31/05/2026
10 KATAO ARESTADO SA ILLEGAL NA E-SABONG SA HINDANG, LEYTE
Sampung (10) katao ang inaresto ng mga awtoridad sa isang operasyon kontra ilegal na online sabong (e-sabong) sa Hindang Amusement Center, Brgy. Poblacion 2, Hindang, Leyte nitong gabi ng Mayo 29, 2026.
Kabilang sa mga naaresto ang mga alyas na βAtan,β 50; βSab,β 64; βGanor,β 48; βWaning,β 68 (isang barangay opisyal); βTatang,β 48; βChang,β 33; βPerok,β 39; βYeye,β 24; βKitig,β 24; at βBads,β 26, na pawang mga residente ng ibaβt ibang barangay sa Hindang at karatig na bayan ng Leyte.
Ayon sa ulat, nagsagawa muna ng intelligence monitoring ang mga awtoridad bago pormal na ikinasa ang operasyon matapos makumpirma ang umanoβy patuloy na e-sabong activity sa lugar. Isang pulis din ang nagsilbing poseur-bettor na nagparehistro sa online platform at naglagay ng taya na nagkakahalaga ng β±500 gamit ang GCash bilang bahagi ng ebidensya.
Pagsapit ng gabi, agad na pumasok ang composite team ng pulisya at kinordon ang lugar. Sa isinagawang inspeksyon, nadiskubre ang mga kagamitang ginagamit sa ilegal na online sabong kabilang ang internet routers, desktop computer na nagsisilbing server, CCTV system, at iba pang ICT equipment na konektado umano sa live betting operation.
Dito rin natukoy na ang aktibidad ay naka-stream nang live online, dahilan upang agad ideklara ng mga awtoridad ang paglabag sa Presidential Decree 1602, kaugnay ng Executive Order No. 9 at Cybercrime Prevention Act of 2012.
Ang mga naarestong indibidwal at nakumpiskang kagamitan ay dinala sa Hindang Municipal Police Station para sa dokumentasyon at tamang disposisyon, habang patuloy ang imbestigasyon sa posibleng mas malawak na operasyon ng e-sabong sa lugar. I via Infinite News Department