03/09/2025
MAINIT NA BANGGAAN SA ISYU NG FLOOD CONTROL PROJECT SA MATAG-OB, LEYTE
Sinagot ni Matag-ob Mayor Bernie Tacoy ang di umano’y sinabi ni Leyte 4th District Congressman Richard Gomez sa kanyang privilege speech sa Kongreso na ginamit umano at sinensationalize ng alkalde ang isyu ng flood control project sa Matag-ob.
Mapapag-alaman na sa Personal and Collective Privilege Speech ni Gomez kahapon, sinabi nito na nag sensationalize ng maling impormasyon ang naturang alkalde.
“While fixing our flooding issue needs to be top priority for government today, Mayor Bernie Tacoy exploits this vital topic by sensationalizing false information to the media. To set the facts straight, the project is still ongoing. Hindi pa po tapos.”
Bwelta naman ni Mayor Tacoy, hindi exploitation ang pagsisiwalat ng mga iregularidad sa proyekto kundi bahagi ng kanyang tungkulin bilang lokal na lider upang bantayan ang pondo ng bayan.
“Exposure of irregularity is not exploitation,” giit ng alkalde.
Dagdag pa ng alkalde, isang dokumento mula sa DPWH Regional Office 8 ang nagsasabing 94.72% nang kumpleto ang flood control project sa Brgy. Riverside noong Hulyo 31, 2025. Ngunit sa kabila nito, bumigay umano ang proyekto sa unang malakas na pag-ulan dahil sa mahinang pundasyon at kakulangan ng materyales.
"You have repeatedly said that the project is unfinished but what is much to be done with the 5.28 unfinished portion?" ayon kay Tacoy
Maliban dito sinabi rin ni Tacoy na ang sheet piles, na kritikal sa tibay ng estruktura, ay dumating lamang matapos maitayo ang malaking bahagi ng proyekto.
Dahil dito, humiling si Tacoy sa DPWH ng pansamantalang suspensyon ng proyekto habang isinasagawa ang isang independenteng imbestigasyon.
Natukoy rin sa naturang speech ang koordinasyon ng DPWH sa Matag-ob.
Binigyang-diin ni Tacoy na malinaw sa Section 25(b) ng Local Government Code of 1991 na obligasyon ng mga national agencies gaya ng DPWH na makipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan sa pagpaplano at implementasyon ng mga proyekto. Ngunit aniya, ang ipinakitang litrato ng pagpupulong ay hindi sapat na ebidensya ng tunay na koordinasyon.
Sa huli, hinamon ni Mayor Tacoy si Cong. Gomez na handa itong magbitiw sa kanyang pwesto.
"I am willing to tender my immediate resignation and pledge not to re-elect in the 2028 elections in Matag-ob, should you accept my challenge to fulfill my vision for our municipality.” I via Infinite Radio Villaba News Team