Infinite Radio Villaba

Infinite Radio Villaba Infinite Radio Villaba is a radio station affiliated w/ St. Jude Thaddeus Institute of Technology.
(1)

TINGNAN: Pormal nang nanumpa si House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ngayong linggo, Hunyo 29 bilang Kinatawan ng...
29/06/2025

TINGNAN: Pormal nang nanumpa si House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ngayong linggo, Hunyo 29 bilang Kinatawan ng Unang Distrito ng Leyte sa harap ni Court of Appeals Associate Justice Bautista Corpin Jr. sa isang seremonyang ginanap sa makasaysayang Price Mansion sa Tacloban City.

Kasama ni Speaker Romualdez sa okasyon ang kanyang mga anak na sina Andrew Julian K. Romualdez at Ferdinand K. Romualdez.

Nanumpa rin siya bilang kinatawan ng Tingog Partylist, habang ang kanyang anak na si Ferdinand K. Romualdez ay nanumpa bilang bagong halal na Konsehal ng Tacloban City.

Kasabay nito, nanumpa rin sa tungkulin si Tingog Partylist Representative Jude Acidre.

Dumalo at pormal ding nanumpa ang iba pang halal na opisyal ng Tacloban City at ng pitong bayan ng Palo, Babatngon, Tanauan, Tolosa, Sta. Fe, Alangalang, at San Miguel.

29/06/2025

LOOK: Isang 10 taong gulang na bata ang nasagi ng isang single na motorsiklo sa bahagi ng Agua Dolce St, Ormoc City ngayong hapon ng linggo, Hunyo 29.

Napag-alaman na tatawid sana ito kasama ng kanyang kapamilya ng biglang masagi ng motor

Nasa ligtas naman na kalagayan ngayon ang naturang menor de edad | via Kadasig Sunny Lascuña

Ilang opisyal ng Leyte, nagpahayag ng pagsuporta sa inisyatibo ng AirAsia para sa turismo ng RehiyonTACLOBAN CITY, Leyte...
29/06/2025

Ilang opisyal ng Leyte, nagpahayag ng pagsuporta sa inisyatibo ng AirAsia para sa turismo ng Rehiyon

TACLOBAN CITY, Leyte — Buong suporta ang ipinahayag ng ilang opisyal mula sa Probinsya ng Leyte sa isinagawang AirAsia Route Story Conference noong Hunyo 27 sa Leyte Provincial Capitol, bilang bahagi ng pinaigting na kampanya upang kilalanin ang Leyte bilang gateway ng Eastern Visayas at higit pang paunlarin ang turismo sa rehiyon.

“Excited to join the AirAsia Route Story Conference! Proud to support this initiative in showcasing Leyte as the gateway to Eastern Visayas,” ayon kay Leyte 1st District Board Member Wilson Uy.

Nagpahayag ng pasasalamat si Leyte 3rd District Board Member Chinggay Veloso-Kabigting sa AirAsia Philippines dahil sa patuloy na pagtulong na kilalanin ang Leyte bilang gateway ng Eastern Visayas.

Dagdag pa niya, "We are grateful to Air Asia for positioning Leyte as the gateway to Eastern Visayas. Activities and partnerships like this play a crucial role in the development of our province and our region because when done right, when done properly and responsibly, we reap endless gains socially, economically, environmental and culturally. When tourism is sustainable and supported, everyone wins."

Ang aktibidad ay kasabay ng muling pag-renew ng partnership sa pagitan ng AirAsia Philippines at Pamahalaang Panlalawigan ng Leyte—isang pagtutulungan na nagsimula pa noong 2009 na naglalayong gawing mas abot-kaya ang pagbiyahe at mas palakasin ang regional connectivity.

Sa naturang pagtitipon, mainit na sinalubong ng Gobernador ng Leyte na si Jericho “Icot” Petilla ang delegasyon ng AirAsia Philippines, kasama si Provincial Tourism Consultant Frances Ann Petilla at iba pang lokal na opisyal.

“AirAsia has proven to be a true partner in making Leyte a more visible destination,” pahayag ni Gov. Petilla, kasabay ng pagbibigay-pugay sa airline dahil sa naging mahalagang papel nito sa pagbangon ng lalawigan matapos ang Super Typhoon Yolanda noong 2013 kung saan nag-alok ito ng 250,000 libreng upuan at nakalikom ng halos PHP100 milyon para sa muling pagbangon ng Leyte.

Mula naman sa panig ng airline, binigyang-diin ni AirAsia Philippines CEO Suresh Bangah ang kanilang pangako.

“Leyte holds a special place in AirAsia’s journey, and we remain dedicated to making it a top choice for travelers.” ayon sa AirAsia Phil CEO Bangah

Kasabay nito, inanunsyo rin ng AirAsia ang special seat sale na may one-way fares papunta at mula Tacloban na nagsisimula sa PHP516 lamang, available hanggang 03 Hulyo 2025 para sa biyahe mula 02 Hulyo 2025 hanggang 31 Marso 2026.

