ko rin sa kanya yung nangyari sakin nung gabing iyon..

kababalaghan na kailanmay di ko inasahan..halos tatlong linggo rin akong takot na takot nun...

sariwa parin yang pangyayaring yan sa isipan ko ngayunn.... di ko makakalimutan yan

-krista

21/07/2018

PUNONG(in hiligaynun, in tagalog Pala Isdaan)

Nasa 12 pa ako noon, kasama kuna c tatay kung saang Pala Isdaan siya nag babantay, Noong una Hindi talaga ako naniniwala sa mga Aswang, pero that time doon talaga ako naniwala na may Aswang talaga(Manananggal)
At Brgy Mambugsay Cauayan Negros Occidental, Gabi na yun, dalawa lng kami ni tatay sa maliit na kubo, naka higa na kami kaming dalawa, tapus sa labas nang kubo, may pinausukan si tatay na guma nang sasakyan, hindi pa ako maka tulog non. nag lalaro pa ako nang cp ko dahil d pa ako inaantok, mga 2am na yun, nang kumahol ang a*o namin, akala ko wala lng yun. tapus tiningnan ko ang aking a*o sa ma liit na butas nang ding² nang kubo, nka tingala ang asu habang kumakahol, nilakihan ko ang butas nang ding² tapus tiningnan ko ang ang taas... may malaking ibon, na hindi kapareho nang ordinaryung ibon... nang tiningnan ko nang mabuti namumula ang kanyang mga mata tapus kalahati lng ang katawan nito, doon na ako nag taka na hindi ibon ito... ginising ko c tatay dahil sa takot ko... hindi ko magising c tatay noon, pero nag lakas ako nang loob, kinuha ko ang patalim, tapus sinabihan ko ang mananangal na,(Bumaba ka riyan hapin mo ako, pero nasa loob lng yan nang kubo, kasi takot ako baka anung mangyari sa akin), tapus don na nagising c tatay, sa subrang ingay ko... kinuha nya yung baril(shotgun) tapus lumabas siya at pinag babaril nya ang manananggal hanggang umalis na ito... takot na takot ako don that time, halus nga hindi na ako makatulog gabi sa kaka isip nang pang yayari na yun... pero nilakasan ko ang aking loob... at yun nakakatulog na ako nang mahimbing na hindi kuna na iisip ang pangyayarin iyun...

-giefir

20/06/2017

Babysitter ni Ikoy

Sa Fairview nakatira sina Kuya Renato at asawa nitong si Ate Lydia kasama ang limang taong gulang nilang anak na si Ikoy.

Si Ikoy ay makulit pero mabait na bata. Magalang at masunurin sa matatanda. Sadyang palatanong lang talaga kaya aakalain mong makulit.

Sabado ng hapon, tinawagan ako ni Kuya at tinanong kung pwede ba akong magbantay kay Ikoy ng isang gabi lang dahil pupunta sila sa namatayang kaibigan. Medyo may lagnat kasi ang bata kaya hindi pwedeng dalhin. Pumayag ako.

Alas otso. Pagkatapos naming maghapunan, umalis na sina Kuya at Ate Lydia.

Nanood kami ng TV ni Ikoy. Nang makaramdam na siya ng antok, binuhat ko sya at dinala sa room nya sa ikalawang palapag. Bumaba ako ulit at nanood.

Maya-maya, narinig kong umiiyak si Ikoy sa kuwarto nya. Mabilis ko siyang inakyat.

Pulang-p**a na ang mga mata nito sa kaiiyak. Tinanong ko kung bakit umiiyak. Nanginginig nyang sagot ay may monster daw sa ilalim ng k**a nya.

Para kumalma, sinabi ko sa kanya na hindi totoo ang monster, hindi rin totoo ang Santa Claus at mga fairies. Hindi pa rin sya natigil sa kaiiyak. Mas lalong lumakas pa ito. Pulang-p**a na talaga ang mga mata nya habang nakatingin sa akin.

Sabi ko nalang sa kanya, titingnan ko yung ilalim ng k**a nya para ma-sure na wala talagang monster.

Dahan-dahan akong lumuhod at sumilip sa ilalim ng k**a ni Ikoy.

