
21/08/2025
๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐
Sino ba 'tong taong nasa โฑ500 bill na 'to?
Madalas natin siyang nasisilayan rito, ngunit sino nga ba sya? Ang mukhang nakatatak sa dilaw na perang papel ng Pilipinas, subalit higit pa sa pagiging larawan sa salapi si Benigno "Ninoy" Simeรณn Aquino Jr. siya ay isang sagisag ng matapang na pakikipaglaban para sa kalayaan at bumuhay sa ideyolohiyang demokrasya. Siya ay hindi lamang basta isang ordinaryong pulitiko . Sa panahong pinaghaharian ng takot at diktadoryal ang bansa, si Ninoy ang nagsilbing boses ng bawat Pilipino na siya pa ngang nagsabi "The Filipino is worth dying for," katagang patuloy na gumigising sa pagiging makabayan.
Bata pa lamang ay nahubog na sa kaniyang pangarap na maglingkod. Sa edad na dalwampu't dalawa, nagsilbing alkalde ng Concepcion, Tarlac at edad na tatlumpu't lima, naging pinakabatang senador ng Pilipinas. Hindi lamang kapangyarihan ang habol sa Senado pati na rin ang mga adbokasiyang nais niyang itaguyod mapakarapatan, hustisya ngunit higit sa lahat, demokrasya.
Noong nagsimulang ipataw ng diktaduryang si Ferdinand Marcos Sr. ang Martial Law, 1972, buong tapang na tumuligsa si Ninoy, dahil sa walang sawang paglaban nagbunga ito sa malupit na kinahinatnan, ang kaniyang pagiging bilanggo ng halos walong taon. Pagkababa sa eroplano ni Aquino, Agosto 21, 1983 mula sa pagkakatapon sa Estados Unidos pagtungtong pa lamang sa Tarmac Manila Internatinal Airport (Ninoy International Airport) alam na niya ang kaniyang magiging kapalaran. Siya ay pinaslang bago pa man makapagsalitang muli para sa kaniyang bayan. Ito ay naging tahimik na saksi sa pagbubuwis ng kaniyang buhay ngunit naging maingay para sa mas malaking adhikain, ang resulta? EDSA People Power Revolution noong 1986.
Milyong milyong tao ang namulat at nakibaka upang ipakita ang kapangyarihan ng taumbayan, kapangyarihang tumapos sa isang diktador. Ang diwa ni Ninoy ay paniniwalang may halaga ang bawat Pilipino at ipaalala ang ating pananagutan para sa ating kinabukasan.
Ngayon tuwing ginugunita natin ang Ninoy Aquino Day, 'di lamang natin ipinagdiriwang ang kaniyang makabuluhang pagkamatay, pinapaalala nito na ang ating kalayaan ay kaakibat ng bawat sakripisyo at pagpupursigi. Ang kaniyang pigura sa perang papel ay hindi lamang tanda ng nakaraan, ito ay tatak ng pagiging nasyonalismo.
๐: Claudio Aguila
๐ป: Janryll Fabunan