15/07/2025
Sa nakakapagod na maghapon,
Sa mundong tila laging laban,
Sa mga pusong di marunong umunawa,
At sa mga salitang tila sibat ang tama.
Sa pagod na di lang katawan,
Kundi damdamin na rin ang pasan,
Sa mga luha na di na mabilang,
Sa sakit na tahimik kong nilalabanan.
Sa lahat ng ito—
Uuwi ako.
Hindi sa pahinga,
Hindi sa katahimikan,
Kundi sa yakap mo, anak ko,
Sa halik mong may taglay na pag-asa at lambing.
Dahil sa dulo ng lahat ng gulo,
Ikaw ang tahanan ko.
Habang ang mundo ay mapanakit,
Ikaw ang paalala kung bakit sulit ang bawat saglit.