Halos mamatay ako sa kilabot ng makita ko si Ikoy sa ilalim ng k**a. Nakatingin sa akin at sinabing “Tito, paalisin mo yung monster sa taas bed ko.”

Biglang tumigil sa pag-iyak ang batang nasa itaas ng k**a. Napamura ako sa takot. Nagtaasan ang mga balahibo ko. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Nagkatitigan lang kami ni Ikoy sa ilalim ng k**a.

Halos himatayin ako ng mga oras na iyon lalo na ng maramdaman kong gumalaw ang bata sa taas ng k**a na parang bababa papunta sa pwesto ko.

Naihi na ako sa sobrang takot ng tumigil ang paggalaw ng k**a. Hinimatay ako sa sobrang sindak ng may biglang yumakap sa likod ko ng sobrang higpit.

Paggising ko, nandun na si Ate at si Kuyang karga si Ikoy. Hindi na ako tumagal at nagpaalam na akong umuwi dahil sa takot.

Pagkauwi ko, nagtext si Kuya. Bakit ko daw sinabi kay Ikoy na hindi totoo si Santa Claus at mga fairies.

14/06/2017

'Computer shop'

When i was at young age marunong na akong Magcomputer and araw-araw na akong nasa computer shop simula nung tinuruan ako ng Kuya at ate ko.Gamer kasi ang mga kapatid ko at tinuturuan din nila akong maging gamer.lagi ko silang kasama tuwing magcocomputer ako since simula bata palang ako.And nung time na wala sila dahil may camping sila sa school 3 days akong walang kasama..*change*Sabi daw nung mga kasama naming nagcocomputer dun ay may batang babae na daw na nagpaparamdam dun dahil pinatay sya nung ibang gamer dahil sa pusta..at natalo yung babae at dahil walang pambayad pinatay ito ng mga kapustahan nya.Pero ako hindi ako naniniwala doon.Kahit na yung iba ay nakikita na yung spirit na gsto lang maghiganti.*fastforw ard*that time ako lang ang maglalaro don sa shop dahil halos lahat ng mga naglalaro ay kasali sa Camp.that time nang maglalaro na ako bigla nalang bumukas yung isang computer at bumukas ang game na Dota at nagtaka ako nun dahil ako lang naman ang tao dun eh.At biglang tumunog yung Computer na Halatang naglalaro talaga pero ang inisip ko na lang ay baka isang Prank lang yun kahit imposible.at tinuloy ko ang paglalaro ko hanggang sa lahat na computer nagbukas !at dun na nagsimula ang takot ko..tinanggal ko ang headset ko at gsto kong tumakbo pero di ko magawa dahil hindi ako makakilos lalo na nung nakita ko yung ghost.!At don pumikit ako baka sakaling mawala.at nang pagdilat ko nasa harapan ko na ung ghost!omg!hindi ako mkpaniwala nun dahil yun ang unang beses kong makakita ng ghost !at hanggang sa nawala sya na tuloy parin ang tunog nang mga computers.Nang paguwi ko sa bahay ay nandun na dn ang mga kapatid ko at sinabi ko sa kanila ang nangyari sakin pero di sila naniwala sapagkat tinawanan pa nila ako at sinabing imahinasyon ko lamang yon at di sila naniwala sakin.
Thank you for reading !