Sa kabila ng hamon ng pagkukumpuni ng San Juanico Bridge at iba pang imprastruktura, nananatiling layunin ng partnership na ito ang makapaghatid ng mas maraming turista upang matuklasan ang mayamang kasaysayan, kultura, at likas na ganda ng Leyte—mula sa diving spots, heritage sites, at iba pa na patuloy na nagpapatibay sa lalawigan bilang must-visit destination sa Visayas.

LOOK: Isang road accident ang nangyari sa  Brgy, Margen, Crossing Brgy, Cabaliwan, Ormoc City I via Kadasig Sunny Lascun...
29/06/2025

LOOK: Isang road accident ang nangyari sa Brgy, Margen, Crossing Brgy, Cabaliwan, Ormoc City I via Kadasig Sunny Lascuna

TACLOBAN–SAMAR RORO ROUTE, NAGPATATAG NG PRESYO NG GULAY SA EASTERN VISAYASTACLOBAN CITY — Malaking ginhawa ang dala ng ...
29/06/2025

TACLOBAN–SAMAR RORO ROUTE, NAGPATATAG NG PRESYO NG GULAY SA EASTERN VISAYAS

TACLOBAN CITY — Malaking ginhawa ang dala ng pagbubukas ng bagong roll-on, roll-off (RoRo) route sa pagitan ng Tacloban City at Amandayehan Port sa Basey, Samar noong Hunyo 28, 2025, matapos nitong makatulong upang mapatatag ang presyo ng mga gulay at iba pang produkto sa Eastern Visayas.

Naging mahalaga ang pagbubukas ng ruta dahil sa ipinatupad na 3-toneladang weight limit sa San Juanico Bridge, na kasalukuyang sumasailalim sa rehabilitasyon.

Dahil dito, hindi na makatawid ang malalaking delivery trucks, na naging dahilan ng pagtaas ng presyo ng mga gulay bunsod ng dagdag na gastos sa paglipat ng kargamento mula sa malalaking trak patungo sa mas maliliit na sasakyan.

Ayon sa Department of Agriculture (DA), nakapagtala sila ng pagtaas ng presyo sa mga gulay noong unang bahagi ng Hunyo. Subalit nang magsimulang mag-operate ang Tacloban–Amandayehan RoRo route, bumalik sa mas mababang presyo ang ilan sa pangunahing gulay sa rehiyon.

Sa datos ng DA price monitoring mula Hunyo 6 hanggang Hunyo 26, 2025, bumaba ang presyo ng broccoli mula PHP380 sa PHP300 kada kilo; repolyo mula PHP130 sa PHP100; lettuce mula PHP350 sa PHP300; at pechay Baguio mula PHP120 sa PHP100.

Dahil sa bagong RoRo route, nabawasan mula 13 oras (via Calbayog-Ormoc route) tungo sa 15–20 minutong biyahe ang oras ng paglalakbay, na nakatulong upang mabilis at ligtas na maihatid ang mga gulay mula Luzon at iba pang lugar patungo sa mga pamilihan sa Eastern Visayas.

Samantala, nanatiling matatag ang presyo ng mga pangunahing bilihin tulad ng bigas, isda, karne, manok, itlog, at mga rekado, na hindi gaanong naapektuhan ng pagbabawal sa mabibigat na sasakyan sa San Juanico Bridge.

Malaki ang inaasahang tulong ng ruta upang mapanatili ang abot-kayang presyo ng pagkain para sa mga mamimili at matiyak ang tuloy-tuloy na daloy ng suplay sa rehiyon habang patuloy ang pagsasaayos ng tulay na nagdudugtong sa Leyte at Samar.

Ipinapaabot ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagbati kay Alex Eala bilang kauna-unahang Pilipino na umabot sa WT...
29/06/2025

Ipinapaabot ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagbati kay Alex Eala bilang kauna-unahang Pilipino na umabot sa WTA 250 singles final na isang pambihirang tagumpay na nagdadala ng malaking karangalan sa Pilipinas.

Bagamat hindi naiuwi ang kampeonato sa Lexus Eastbourne Open finals, ang kanyang laban ay isa nang panalo para sa Philippine sports at inspirasyon sa milyon-milyong Pilipino.

