09/07/2025
Jenny Love Rainier Ornido
Lord, Lipat Na Ba Ako? 10 Signs Na Tinatawag Ka Na Sa Bagong Church [PART 1]
May mga panahon na mapapaisip ka:
“Ako ba’y lalago pa dito? Tama pa ba ang tinatahak ng church namin? Si Lord pa ba ang sentro o tao na lang?”
Hindi madali ang ganitong tanong — lalo na kung matagal ka na sa isang church. May emotional attachment, may spiritual memories, may ministry ka pa. Pero minsan, dala ng pagkatuyo, pangit na leadership, o maling doktrina, mararamdaman mong may panawagan si Lord para lumipat.
Pero kailan nga ba valid na reason ang paglipat ng church? At paano ito haharapin nang may puso at gabay ng Diyos?
10 SIGNS NA BAKA TINATAWAG KA NA NI LORD NA LUMIPAT NG CHURCH:
1. Kapag mali na ang Ebanghelyo.
Galatians 1:8 Kahit sino pa ang magturo ng ibang ebanghelyo, siya’y dapat sumpain.
What to do?
a. Assess teaching, not closeness.
Huwag mong sukatin ang isang church, leader, o grupo base lang sa closeness mo sa kanila. Kung mali ang itinuturong Ebanghelyo, iyon ang mas mahalagang sukatan.
b. Leave when gospel’s lost.
Kapag hindi na si Jesus ang sentro, at mali na ang doktrina, hindi ka tinatawag ni Lord na manatili — kahit gaano pa ka-close.
c. Prioritize truth over comfort.
Ang pananampalataya kay Cristo ay hindi laging komportable. Kung kailangang masaktan para manatili sa katotohanan, gawin ito.
d. Build truth-based relationships.
Maghanap at magtayo ng mga relasyon at fellowship na nakatayo sa tamang Ebanghelyo — hindi lang sa history o bonding.
e. Expose false gospels lovingly.
Huwag manahimik kung alam mong mali na ang itinuturo. Sabihin ito sa paraang may katotohanan at pag-ibig.
2. Kapag lumilihis na sa Bible ang tinuturo.
2 Timothy 4:3 “… ayaw nang makinig ng mga tao sa tamang aral.“
What to do? Check kung Bible-based pa.
Huwag mong hayaang palitan ang katotohanan ng opinion o trend lang.
3. Kapag may corruption o immorality sa leadership.
Titus 1:7-9. Ang leader dapat ay blameless, self-controlled, at godly.
What to do?
a. Tingnan ang bunga, hindi galing.
Ang tunay na lider ay makikilala sa bunga ng kanyang buhay — hindi lang sa husay magsalita o dami ng likes.
b. Pamumuhay ang tunay na pruweba.
Kahit gaano ka-charismatic, kung hindi naaayon sa Ebanghelyo ang buhay, hindi siya dapat tularan.
c. Iwasan ang fake spirituality.
Yung parang maka-Diyos sa salita pero taliwas sa gawa — delikado at mapanlinlang.
d. Piliin ang pagiging tulad Niya.
Character is Christlikeness. Ang hinahanap ni Lord ay hindi popularidad, kundi buhay na sumasalamin kay Cristo.
Sa lahat ng ginagawa — sa ministry, relationships, o decisions — ang goal ay maging kawangis ni Cristo, hindi maging sikat o impressive.
NOTE: Bukas mababasa ang part 2. Kaya abangan ang katuloy ng “ Lord, lipat na ba ako?”