-JAYRYLLE

19/05/2017

"CR"
Hello po readers😂
Perst taym ko to magshare ng story kaya wag kayong ano😂😂
So here we go....
I'm coleen I was 11 years old nung nangyare to. Mahilig ako sa mga horror stories at movies pareho kame ni papa hindi kase ako nun naniniwala sa multo kase sabe ni papa hindi daw yun totoo kaya yun na pinaniwalaan ko since andame ko na ngang nababasa at napapanood na horror tyaka wala naman akong nakikita but one tragedy change my belief October 2010 malapit na undas nun e, maaga kame natulog that time bale tabi tabi kame since wala kameng sari sariling kwarto inaayos pa kase yung bahay namen. So bale sa sala kame natutulog and guess what? Yung sala tapat lang ng CR edi ang puwesto ko sa tapat ng pinto ng CR since hnd nga ako natatakot mga kapatid ko kase sobrang takot sa bahay namen kase andame na nilang naririnig na kwento na may nagpaparamdam daw 5years na kame nakatira sa bahay na yun pero wala naman akong naramdaman o nakita kaya never talaga akong naniwala. Balik tayo sa kwento maaga kame natulog bale ang pwesto Si papa | Si mama | si bunso | lil'bro ko | Ako sa tapat mismo ng pinto ng CR . eto na nga maaga kame natulog kase pagod si papa sa trabaho kaya pati kame maaga pinatulog then mga around 2am nagising ako kase bigla akong nakaramdam ng kakaibang lameg tapos yung pakiramdam na parang may nakitingin saken dinilat ko mata ko kase nawala na den naman antok ko at nagulat ako sa babaeng dumaan sa paanan namen papuntang CR since hnd nga ako takot sa multo tinitigan ko nung una nga akala ko si mama lang pero nanotice ko habang patagal nang patagal titig ko sa kanya nakalutang siya sh*t hnd ko talaga alam gagawin ko nung time na yun then nagulat ako nung lumingon siya saken F*ck walang mukha tapos nakaDress siya na nililipad ung dress nya na aakalain mong kurtina pero wala naisip ko wala namang kurtina CR namen e, gusto kong sumigaw pero hnd ko magawa natulala ako men ! nanginginig nako sobra kase pers taym ko makakita ng real ghost nagdasal nalang ako nun sa isip ko ng paulit ulit na Our Father at pagkatapos nun nagulat ako ng biglang lumiwanag nagising pala si mama kanina nya pa daw ako tinatawag pero hnd daw ako sumasagot kaya binuksan nya yung ilaw dun lang parang naging kalmado utak ko tumayo ako tapos niyakap ko si mama habang umiiyak tapos tinatanong nya ako kung baket pero wala akong maisagot sa kanya puro lang ako iyak hanggang sa makatulog ako uli.
Kinabukasan..
Kinausap ako ni mama kung baket daw ako tulala tapos biglang umiyak tapos kinuwento ko sa kanya kung anong nangyare at kung ano yung nakita ko pati kela tito kinuwento yun mama grabe hindi daw sila makapaniwala na pati saken magpapakita yung babaeng nakalutang bata pa lang daw kase sila nagpapakita at nagpaparamdam na daw yun sa kanila at yun nga sabe nila tito madalas daw talagang magparamdam yung nakalutang na babaeng yun sa sala papuntang CR tapos sabe pa nung mga matatanda dun samen yung lugar na daw namen na yun dating gubat tapos ginawang ospital tapos naging sementeryo ka*o palaging binabaha kase nga malapit sa ilog kaya ayun pinahukay yung mga buto tapos inilipat ng ibang libingan pero andameng nagsasabe na hnd daw lahat ng buto nahukay dun kaya madameng nagpaparamdam hindi ko lang alam kung totoo nga yung sinasabe ng mga matatanda pero kung totoo man yun sana matahamik na yung mga kaluluwa nila. Pagkatapos ng pangyayaring yun hindi na uli kame natulog sa sala nagpagawa na si papa ng kwarto pero magkakasama pa den kame lahat lagi na den kame nagdadasal bago matulog...The End....
Thankyou po sa pagbabasa😂 hope you'll enjoy reading😂 at sana nagustuhan nyo.
-BbyColengs😘😘

17/05/2017

Hi im meg/male/ from valenzuela 1st time ko mag share ng nakakatakot na experience ko,


actualy madami na din talaga ako na experience pero saka ko na ishare,


(HINDI KO NA PO PAPANGALANAN YUNG RESORT)


by the way una kung isshare yung nasa batangas kami im not sure exact location or address because nag team bldg lang kami dun sa resort na yun and that time nag iinuman kami sa labas ng resort malapit sa pool maybe around 11 pm, not sure haha and isa sa mga ka team mate ko nag tanong sa akin my pagkain ba sila dito kasi nagugutom ako..


MEG - hindi ko alam eh wala naman ako nakikita pag kain dito kanina pa at walang mga tao masyado nag aasist sa atin dito pansin mo ba?