28/06/2025
28/06/2025

Our heartfelt congratulations to our newly elected officials of the Province of Leyte sworn in at the Inaugural Ceremony of Elected Officials of the Province of Leyte, particularly Gov Icot Petilla, Vice Gov Sandy Javier, our provincial board members with BM Chinggay Veloso Kabigting and BM Alan Ang representing the 3rd district of Leyte, and our 3rd district of Leyte municipalities comprising Villaba (led by Mayor Lito, VM Edgar, and SB Villaba), Tabango (led by Mayor Maricor, VM Benjo and SB Tabango), San Isidro (led by Mayor Bebot, VM Jumbo and SB San Isidro), Calubian (led by Mayor Bebe, VM Bing, and SB Calubian), and Leyte (led by Mayor Jed, VM Noli, and SB Leyte)😊

We are truly grateful to be on this journey with each of you choosing to be part of the solution, and working to be the change we want to see. As we enter a new chapter of service for our province and our country, we will continue to dream and work wholeheartedly with you as we lay the groundwork for the improved quality of life we aspire for our communities and our children.🇵🇭

We pray for the courage, guidance, and grace needed for the collaborative climate action and sustainable development work to be done together. May we learn to truly listen and find common ground, to help our communities survive and thrive.

With our coastal towns at the forefront of the climate crisis rendering us more vulnerable to rising sea levels, increased frequency and intensity of typhoons, droughts, and other climate-related disasters that impact everything from agriculture and livelihoods to public health and displacement, more than ever, we need to keep leveraging our networks to amplify impact. We will need to keep being responsible for each other and our environment, creating safe spaces that harness our potential and resources in a sustainable manner, and working hard to create a culture of moral integrity in which people feel safe, seen, heard, and respected.

Please whisper a prayer of courage, grace and grit for all that we need to do for the Third District of Leyte and for our country for the next three years.🙏🏻

Daghang salamat 💚💚💚🇵🇭

-Leyte 3rd District Congresswoman Anna Veloso-Tuazon

SEAMAN, NASAKSAK ANG ASAWA DAHIL SA SELOS?POLICE REPORT — Nauwi sa karahasan ang matinding panibugho ng isang seaman mat...
28/06/2025

SEAMAN, NASAKSAK ANG ASAWA DAHIL SA SELOS?

POLICE REPORT — Nauwi sa karahasan ang matinding panibugho ng isang seaman matapos niyang pagsasaksakin ang sariling asawa kagabi sa Brgy. Agpangi.

Ayon sa impormasyong nakalap mula sa pulisya, ikinuwento ng anak ng mag-asawa na naghintay ang ama hanggang pasado alas-diyes ng gabi sa pag-uwi ng kanyang ina, na isang Human Rights Officer sa Biliran Province State University (BiPSU).

Pagdating umano ng ina, dumiretso ito sa kanilang silid.

Makalipas ang halos isang oras, nakarinig ang anak ng malakas na sigaw ng ina na humihingi ng saklolo.

Agad siyang humingi ng tulong sa tiyuhin, at pagdating nila sa bahay, bumungad sa kanila ang ama na may hawak na kutsilyo, habang duguan at nakahandusay sa sahig ang ina.

Base pa sa ulat, naglaslas rin ng pulso at sinaksak ng ama ang sarili sa tiyan matapos ang pananaksak.

Agad na isinugod ang mag-asawa ng mga kaanak sa Biliran Provincial Hospital.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, sinasabing matinding selos ang nagtulak sa seaman na gawin ang krimen laban sa kanyang asawa.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente. I via Kadasig Ronnie Roa

Mas Mahigpit na Load Limit sa Liloan Bridge, Ipatutupad na sa Hulyo 4Ipinababatid sa publiko na epektibo sa Hulyo 4, 202...
28/06/2025

Mas Mahigpit na Load Limit sa Liloan Bridge, Ipatutupad na sa Hulyo 4

Ipinababatid sa publiko na epektibo sa Hulyo 4, 2025, ipatutupad na ang maximum load limit na 3 tonelada para sa lahat ng uri ng sasakyan na daraan sa Liloan Bridge, Southern Leyte.

Bilang bahagi ng implementasyon, maglalagay ng gantry o harang na may taas na 3 metro upang matiyak ang pagsunod sa nasabing load limit.

Samantala, mananatiling ipatutupad ang kasalukuyang 5-ton load limit hanggang Hulyo 3, 2025 lamang.

Bilang konsiderasyon, may ibinigay na grace period hanggang sa parehong petsa (Hulyo 3, 2025) para lamang sa mga walang lamang sasakyan na higit sa 5 metric tons upang makalabas ng Panaon Island.

Gayunpaman, mahigpit pa ring ipinagbabawal ang pagpasok ng anumang sasakyan na lagpas sa 5 metric tons patungo sa Panaon Island.

Pinapayuhan ang mga operator ng sasakyang lumalagpas sa itinakdang bigat na gumamit ng mga alternatibong pantalan na matatagpuan sa San Juan, Saint Bernard, Padre Burgos, at Maasin City, pawang nasa Southern Leyte.

28/06/2025

NEWS ALERT: DPWH- Leyte 3rd , mabilis na inaksyunan ang nasirang Sandayong Buga-buga Road, Pag-ulan dahilan ng paguho ng daan I via Kadasig Cindy Wong

Alamin ang buong report sa baba:

Address

Barangay Suba, Leyte
Villaba
6537

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Infinite Radio Villaba posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category