ROSE - oo nga eh kasi hndi naman summer kaya kunti lang tao ngaun dito.


MEG - kahit na costumer pa rin tayu at ang mahal ng kwarto na binigay sa atin na sira pa yung gripo hahaha


ROSE - oo nga e tara labas na lang tayu at dun tayu bumili..


MEG - cge pero panu hindi natin alam dito?


ROSE - tara tanong tayu ky guard


MEG - Cge momy rose


MEG - guys bili lang kami ni momy rose ng pagkain sa labas


NEXON - sama ako gutom na din ako bili tayu angels


(NEXON isa sa mga ka team ko )


MEG - hindi nga natin alam kung my bukas pa dito o my palengke dito... pero tara na bilis





habang papunta kami sa guard house nakita namin yung guard na nakatayu sa my gilid ng gate at nag tanong na si momy rose


ROSE - guard my bilihan bang pag kain dito wala kasing pag kain sa loob?


GUARD - ay mam malayo kasi palengke dito mag ttrickle pa po kayu para makapunta dun...


ROSE - ok lang kaysa mamatay kami sa gutom dito at wala din ako dalang sabon at shampo


MEG/NEXON - hahahahaha


GUARD - ok po mag papatawag po ako ng trickle mag raradyo lang po ako para papuntahin dito sa resort


ROSE/MEG/NEXON - salamat kuya......





mga 20 mins paparating na yung trickle na nakikita namin sa malayo kasi kitang kita yung head light nya sa daanan na madaming palayan sa mga gilid...


habang hihintay ko yung trickle sabi ko ky momy rose


MEG - momy labas lang ako wait ko lang yung trickle mukang paparating na din mag yosi lang ako


NEXON - ako din meg sama ako


MEG - tara





habang nasa labas kami ni nexon at nag yoyosi ung mga mata namin nakatingin dun sa my ilaw na my tunog ng trickle meju mabagal yung patakbo ng trickle kasi hndi pa sementado yung lugar ,, at halos paubos na yosi ko at nexon at malapit na sa amin yung trickle


MEG - MOMY ROSE ANJAN NA PO YUNG TRICKLE......


ROSE - ok papunta na





at habang hinihntay namin c momy rose


pumarada na sa harap namin yung trickle at habang papunta kami ni nexon sa trickle..





biglang my lumabas na babae dun sa sidecar na napakalaki mga 7 feet na naka pang kasal at nagulat ako kasi bigla sya lumabas at ang laki at yung itsra nya hndi ganun kaputi para putik na yung kulay pero alam mo na pang kasal yung soot nya.. at habang pinagmamasdan namin yung babaeng nakapangkasal at malaki at habang nag lalakad sya sa palayan hindi ko maiwasan matakot at iba ung pakiramdam yung nakita ko sya ibang iba na parang gusto ko umiyak lalo na sa takot pero parang feeling ko namatayan ako .... at habang nawala na sya paningin ko tingin ko c nexon na tulala din at hndi kami nakapag react agad... at bigla na lang kami tinawag ni momy rose


ROSE - MEG NEXON TARA NA!!!


sa sobrang takot ko hindi ako sumakay sa loob sidecar ganun din nexon tanging si momy rose lang sumakay na hindi nya alam kung anu nakita namin ni nexon...


at habang bumbyahe kami tinanong ko si kuya driver kung nakita nya ba yun nakita namin ni nexon


MEG - kuya nakita mo ba yung nakita namin knina sa sidecar nyo?


DRIVER - hindi ko sya nakita pero naramdaman ko sya kasi ang bigat ng motor ko kahit wla naman akong sakay pero alam ko na my sakay ako pag lampas ko dun sa talahiban nagtataka nga din ako bakit ang bigat pero alam ko my ibang elemento akong sakay pero hayaan nyo na lang yun madami talaga dito lalo na dun sa talahiban na nadaanan ko kasi madaming nasasalvage dun..


MEG - kaya pala ang bagal nyo mag maneho kanina kala ko kasi sa kalsada kaya mabagal kayu mag maneho


DRIVER - mabagal yung takbo ko kasi mabigat yung sidecar ko at baka din maaksidente ako kaya nag iingat ako kanina


MEG - ganun ba


NEXON - (TAHIMIK PA DIN SA SOBRANG TAKOT NA NAKITA NYA)





nakabili kami ng food at nakauwi ng safe naman pero ako at nexon hindi nakakain sa nangyari na yun at hindi po kami lasing kasi hndi din ako maxado uminom that time kasi wala kami pulutan hahaha at hindi lang ako nakakita pati si nexon na ka officemate ko


ayaw ko na din halungkatin kung sinu un at anu un kasi wala din mangyayari at wla din maniniwala mas ok cguro na exp din namin un at iba talaga yung feeling pag nakakita ka ng ganun ...


sorry if mejo magulo yung kwento pero i hope na magustuhan nyo


mag popost ulit ako ng mga na exp ko next time pag hndi busy sa work


leave comments na lang kung anu kulang para sa next post ko maging ok na

12/05/2017

Bagong Mommy

Alas-tres ng hapon ang libing ng baby nina Alice at John. Kaya nagmamadaling pumara ng sasakyan si Lisa dahil baka ma-late sya sa libing ng inaanak.

Sa sementeryo na sya dumiretso, nandoon na rin ang iba pang kaibigan nila na sina Mark at Joyce.

Pagkatapos ng libing, sinamahan ng tatlo si Alice na sadyang nagpaiwan at hindi tumitigil sa pag-iyak. Basang-basa na ang panyo nito sa luha.

Makalipas ang isang oras na pagkakatayo sa gitna ng maraming puntod, nagyaya na rin itong umuwi.

Nagtaxi na silang tatlo pauwi. Sobrang napagod sila sa pagtayo kasama ni Alice. Halata sa mukha ni Joyce na gusto nitong magreklamo dahil sa sakit ng balikat pero ngumiti lang ito.

Unang bumaba si Joyce. Hindi alam ni Lisa kung namamalikmata lang ba sya o totoong nakita niyang may nakaaba sa likod nito habang naglalakad. Isang baby na nakaputi na bigla ring naglaho pagpa*ok niya sa pintuan nila. Sinarili na lamang niya ang nakita baka pagtawanan siya ni Mark.

Sumunod na bumaba si Mark. Kinabahan na si Lisa ng makitang may nakaaba ding baby na nakaputi sa likod ni Mark. Nanindig ang mga balahibo nya dahil alam niyang minumulto sila. Kaya pala masakit ang mga katawan nila lalo na ang balikat dahil may batang nakaaba.

Pagbaba ni Lisa sa gate ng compound nila, agad syang tumakbo ng mabilis papunta sa unit nya sa ika-tatlong palapag. Hindi na sya nag-elevator. Agad syang puma*ok at isinara ang pinto.

Hindi na sya nagbihis pa. Pinuntahan agad niya ang salaming nakalambitin sa wall. Kinakabahang sinuri ang sarili kung may batang nakaaba. Laking pasasalamat nya ng wala naman syang nakita.

Maya maya, nagtext ang guard mula sa gate ng compound nila. “Mam, nai-register nyo na po ba ang baby ninyo sa admin office?”

Muntik ng maihi si Lisa sa takot. Mabilis syang lumabas at sumakay ng elevator. Gusto nyang pumunta sa maraming tao dahil sa takot.

Pagsara ng elevator, halos takasan ng ulirat si Lisa ng makita sa repleksyon nito ang batang mukhang demonyo na nakaaba sa likod nya.

Isang malakas na sigaw ang kanyang pinakawalan. Nakakatakot ang mukha ng bata. Parehong p**a ang malalaking mata nito at nakangiti sa kanya.

Lalo syang kinilabutan nung hindi nya ito mahawakan. Nagtaasan talaga ang mga balahibo niya.

Napaupo sya takot ng biglang namatay ang ilaw at tumigil ang elevator.

Pagbukas ng ilaw, nasa harap nya na ang malignong bata. Hindi siya makagalaw sa sobrang takot. Nawalan sya ng ulirat ng nagsalita ang bata, “kaw bago mami.”

Address

Valenzuela

Telephone

+639367164132

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Pinoy Horror Story posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category